💍6 : Regrets

3.4K 90 69
                                    

UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018

PAGKATAPOS ng nangyari sa mansyon kaninang umaga hindi ko maiwasan na mapaisip. Bakit ang hirap-hirap ng sitwasyon? Alam kong hindi magiging madali ang lahat pagkatapos ko silang iwanan lahat pero hindi ko inakala na ganito pala kahirap humingi ng tawad at isa pang pagkakataon. Mas lalong mahirap humingi ulit ng pagmamahal.

Ang malaman na halos ibuwis ni Flynn ang buhay niya mahanap niya lang ako ay di kinaya ng konsensya ko.

Kung hindi na talaga maibabalik pa sa dati, wala akong magagawa. Huminga ako ng malalim at napatingin ako sa malayo. Umalis ako dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya pero hindi ko naisip na masasaktan ko pa rin siya. Napaka-selfish ko. Kailangan na kailangan kong bumawi sa kanya. Kahit ano gagawin ko para sa kanya. Susulitin ko ang tatlong buwan na ibinigay niya sakin. Sisikapin kong magiging masaya siya sa maikling oras na yon.

"Bestie" napakurap ako ng marinig ko iyon. Nakita ko si Bella na nasa harapan ko, ni hindi ko man lang namalayan na pumasok siya sa call room. "Why did you come back? Why'd you have to? Coming back to where you started is not the same as never leaving, ika nga." Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Hindi ko siya sinagot.

Bestfriend ko si Bella simula ng bata pa kami kaya lahat ng sekreto ko alam niya, maliban nalang sa dahilan kung bakit ako umalis limang taon na ang nakalipas. Mabuting kaibigan si Bella, pero nasira ang pagkakaibigan namin ng nakilala ko si Flynn. Todo suporta siya noong una sa relasyon namin ni Flynn pero nang ibinalita ko sa kanya na engaged na kami ay bigla siyang nagbago.

Bestfriend codes doesn't exist.

"He don't deserve you. If I could go back in time I will take him far away from you," galit na galit niyang sinabi sakin. Hindi ko magawang sumagot sa kanya, maybe because she was right.

Ilang sandali pa ang nakalipas bago ako sumagot, "Just because I left it doesn't mean I don't love him. I love him so much." Napahinga ng malalim sa sinabi ko.

"Kung mahal mo siya hindi mo sasaktan! Kung mahal mo siya hindi mo siya iiwan!" sigaw niya sa akin at napatingin agad ako sa kanya.

Nandilim ang paningin ko sa sinabi niya. Wala siyang alam. Hindi niya alam ang mga sinasabi niya, "Hindi mo alam kung bakit kinailangan kong gawin yon," galit ako pero kailangan kong maging kalmado.

"I know the reason why," giit nito at natigilan ako sa sinabi niya. Napaatras ako sa kinatatayuan ko. Bigla akong kinabahan ng husto. "Iniwan mo siya dahil hindi mo siya mahal," dagdag niya at bigla niya akong sinampal. Napahawak ako sa pisngi ko sa sobrang sakit.

"You know how much I love my fiance! You know that I would do everything for him whatever it takes!" sigaw ko sa kanya at sinampal ko rin siya. Napayuko siya at umiyak. Bigla akong naramdaman ng hilo kaya napahawak ako sa ulo ko. Nakita kong nakatingin lang sa akin si Bella.

Maya-maya pa dumating sina Flynn, Anna at Stephen. "Anong nangyayari dito?" seryosong tanong ni Flynn habang papalapit siya kay Bella. Hinawakan niya ang mga braso ni Bella, "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya kay Bella.

Nangigilid ang mga luha sa mata ko ng makita at marinig ko yun. Ako ang fiance niya. Ako yung dapat na lapitan niya at tanungin kung okay lang ako, diba?

"I'm okay, Flynn. Basta dito ka lang sa tabi ko," sagot niya at napayuko ulit ako sa sinabi niyang iyon ni hindi ako umimik. Napatingin siya kina Stephen at Anna na nasa tabi ko.

