💍28 : Forgotten

3.1K 70 7
                                    

UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018


STEFFI

KANINA PA AKO GISING ngunit wala akong ganang bumangon. Napakabigat ng katawan ko ngunit hindi pwedeng hindi ako pupunta sa hospital. Napatingin ako sa kalendaryo na nakakabit sa gilid ng pinto. Espesyal ang araw na ito para sa akin, may nakaalala kaya?

Napatulala ako sa kisame ng maalala kong matagal akong nawala, imposibleng may nakaalala. Isang linggo na ang nakalipas simula naglayas si Flynn dito sa mansion. Isang linggo na rin akong umaasa araw-araw na gigising akong bumalik na siya dito. 

Pinilit kong bumangon dahil male-late na ako sa trabaho. OR day ngayon at may ooperahan kami nina James at Stephen kaya kailangan ko na talagang bumangon.

Bumaba ako sa kusina at nadatnan kong naghahanda ng almusal si nanay. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Napangiti ako sa ginawa niya dahil naalala niya ang espesyal na araw na 'to. 

Hinintay ko ang pagbati niya ngunit nawala ang mga ngiti ko ng marinig ko ang sinabi niya.

"Tara iha, kain na." nakangiting sinabi niya. Natigilan ako sandali, tinanggap ko muna na hindi na talaga nila naalala ang espesyal na araw bago ako tumugon sa sinabi niya. Minsan talaga may oras pa ako para umasa. 

"Ah, sige nay ano ba ang niluto mo?" masayang sagot ko naman sabay upo sa harap ng mesa. 

"Mga paborito mo, eh nahalata ko kasing simula ng dumating ka mga paborito lang ni Flynn yung niluluto mo. Kaya ako nalang ang nagluto ng mga paborito mo." Nakangiti akong natulala sa kanya ng marinig ko iyon. Kahit papaano naibsan nito ang lungkot na nararamdaman ko dahil pati siya ay nakalimutan niya ang araw na 'to. 

"Thank you so much, nay. I love you." sabi ko sa kanya halik sa pisngi niya. 

ISINUOT KO KAAGAD ang scrub suite at inihanda ko ang sarili ko. Tiningnan ko ulit ang xray, ekg at ilang lab results ng pasyenteng ooperahan namin para alam ko na kung ano ang gagawin mamaya.

Pumunta na ako sa operating room para simulan ang operasyon. Binuksan ko kaagad ang pinto at laking gulat ko ng makita ko siya. Nakatayo siya at hindi mapakali habang tinitingnan ang relo niya. 

Napalingon siya ng maramdaman niyang dumating ako. Kumunot noo siya kaagad at nilapitan ako. 

"You are ten minutes late," bungad niya kaagad sa akin. Kaming dalawa lang ba ang mag-oopera?

"I'm sorry," iyon lang ang kaya kong isagot. Tumalikod siya at pumunta sa pasyente. Sinimulan niyang turukan ng pampatulog ang pasyente at hinintay niya itong makatulog. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at tiningnan ko ang vital sings ng pasyente.

Nung nasigurado ko ang lagay niya, tinulungan ko na si Flynn. The patient is given general anesthesia. This ensures that he will be asleep and pain free through the whole surgery. Flynn and I makes an 8 to 10-inch cut in the chest. At dahil mas may lakas si Flynn siya na ang gumawa ng crucial part ng procedure. He cuts through all or part of the patient's breastbone to expose the heart. Once the heart is visible, the patient may be connected to a heart-lung bypass machine. The machine moves blood away from the heart so that the surgeon can operate. Some newer procedures do not use this machine. We used a healthy vein or artery to make a new path around the blocked artery.

Sa gitna ng ginagawa namin biglang narinig kong nagsalita si Flynn. 

"Pwede mo bang ayusin ang mask ko, Steffi?" biglang sabi niya habang inaayos sa saktong lokasyon ang ugat ng pasyente. Halos tatlong oras na kaming nag-oopera sa pasyente pero ngayon niya lang ako kinausap. Naalala rin kaya ni Flynn ang araw na ito? 

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon