💍37 : Cinderella

2.9K 57 3
                                    

UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018

FLYNN

BUONG LAKAS KO siyang tinulak dahilan para bitawan niya ako. Kaagad akong bumangon at sinuntok din siya sa mukha.

"Bakit ka ba nangingialam!" sigaw ko sa kanya. Napahawak siya sa panga niya at halatang ininda niya ang sakit. Pero hindi hadlang iyon para suntukin niya ako ulit. 

Nawalan ako ng balanse pagkatapos niya akong suntukin. Napahawak ako sa bumper ng isang sasakyan.

"Hindi ako mangingialam kung nasa tama ka! Kung nakinig ka lang sa kanya at kung hinayaan mo siyang magpaliwanag! Kung hindi ka tanga na hayop ka!" Namumula ang mga mata nito na parang papatayin niya ako anumang oras.

Ngunit hindi ako natatakot sa kanya, nilapitan ko siya at sinuntok ang sikmura niya. Napahawak siya dito at mayamaya pa napaluhod siya habang iniinda ang sakit.

"Wala kang karapatan na sumali sa problema naming dalawa! You don't even know what I'm feeling right now! Who are you to judge me?" sigaw ko sa kanya. Nanlilisik ang mga mata kong nakatitig sa kanya.

Pinilit niyang tumayo mula sa pagkakaluhod. Nanginginig ang mga tuhod nito ngunit pinilit niya pa ring tumayo.

"And you don't even know her struggles just to see you again! You have no idea how she conquers the world just to be with you again!" sigaw niya rin sa akin. Umiling-iling ang ulo niya habang nakatitig sa akin. He laughs cynically.

"How selfish of you, Flynn! I know you love her but why can't you accept and trust her again? Why?!" sigaw niya at gaganti pa sana siya ng suntok sa akin ngunit bigla siyang pinigilan ng dalawang guards at hinawakan nila ang magkabilang braso ni Stephen.

"Watch your words, Stephen! You are not my in the situation, you don't understand the feeling of being lost and being left behind with no clues! Kahit ano pa ang sabihin ko sa'yo ngayon hindi mo pa rin maiintindihan kung gaano kahirap tumayo sa sitwasyon ko!" Pumakawala ako ng malakas na hangin pagkatapos king sinabi iyon sa kanya.

Ngumisi siya at sarkastikong napatawa habang pinipigilan pa rin siyang lumapit ng mga guards sa akin.

"Siguro nga mahirap tumayo sa kinatatayuan mo ngayon, naisip mo yan ha, pero hindi mo naisip na mahirap ding humingi ng tawad? Nakakapagod. Hindi mo ba naisip kung gaano ka kahirap mahalin? Nakakapagod kang mahalin, Flynn. Sana lang matauhan ka na. You are running out of time. God bless you." Iniwasi niya ang dalawang guards na nakahawak sa mga braso niya. Padabog niyang inayos ang kwelo at white coat niya. Napahawak din siya bibig niyang dumudugo.

Tinitigan niya muna ako ng masakit bago siya tuluyang umalis sa harapan ko.

Napatulala ako sa huling sinabi niya. Ilang beses kumurap ang mga mata ko habang pinuproseso ang sinabi niya.

"Nakakapagod kang mahalin, Flynn."

"You are running out of time."

Kinuom ko ang palad ko at napatingin ako kina Anna at Bella. Halatang nabigla sila sa palitan namin ng suntok at salita ni Stephen.

Masama ang tingin sa akin ni Anna at yumuko si Bella ng tiningnan ko siya. Dali-daling umalis si Anna at naiwan kami ni Bella.

"Flynn what can I do-" mahinahong sinabi niya habang lumalapit sa akin.

"Wala kang maitutulong." sagot ko kaagad sa kanya. Yumuko na na lamang siya sa harap ko. Napaiwas ako ng tingin at dali-dali akong pumasok sa kotse ko.

KINAKATOK-KATOK KO ang mesa habang nakayuko ako. Hindi ko na mabilang ang bote ng beer sa harap ko. Ilang babae na rin ang lumapit sa akin ngunit ni isa hindi ko pinansin. Natulala ako sa tansan habang iniikot-ikot ko ito sa mesa.

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon