UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018TUMUNGO NA ako sa kwarto ko ng makita kong kinuha ni Flynn ang niluto kong beef steak. Napangiti ako dahil beef steak pa rin pala ang paborito niyang ulam magpahanggan ngayon.
Humiga ako sa kama ng makaramdam ako ng sobrang pagkahilo. Mas tumindi pa ang pagkahilo ko kanina ng dumating si Flynn. Nagulat akong biglang umilaw ang chandelier pero pinilit ko pa rin na salubungin siya at kamustahin lalo na at hating gabi na siya nakauwi.
Napaupo ako sa gilid ng kama at nandidilim ang paningin ko. Halos dalawang oras na akong nakahiga sa kama ngunit hindi ako makatulog at sumasakit pa rin ang ulo ko. Gusto kong ibunggo ang ulo ko sa pader pero alam kong hindi iyon makakatulong sakin sa halip nagpasya akong umupo sa sahig. Biglang nandilim ang paligid ng tumayo ako.
Natigilan ako sandali at hinimas ko ang mga mata ko pero wala pa rin akong nakikita. Napaatras ako sa kaba. Ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng puso ko. Napailing ako at pilit pinakalma ang sarili ko pero madilim pa rin ang paligid ko. Naluluhang kinapa ko ang paligid nang biglang natapi ko ang isang bagay. Naramdaman kong bumagsak ito at gumawa ng malakas na inggay. Napapikit ako dahil sa sakit at sa nagawa ko.
Naramdaman kong bumukas ang pinto. Napalingon ako sa direkyon nito.
"Ano ba Steffi ang ingay-ingay mo! Pagod na pagod ako! Alam mo bang-" Narinig kong sigaw ni Flynn malapit sa pinto. Hindi ko makita kung saan siya banda pero nararmdaman kong nasa pintuan lang siya nakatitig.
"Kung nagbalik ka lang para mambasag ng kung anu-anong nakadisplay dito sa bahay buti pa umalis ka nalang," narinig kong sinabi nito.
Pilit ko pa rin hinahanap kung nasaan siya nakatayo pero ang kadiliman lang ang nakikita ko.
"I-I'm sorry hindi ko sinasadyang maabala ka sa pagtulog mo." At narinig kong sinarado niya agad ang pinto ng kwarto ko.
Biglang pumatak ang mga luha ngunit pinunasan ko agad iyon. Kinapa ko ulit ang kama at humiga ulit. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko.
KINABUKASAN, unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Dahan-dahan akong nakakita ng liwanag galing sa araw. Hindi ko maiwasang mapangiti. Pero hindi ko din maiwasang mangamba. Pamilyar ang pangyayari kagabi at nangyari na iyon noon.
Napahawak ako sa ulo ko at hanggang ngayon sumasakit pa rin ito. Ang bigat-bigat ng ulo ko, inaantok pa ako pero ayokong umabsent na naman sa duty. Pinilit kong tumayo at nakita ko ang isang basag na flower vase sa gilid ng kama ko. Kung hindi ako nagkakamali iyon ang nabasag ko kagabi.
Pumunta agad ako sa kusina para magluto. Linggo ngayon kaya wala sina Nanay Aida at Tatay Mateo dahil day-off nila. Simula ng bata pa ako silang dalawa na ang nag-alaga sa akin. Namatay si Mommy ng ipinanganak niya ako at palaging busy naman sa hospital si daddy, katulad ko doktor din siya.
My dad died a year after my graduation because of heart attack. Nakasaad sa last will and testament niya na dito dapat ako tumira kapag kasal na kami ni Flynn. Magkaibigan ang daddy ko at daddy ni Flynn kaya ng maging kami ay sinigurado na nila ang lahat lalo pa at maganda at healthy ang relasyon namin.
Dahil sa kung anu-anong naiisip ko di ko namalayan na luto na pala ang niluluto kong chopseuy. Hindi kumakain ng gulay si Flynn noon. Kailangan ko pang magtampo para kumain siya ng gulay. Hindi naman niya ako matiis kaya napipilitan siyang kumain nito at sa paglipas ng panahon nakasanayan na nitong kumain.
Pagkatapos kung niluto ang chopsuey ay agad na akong nag-ayos ng sarili ko dahil hindi ako pwedeng ma-late sa shift ko.
NAKARATING NA ako sa Mendrez. Dahan-dahan kong isinarado ang pinto ng kotse ko. Narinig ko ang malakas na alarma ng ambulansya papunta sa ER. Sinuot ko ang white coat ko at naglakad na papasok sa hospital. Nakita kong tumatakbo si Anna ngunit napahinto ito ng makita niya ako.
"Hoy! Ikaw babae, bakit ngayon ka lang? Mag-chika tayo mamaya, busy pa ako eh. Hindi marunong umire ang nanay sa delivery room! Kainis." Bungad niya sa akin at hindi ko napigilang ngumiti.
