UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018STEPHEN
NAPASILIP ako sa bintana ng kwarto dahil sa narinig kong sigaw ni Flynn. Kaagad kong binuksan ang pinto at natigilan ako sa nakita ko. Pilit ginigising ni Flynn si Steffi. Nilingon ako ni Flynn at ngumiti siya sa akin.
"Gumalaw yung kamay niya. Narinig niya ako," nakangiti niyang sinabi. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at hinawakan ko ang kamay ni Steffi. Palipat-lipat ang tingin ko kay Flynn at sa mga kamay ni Steffi. Huminga ako ng malalim at binitawan ko ang kamay nito.
"Comatose pa rin siya, Flynn. Normal lang yung pag-galaw ng kamay ng isang comatose patient, diba?" kunot noo kong sagot sa kanya. Napatulala siya at nakita ko kung paano dahan-dahang nawala ang mga ngiti sa labi niya.
Hindi na ako nagsalita pa dahil ramdam ko ang pagkadismaya niya. Alam kong sabik na sabik siyang makitang gising si Steffi. Nararamdaman kong nasasaktan siya ngunit pinipilit niyang iparamdam kay Steffi na kaya niya pa. Alam kong handa siyang maghintay kay Steffi kahit ilang taon pa ulit ang bibilangin.
Napaiwas siya ng tingin at napayuko. Malungkot ang mga ngiting binitawan niya. Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ni Steffi at hinawakan ulit ang kamay nito.
"Sige love, magpahinga ka muna dyan. Sapat na yung ginawa mo para masabi mo sa akin na lalaban ka. Gumagawa ka pa rin ng paraan para hindi ako mag-alala sa'yo. That's why I always thanked God for having you." Halatang nahihirapan siyang magsalita dahil pautal-utal ito.
Umalis ako sa harap niya pagkatapos niyang sinabi iyon. Umupo ako sa bakanteng upuan at malungkot na pinagmasdan silang dalawa.
Ramdam na ramdam ko ang takot ni Flynn dahil maging ako, hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala siya ng tuluyan. Nangako ako kay Steffi na mananahimik ako kahit anong mangyari sa kanya. Kaya kahit katapusan na ng laban niya hindi ko pa rin sinasabi kay Flynn ang mga nalalaman ko.
Alam kong sobrang nahihirapan na siya at kahit anong oras alam kong bibigay siya. Namumutla ang mukha niya at halatang pagod na pagod. Sa ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi na kaya ng konsensya ko ang mga nangyayari.
Napakurap ako ng mapansin kong nakatulala ako sa sahig. Kaagad akong napatingin sa kanilang dalawa.
"Gusto mo bang mas higpitan ko pa ang paghawak sa kamay mo? Katulad ng parati kong ginagawa sayo tuwing napanghihinaan ka ng loob. Naalala mo pa ba iyon?" nakangiti sinabi ni Flynn sa kanya.
Nakita kong mas hinigpitan nito ang paghawak sa kamay ni Steffi. Tanging ang tunog ng mga makina lang ang umalingawngaw sa buong sulok ng kwarto.
"I'm sorry for being selfish, love. I'm so sorry. I don't know what to say now. Ni hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sayo pagnagising ka. Pero sagarin ko na ang pagiging selfish ko. Love, please lumaban ka para atin o kahit man lang sa sarili mo. Give me another chance, a third chance, to prove how much I love you. Don't say goodbye to me without giving a fight, Steffi. Hindi na ako ulit mawawala sa tabi mo. I'm here now, I will never give up on us. We'll fight this together."
Magkasalubong ang kilay nito habang kinakausap siya. Sa bawat salitang binibitawan ni Flynn, dama ko ang labis na pagsisisi nito sa mga naging maling desisyon niya.
Mayamaya pa nakita kong kinapa niya ang bulsa nito at dahan-dahan niyang kinuha ang singsing. Kung hindi ako nagkakamali isinuli ni Steffi sa kanya ang singsing bago siya nito iwan sa mansyon.
Nilagay niya sa palad ni Steffi ang singsing at kinuom niya ang kamay ng dalaga. Hinaplos nito ang ulo ni Steffi at hinalikan ang kamay nito. Hindi ko alam kung aalis ako sa loob ng kwarto o mananatili ako at panunuorin ko ang mga susunod niyang gagawin.
BINABASA MO ANG
Unfaithful (Complete & Editing)
General FictionFive years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even write a simple letter saying where she is going and what is the reason why she's leaving. In other w...