UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏
Mag-uupdate ulit ako mamayang hating-gabi! Sinusulat ko na kasi ang kasunod nito. Happy reading! Don't forget to vote.
✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏
BELLA
DALI-DALI AKONG pumunta sa banyo pagkatapos kong makita sina Steffi at Flynn na magkasama. Kung hinayaan kong lapitan at kausapin ako ni Steffi, alam kong hindi ko mapipigilan ang luha ko sa pagtulo. Napakasakit na makita silang magkasama at masaya.
Alam kong darating din ang pagkakataon na ito ngunit hindi ko pa rin maiwasang masaktan. I thought he's now contented with me. Pilit kong binibigay sa kanya ang mga bagay na matagal nang hindi naibibigay ni Steffi. Pero sa huli, siya pa rin ang gusto niya. Babalik at babalik pa rin siya sa kanya.
And its killing me inside to realize he can't love me back. Nagagalit ako sa katotohanang hindi ko man lang malampasan si Steffi sa kahit anong bagay at sa puso ni Flynn. Kahit kaunti, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na manalo sa kanya. I hate her so much because of that.
WALA AKO SARILI kong bumalik sa call room. Patuloy lang ako sa paglalakad at nakita ko si Stephen na nakaupo at tulala sa bintana. Para siyang wala sa katinuan at walang pakialam sa paligid niya. Hindi niya ako napansin na umupo sa tabi niya.
Alam kong naaapektuhan din siya kina Steffi at Flynn. Mayamaya pa napatingin siya sa akin at nilagay sa harap ko ang canister na naglalaman ng kape.
"You want coffee?" tanong niya sabay lagay ng canister sa harap ko.
Tinitigan ko lang siya at nakita ko sa mga mata niya na malalim ang iniisip niya.
"Are you affected?" wala sa loob kong tanong sa kanya. Dahan-dahan siyang napatingin sa akin. Titig na titig siya sa mga mata ko na parang binabasa niya ang laman ng utak ko.
"Are you affected too, right?" tanong niya pabalik sa akin. Napalunok ako sa tinanong niya. Tumayo ako at kinuha sa locker ko ang tasa. Binuksan ko ang canister at nagtimpla ako ng kape.
"Oo na, ako na ang apektado at ikaw na ang hindi." padabog kong sinabi sa kanya. Halos mabasag ko ang tasa na may kape nung inilapag ko ito sa lamesa.
"Maybe yes, I'm hurt but I am happy as well. I am happy because she gets what she really deserves-"
Sa sobrang galit ko, hindi ko na napigilan pang sumbatan si Stephen. Bigla akong tumayo at hinampas ang mesa dahilan para matapon ang kape sa loob ng tasa.
"And what about me? What do you mean? Don't I deserve him? Sa lahat ng ginawa ko para sa kanya, hindi ko pa rin siya pwedeng angkinin?!" sigaw ko sa kanya. Napakabigat ng nararamdaman ko at di ko mapigilang lumuha sa harapan niya. Kumunot noo siya at sinamaan ako ng tingin.
"You know exactly that a broken long-term relationship is trying to be fixed, and then there you are making a scene. I just don't know exactly what kind of person are you." Hindi ko napiglang sampalin siya sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kanang pisngi niya pagkatapos ko siyang sampalin at dahan-dahan siyang humarap ulit sa akin.
"Am I the kind of person who don't deserve to be loved?" umiiyak kong tanong ko sa kanya. Yumuko siya sa harapan ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at hinarap ko ulit siya.
"Come with me. Sundan natin sila mamayang gabi. Ipapakita ko sayong hindi na sila babalik sa dati." sabi ko sa kanya. Agad kong ininom ang kape at umalis na ako kaagad sa call room.
BINABASA MO ANG
Unfaithful (Complete & Editing)
General FictionFive years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even write a simple letter saying where she is going and what is the reason why she's leaving. In other w...