UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018PAGKATAPOS ng pag-uusap namin ni Flynn agad akong nagpunta sa call room. Alam kong hindi magiging madali ang pagdating ko ulit sa buhay ni Flynn. Hindi magiging madali para sakin at hindi rin magiging madali para sa kanya. Umalis ako noon dahil ayokong makita ako ni Flynn na nahihirapan.
Umalis ako dahil ayoko ko siyang masaktan, malungkot at mamroblema. Malapit nalang ang kasal namin noong umalis ako. It takes a million courage to do it. Alam kong sobra pa sa namatayan ang pagluluksa niya. Pero nagawa ko lang yun dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.
"Tulala ka na naman," narinig kong sinabi ng isang babae malapit sa pintuan ng call room. Napatingin ako at nakita ko si Anna, nakasandal ito sa pintuan. Ngumiti siya at agad niya akong nilapitan.
"Gusto mo ba ng kausap?" Alok niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at yumuko. Walang alam si Anna sa kahapon ko dahil ayokong sabihin sa kanya. Ang tanging alam lang niya, nasasaktan ako sa tuwing tinatanaw ko sa malayo ang mansion. Kaya ayaw na ayaw niya akong pumunta doon.
"What's your biggest mistake in life?" tanong ko sa kanya at agad namang kumunot ang noo niya. Napatayo at nag-isip ng isasagot sakin.
"Uhm, siguro yung hindi ko sinuportahan ang bunso kong kapatid sa pag-aaral niya dahil yung inipon ko, nilaan ko lahat sa pag-aaral ng medicine noon," seryosong sagot niya sa akin.
Natahimik ako saglit. "Pero okay na kami ngayon, bulakbol din kasi iyon eh kaya hindi pa rin nakapagtapos," dagdag pa nito. "Bakit mo naman naitanong yan, jusko," natatawang ani nito. Agad naman siyang sumeryoso ulit ng nakita niya akong natulala ulit.
"Five years ago, I left the mansion. I left the man I love because I have to and that's my biggest mistake in life," naluluhang sinabi ko sa kanya. "I don't know what I ever did to deserve a second life, Anna. I left them with nothing but unending pain. I let them suffer because of my impulsive decision. Now tell me, do I deserve to live?" Humagulgol na ako. Hindi ko na kayang itago sa kanya ang nararamdaman ko. Tumabi siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Maiintindihan rin nila yon sa tamang panahon. Sa loob ng limang taon kasama mo ako at nakita ko kung paano ka lumaban para sa kanila," umiling ako sa sinabi niya.
"Hindi ako tanggap ni Flynn." Napahinga ako ng malalim sa sinabi ko. Paulit-ulit pumapasok sa utak ko ang sinabi niya kanina.
"Sinong ginagago mo, Steffi?"
"You are five years too late to say that..."
NAKAKAPANGHINA ng loob ang mga sinabi niya sakin kanina. Pero alam kong kulang pa iyon para ipadama niya sakin yung nagawa kong kasalanan. "Uhm. Kaanu-ano mo si Dr. de Silva?" nagtatakang tanong niya sakin.
"He was my fiancé," sagot ko sa habang pinupunasan ko ang luha ko. Halatang nagulat siya sa sinagot ko dahil natahimik siya bigla.
"So ibig sabihin after five long years ngayon mo lang siya nakita ulit? It means hindi natuloy ang kasal?" mahinahon niyang tanong sa akin. Hindi natuloy ang kasal. Hindi natuloy ang pangarap ko. Pinako ko ang pangako ko sa kanya na hindi ko siya iiwanan.
Tumango ako sa kanya, "Bukas sa mansion na ulit ako titira kasama niya." Hindi maitago ng mga mata ko ang lungkot dahil magsasama man kami sa iisang bubong ulit, alam kong hindi na magiging tulad sa dati ang lahat.
KINABUKASAN tumungo agad ako sa mansion. Napangiti akong pinagmasdan ang paligid. Wala ng mga bulaklak sa harapan nito. Napansin ko din na wala na ang dating kotse ni Flynn. Wala na rin ang kubo na maliit sa gilid ng mansion. Marami ng nagbago sa paligid ng mansion. Bigla akong nalungkot.
Parang hindi ito yung mansion na saksi sa masayang buhay ko noon. Nabaon sa limot ang mga masasayang alaala. Hahakbang na sana ako ng marinig ko ang malakas na busina ng kotse. Kotse yun ni Flynn. Agad siyang lumabas sa kotse nito at galit na galit siyang lumapit sakin.
