💍7 : Way Back Into Love

3.2K 89 48
                                    

UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018

GABI NA ng nakauwi ako sa bahay pagkatapos ng naging pag-aaway namin ni Bella. Hindi ako makapaniwala na hahantong sa ganito ang pagkakaibigan naming dalawa. Tinuring ko siya na parang kapatid dahil pareho kaming only child.

Binuksan ko ang pinto ng mansion at gaya ng inaasahan, sinalubong na naman ako ng kadiliman sabayan ng malamig na hangin. Balot ng kalungkutan ang buong mansion. Wala man lang kailaw-ilaw. Wala man lang kabuhay-buhay. Pumunta ako sa ikalawang palapag ng mansion. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko ng mapatingin ako sa kwarto ni Flynn. Nakalimutan niya atang i-lock ang pinto ng kwarto niya.

Wala sa loob kong pinasok ang madilim niyang kwarto. Naalala ko pa na palagi kaming nagmo-movie marathon sa kwartong 'to. Pinagsasaluhan namin ang luto kong tuna carbonara. Malakas siyang kumain at siya palagi ang nakakaubos nun. Magkahawak-kamay kami sa tuwing horror ang pinapanood namin. Ginugulat-gulat niya ako at inaasar tapos tatawa siya nang malakas. Hindi ko napigilang mapangiti. Nilibot ko pa ang kwarto niya at napatingin ako sa isang sulok.

Nakita kong madaming nakakalat sa sulok na iyon. Malapad ang kwarto ni Flynn dahil ito ang master's bedroom ng mansyon. Napaupo ako para ayusin iyon nang may isang bagay na nakatawag ng pansin ko. Isang basag na picture frame.
Dahan-dahan ko itong pinulot at biglang pumatak ang luha ko ng makita ko ang litrato sa loob nito. Sariwang-sariwa pa ang mga alaala. Pumikit ako at inalala ang lahat.

"Steffi!" narinig kong sigaw niya mula sa malayo. Napangiti ako ng makita ko siya. Ga-graduate na ang mahal ko. Masayang-masaya siyang lumapit sa akin. "You did. You came," at agad niya akong niyakap. Niloko ko kasi siya na baka hindi ako makarating dahil na-empacho ako. Hahaha!

"It's a prank! Hindi pwedeng wala ako sa graduation mo, no." natatawang sagot ko sa kanya. Nakita kong nag-pout siya.

"Hindi ka kasi sumasagot sa mga text at tawag ko," naglulungkut-lungkutan na naman siya.

Pinisil ko ang pisngi niya. "Alam ko kung gaano kahalaga sa'yo ang araw na'to kaya hindi pwedeng absent ako," sagot ko sa kanya. Napangiti siya at niyakap ako ulit.

"I want you to be part of my life forever," bulong niya sa akin habang niyayakap niya ako.

"I want you to be part of my lifetime too," sagot ko sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap sakin. Bigla namang dumating sina James, Kate at Bella.

"Hey! Dumadag pa talaga kayo sa mga nagpi-PDA ngayong graduation ha!" naiinis na sinabi ni James. Nakita kong natawa si Bella at Kate.

"Oy, picture kayong dalawa. Dali!" biglang sabi ni Kate.

Tinitigan ako ni Flynn, "Dapat sweet ka ha." Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Oo na," natatawa kong sagot sa kanya.

"One... two... three..."

Ngumiti ng malapad si Flynn hawak-hawak ang kanyang diploma. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Dahan-dahan akong pumikit at inilapit ang mga labi ko sa pisngi niya. Hinalikan ko siya sa pisngi.

Iyon ang unang pagkakataon na hinalikan ko siya.

Napamulat nalang ako ng marinig ko ang hiyawan ng mga kaibigan namin at ng ibang taong nakakita. Nakita kong nagulat si Flynn sa ginawa ko. Ilang sandali pa ang nagdaan bago siya mahimasmasan, kumislap ang mga mata niya at bigla niya akong hinalikan sa labi.

It was my first kiss.

NAPAMULAT ang mga mata ko pagkatapos kong maalala ang masayang araw na yun. Naramdaman kong tumutulo ang mga luha ko kaya agad ko itong pinunasan. Hanggang alaala nalang ang mga bagay na yun. Huminga ako ng malalim at agad kong nilisan ang kwarto niya.

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon