💍31 : Back With His Faithfulness

3.4K 70 18
                                    

UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018


FLYNN

"Kailan uuwi ang daddy mo? Alam na ba niyang naospital si tita?" mga tanong ko kay Bella.

Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang ginawa ko kay Steffi kagabi. I always keep pushing her away. I know it causes her so much pain everytime I did it to her. Sa puntong ito, hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Hindi ko na kayang pigilan ang puso ko. Mas nasasaktan na ako sa pinaggagawa ko sa kanya. Hindi ko kayang makita pa siyang pinipigilan niyang tumulo ang mga luha niya.

"Bukas daw siya uuwi," sagot niya sa akin sabay sandal sa balikat ko. Hindi ako gumalaw ng sumandal siya sa akin. Nakatingin lang ako sa mommy niyang natutulog sa kama.

Mayamaya pa tumayo ako at dinampot ko ang jacket na dala-dala ko. Dito ako natulog sa hospital para samahan siyang bantayan ang mommy niya. Pero si Steffi ang nasa isip ko buong gabi at ni hindi ako nakatulog. Hindi ko alam kung ligtas ba siyang nakauwi. Wala akong ideya kung ano ang nangyari sa kanya pagkatapos naming mag-usap.

"Saan ka pupunta?" biglang tanong ni Bella sa akin ng makita niyang papalapit ako sa pinto.

"Sa kanya?" dagdag nitong tanong sa akin.

Humalukipkip siya at biglang sumama ang tingin niya sa akin. Huminga ako ng malalim at lumapit ako ng kaunti sa kanya.

"Uuwi ako sa bahay," mahinahon kong sinabi sa kanya. Halos ibulong ko sa kanya iyon dahil ayokong marinig ng mommy niya. Buong akala ng mommy niya at ng lahat may relasyon kaming dalawa pero wala, that's so imposible. Ayoko lang magalit ang mommy niya kaya pumayag akong magpanggap kami noon.

"Akala ko ba natauhan kana? Come on Flynn, get back with your senses." Tinitigan ko lang siya dahil ayokong mag-away kami. Tumalikod ako sa kanya at dali-daling naglakad palabas ng kwarto.

Napahinto ako ng biglang niyakap niya ako sa likod.

"Huwag kang bumalik sa kanya, sasaktan ka lang niya ulit! Maniwala ka sa akin, aalis din siya! I know her deep secrets!" Umiiyak niyang sinabi habang yakap-yakap ako patalikod. Bumibigat ang bawat hakbang ko dahil pinipigilan niya ako. Hindi ko napigilan ang sarili ko, pinilit kong kumalas sa pagkakayakap niya.

"I don't care! And I don't believe in you! Let me go, Bella."

Matagal na akong nagtitimpi sa kanya. Alam kong marami siyang naitulong sa akin noong panahon na wala si Steffi, pero minsan sumusobra na siya. Nakakasakit na siya.

"She's a whore! Oh! Exactly! Iyon ang dahilan kung bakit may anak na siya. She was engaged in sexual acts for money. A slut."

Biglang nandilim ang paningin ko sa sinabi niya. Pinigilan kong pagbuhatan siya ng kamay. Kinuom ko ang kamao ko at pinipigilan kong saktan siya. Galit na galit akong nilapitan siya at halos dumikit siya sa pader.

"Don't you ever call her like that! How dare you?! You are supposed to treat her like a sister like how she treats you! Before you judge her, did you greet her yesterday? Do you care about her like the way she cares for your mom? Like the way she cares for you? You just don't know how happy she was when you came to celebrate her birthday! What kind of best friend are you? From now on, stop pestering me because I will never care for you like I always did."

Umaagos ang mga luha mula sa namumugtong mata niya. Galit akong nilagay sa balikat ko ang jacket ko at tumalikod sa kanya. Ang sakit palang marinig ang mga masasakit na salitang iyon. Tumulo ang luha ko ng maalala ko ang mga sinabi ko mismo kay Steffi at hindi ko maiwasang mainis at magalit sa sarili ko. Wala rin akong kwenta. Noon ko pa dapat siya ipinagtanggol sa iba lalong lalo na kay Bella.

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon