UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018STEPHEN
I SAW HER standing near the window waiting for a miracle to happen. Her eyes shine like stars in the sky even those eyes have cried the most tears. Behind her almost perfect smile, there is a story you would never understand. Her voice is my favorite sound, it's too addicting. She has been through hell and I've been there to witnessed it all.
"Why are you staring at me? May dumi ba ako sa mukha?" Napangiti ako sa tanong niya. Kahit pa siguro may dumi ang mukha niya maganda pa rin siya.
"Hindi, at hindi kita tinitingnan no." Natatawang sagot ko sa kanya at napakamot siya ng noo niya.
"Nagha-hallucinate lang ako, ganun ba?" nakangising tanong niya.
Napalunok ako at pilyong napaiwas ng tingin, "Yes."
Inirapan niya ako at tinalikuran kaya agad ko siyang sinundan. "What's with that beautiful smile?" hindi ko napigilang tanungin siya dahil simula ng dumating si Flynn dito sa hospital, unti-unting nawala ang mga perpekto niyang ngiti. At ngayon ko lang ulit nakita.
"Wala, masaya lang ako," matipid niyang sagot pero hindi ako makontento sa sagot niya.
"Bakit ka masaya?" tanong ko na may halong pagtataka.
"Dahil kinakain niya ang mga niluluto ko araw-araw," nakangiti at masaya niyang sagot sa akin.
Natigilan ako at ngumiti na rin. Sa simpleng bagay na iyon ay masayang-masaya na siya. Ano pa kaya kung magiging maayos na ang lahat? Hindi ako makapaghintay na makita ulit ang mga ngiti niya.
Nakangiti pa rin akong pinagmamasdan siyang papalayo sa akin.
Si Flynn talaga ang makakapagpapasaya sa kanya at hindi ako.
PATULOY ako sa paglalakad ng makasalubong ko ang isang babae. Nagkatinginan kami saglit at nabigla ako ng nginitian niya ako. Agad siyang lumapit sakin.
"Dr. Lee, right?" tanong niya sa akin at tumango naman ako.
"Yes, I am. How can I help you?" sagot ko sa kanya ng may halong pagtataka.
"I'm Dr. James Hernandez's wife. Have you seen a little boy? Mataba na maputi at sobrang daldal?" nagpa-panic nitong tanong sa akin.
Napakunot naman ang noo ko. Hindi pwedeng gumala ang mga bata dito sa hospital.
"Nice meeting you! Uhm, wala po akong nakita. What if sumama sa akin," alok ko pa sa kanya at bumuntong hininga siya.
"And where are we going?" tanong niya.
"Sa call room, baka nandoon si Dr. James." Sagot ko sa kanya at agad naman siyang sumunod sa akin. Mas mabuting malaman ni James na nawawala ang anak nila.
BINABASA MO ANG
Unfaithful (Complete & Editing)
General FictionFive years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even write a simple letter saying where she is going and what is the reason why she's leaving. In other w...