"Yung kotse mo nakaharang, hindi ako makadaan," malamig ang boses nito. Mahinahong tao si Flynn, ayaw na ayaw niya ng gulo. Madali siyang kausap at hindi basta-basta nagagalit. Ibang-iba sa Flynn na kaharap ko ngayon. "Ano ba?!Nakikinig ka ba?" sigaw niya sa akin agad akon umatras sa kinatatayuan ko at agad ng pinaandar ang kotse ko palayo sa mansion para makadaan siya. Nakita kong agad niyang ipinasok ang kotse niya sa garden ng mansion. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay.
Alam kong ayaw niya akong harapin.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng mansion, sumalubong sa akin ang madilim na paligid. Malayong-malayo sa aura ng mansyon noon. Napatingin ako sa gawing kanan at nakita ko ang mga lumang litrato na hanggang ngayon nakadisplay parin sa living room.
NAGLAKAD ako papunta sa living room at isa-isang tiningnan ang mga litrato. Biglang sumikip ang dibdib ko ng makita ko ang isang litrato. Nakaluhod ang isang lalaki na may hawak-hawak na singsing. Nakangiti ito at kumikislap ang mga mata sa saya habang hinihingi ang matamis na oo ng babaeng nakatayo at umiiyak sa tuwa.
That was the day he asked me to marry him...and I said yes.
Pero hindi pa rin maitatago ang katotohanan na pagkatapos nangyari iyon ay iniwan ko pa rin siya. Wala akong pinagkaiba sa isang runaway bride. Hinihimas-himas ko ang litratong iyon ng maramdaman kong may tao sa hagdan kaya napaligon ako. "Iniwan mo ako dahil hindi mo ako mahal. At ngayon babalik ka para saktan ulit ako, diba?" tanong niya habang papalapit sa akin. Napaatras ako ng kaunti ngunit naabot niya ako.
Agad niyang hinawakan ang braso ko, "You're supposed to be dead!" galit na galit niyang sigaw sa akin. Napakasakit. Limang taon kong inayos ang sarili ko para makasama ko siya ngayon ng matagal pero ang marinig mula sa mga labi niya na mas gusto niya akong mamatay ay nakakapanghina ng loob. Ayokong makita niya akong mahina dahil matagal nang natapos ang pagiging mahina ko.
"You can't kill me if I'm already dead inside right after I left you," sagot ko sa kanya at mas napahigpit pa ang hawak niya sa braso ko.
"I cut you out of my life with the knife you left in my back! So you better get out of my life now! Bago pa kita masaktan!" Nanlilisik ang mga mata nito sa galit. Namutla ako ng marinig ko iyon.
"I came back because I want you to give me a chance... another chance," mahinahon kong sagot sa kanya. Pumalakpak siya ng tatlong beses.
"Do you even listen to yourself?! You left me five years ago without any reason, so don't come back with an excuse and don't expect me to do you a bullshit favor!" Napahawak siya sa flower vase at bigla niya itong hinampas sa harapan ko. Hindi ko napigilang masigaw dahil sa gulat.
Hindi na siya yung Flynn na kilala ko dati.
"Flynn just one more chance," pagmamakaawa ko pa sa kanya. Napakamot siya ng ulo sa pamimilit ko sa kanya.
Bigla siyang napatingin sa kanang kamay ko at agad niya itong kinuha, "Give me that ring." Agad akong umatras at pilit hinihila ang kamay ko.
"No, please don't take it from me," pagmamakaawa ko pa habang pilit kong inilalayo ang sarili ko sa kanya para hindi niya makuha sa kamay ko ang engagement ring.
"I have the right to take it from you because in the first place, you don't deserve that ring!" sigaw niya sakin habang pilit kinukuha ang singsing sa kamay ko. Bigla siyang huminto sa pagkuha ng singsing sa kamay ko. Tumigil siya. Nanggigilid ang mga luha sa mata ko pero ayaw kong makita niya akong nasasaktan.
"I will give you three months para ibalik sakin ang singsing na yan," hinihingal niyang sinabi sakin.
"Give me five months."
"You're being unfair. Just three months."
"I'll prove you wrong, Flynn." Iyon lang ang naisagot ko sa sinabi niya. Galit na galit niya akong tinitigan.
"Don't try too hard because you are nothing to me."
✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏
Author's Note: This story is unedited. I'm sure maraming wrong grammars, typos etc. aayusin ko po soon. Don't forget to vote and comment (for silent readers okay lang na di magcomment, vote nalang 😁💕). God bless us all! Proverbs: 31:25 💕
BINABASA MO ANG
Unfaithful (Complete & Editing)
General FictionFive years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even write a simple letter saying where she is going and what is the reason why she's leaving. In other w...