"Sira! Asikasuhin mo na dali," sagot ko naman sa kanya at dali dali na siyang umalis. Napailing ako sa ugali ng babaeng yun. Childish talaga.
BINAGALAN kong maglakad dahil hanggang ngayon masakit pa rin ang ulo ko. Alam ko naman na matatapos ko pa rin ang pagrounds sa mga pasyente ko kahit pa na binabagalan ko sa paglalakad.
Patungo na ako sa nurse's station ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Inoperahan ko ang batang 'to kahapon, nakapasok kana ba sa room niya? Gising na ba siya? Anu-ano ang mga nakita mong problema sa progression niya?" sunud-sunod na tanong ni Flynn sa isang nurse.
"Kaninang umaga lang po nagising ang bata, dok. The patient shows redness and warmth around the cut. Also, Dr. Hernandez take noted of the following changes, fever not greater than 100F, discomfort around the cut and the muscles, tightness, itching and numbness." paliwanag ng nurse sa kanya. Nakita kong ngumiti si Flynn.
"Oh that's good! Those are normal defense mechanism of the body after an open heart surgery. Ang hirap niyang operahan kagabi! Teka, sino ba ang doktor na humahandle sa kanya?" biglang tanong ni Flynn.
"Si Dr. Steffi po," matipid na sagot ng nurse sa kanya.
Nakita ko kung paano umiba ang aura niya. Narinig ko ang pangalan ko kaya lumapit ako sa kanila.
"Narinig ko ang usapan niyo. Hindi na kailangan i-explain mo ulit sa akin. Thank you for saving my patient." Matipid kong sinabi sa harap nila. Natulala siya sandali sakin at nang mahimasmasan ay huminga siya ng malalim.
"Okay so that's it," sabi nito sa nurse at agad ng umalis. Ni hindi niya ako hinarap pagkatapos nun.
PAGKATAPOS kong magrounds ay nagtungo ako sa callroom. Nagulat ako ng may batang lalaki akong nakasalubong. Nadapa siya bigla kaya inalalayan ko siyang tumayo. Maya-maya pa dumating si James. Barkada ko si James simula ng highschool. Nakita kong agad niyang binuhat ang bata.
"Daddy!" nakangising sigaw ng bata sa kanya.
"Baby! Where's your mom?" sabik na sabik nitong tanong sa bata at hindi nito napigilang halik-halikan. Napangiti ako sa kanilang dalawa.
"So, anak mo pala siya," nakangiting saad ko at napangiti siya sakin at tumango.
"Kian? Meet your Tita Steffi! Your Tito-Daddy Flynn loves her soooo much!" masigla nitong sinabi niya sa anak niya.
Napaiwas ako ng tingin sa sinabi ni James. Biglang dumating si Flynn at agad siyang napansin ni Kian.
"Tito-Daddy! Tito-Daddy!" sigaw ng bata at agad siyang nilapitan ni Flynn at binuhat.
"Tito-Daddy?" natanong ako ng wala sa loob.
"Ninong niya si Flynn, hindi ba naikwento ni Flynn sayo?" Paliwanag ni James sakin at agad akong umiling. Natahimik si James.
"Tito-Daddy, let's play tennis soon!" Agad namang napatawa si Flynn. Alam kong hindi naglalaro ng tennis si Flynn.
"Sure! Next sunday maglalaro tayo together with your dad, okay?" Nagulat ako sa sagot nito sa bata.
"Naglalaro kayo ng tennis ni Flynn? I thought hindi siya marunong," sabi ko kay James at napakunot ang noo nito sakin. Napatingin si Flynn sa akin.
"Hindi mo din alam? Hindi rin ba nasabi ni Flynn sayo? Naglalaro kami ng tennis tuwing Sunday kapag walang duty." Paliwanag ni James sa akin at hindi ako nakasagot. Napalunok ako at yumuko.
"Nasabi ko na yan sa kanya. Nakalimutan niya lang," narinig kong sinabi niya. Pinilit kong ngumiti sa harap nilang dalawa. Alam kong ayaw lang ni Flynn na mapahiya siya kaya niya sinabi yun.
Nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko. Marami na akong hindi alam tungkol sa kanya. Marami na palang nagbago kay Flynn, ni hindi ko man lang alam dahil wala ako sa tabi niya ng mahabang panahon.
✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏
Author's Note: This story is unedited. I'm sure maraming wrong grammars, typos etc. aayusin ko po soon. Don't forget to vote and comment (for silent readers okay lang na di magcomment, vote nalang 😁💕). God bless us all! Proverbs: 31:25 💕
BINABASA MO ANG
Unfaithful (Complete & Editing)
General FictionFive years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even write a simple letter saying where she is going and what is the reason why she's leaving. In other w...