"Oh, usapang mag-bestfriend to bakit kayo nandito? Well, nakakatuwa lang. It's always fun listening to someone's lie when you already know the truth," dagdag pa niya. Nakita ko kung paano ako titigan ni Flynn ng masakit.

"Stay away from Bella. Wag mo siyang sasaktan." I pailed. Naramdaman kong namanhid ang tuhod ko sa sinabi niya.

"Pwede ba umalis na kayong dalawa? Ikaw de Silva, ang kapal din ng mukha mo na kampihan ang impaktang yan kaysa sa fiance mo?!" galit na sinabi ni Anna. I know she was trying to protect me dahil halos hindi na ako makapagsalita sa tabi niya. Sarkastikong tumawa si Flynn sa sinabi ni Anna.

"Yes, she's my fiance five years ago hindi na ngayon." pagdeklara niya at hindi nakasagot si Anna. Naramdaman kong yumuko si Anna at tiningnan ako.

"Kung wala kang sasabihin na maganda makakaalis ka na. You are hurting my Steffi- I-I mean you're hurting her." Pagkatapos sinabi ni Stephen yun ay niyakap niya ako. Niyakap niya ako na parang hindi nakatingin sina Bella, Anna at lalong-lalo na si Flynn. Nakita kong natulala si Flynn sa amin. Kumalas ako sa pagkakayakap ni Stephen at tumalikod ako.

Pinunasan ko ang mga luha ko at nang lumingon ako sa kanila nakita kong nag-walk out si Flynn. Inirapan ako ni Bella at agad niyang sinundan si Flynn. Naiwan kaming tatlong sa loob ng call room.

"Oh that bitch! Sarap sampalin ng bakal ang makapal niyang mukha!" Galit na galit na sinabi ni Anna.

Hindi pa rin ako umimik. Maya-maya pa sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Hinayaan ko lang itong dumaloy mula sa mga mata ko. Agad itong pinunasan ni Anna at niyakap niya ako ng mahigpit. "Tama na yan. Hindi umiiyak ang mga magaganda katulad natin." Napatawa ako saglit sa sinabi niya, "Yan, maganda ka na ulit."

"Kamusta pakiramdam mo? Sumasakit ba dibdib mo? Ulo mo?" nag-aalalang tanong ni Stephen at agad niyang chineck ang pulse rate ko. Naalala ko ang sinabi niya kanina. Kilala ko si Stephen, katulad ni Anna gusto niya lang din akong protektahan kaya niya nasabi yon.

"Wala kang dapat ipag-alala. I'm a cardiologist." Sagot ko sa kanya.

"You pailed. Hindi okay yon. You know what I mean," seryosong sagot niya sa akin at ipinagpatuloy ang pag-check sa pulse rate ko. Hinayaan ko lang siya. "70 bpm," sabi niya.

"I told you. I am okay." Napaiwas siya ng tingin mula sa akin. Normal pa ang tibok ng puso ko.

ANG HIRAP magpakatatag sa ganitong sitwasyon pero buo na yong desisyon ko. Gusto kong bumawi kay Flynn. Masyadong sinayang ko ang natitirang oras para umiyak nalang sa kasalanan na ginawa ko. Hindi ko naman masisisi si Flynn kung ganun lang ang pakikitungo niya sa akin. Kaya dapat kahit gaano kasakit kailangan kong tanggapin. Kung kailangan kong magtiis, gagawin ko. Gagawin ko lahat para sa kanya.

I can fake a smile.

I can force a laugh.

I can do it.

...for Flynn.


✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏

Author's Note: This story is unedited. I'm sure maraming wrong grammars, typos etc. aayusin ko po soon. Don't forget to vote and comment (for silent readers okay lang na di magcomment, vote nalang 😁💕). God bless us all! Proverbs: 31:25 💕

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon