💍44 : Hallucinations

3.6K 74 22
                                    

UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018

FLYNN

After three years...

NAKANGITI akong niyakap siya ng mahigpit. Halos maiyak ako dahil hindi ko inaasahan na mararating ko ang isa sa mga pangarap ko na kasama siya.

"Bakit parang naiiyak ka? You should be happy now! Naabot mo na ang pangarap mo, oh. Dr. Flynn Ezekiel de Silva the hospital administrator of Mendrez Hospital!" masiglang sinabi niya sa harap ko habang isinusulat sa hangin ang pangalan ko.

Kumikislap ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Walang kupas ang kagandahan niya. Wala na ang dating payat at namumutlang Steffi, bumalik na sa normal ang pangangatawan niya at mas iginanda niya pa ito. Mas kuminis ang balat niya at halos walang bakas ng masakit na kahapon.

Napaiwas ako ng tingin at napayuko saka hinawakan ko ang malambot niyang kamay at muling hinarap siya.

"I just can't believe that you are here now. Parang may mali, parang nananaginip lang ako, pero eto, nahahawakan na kita at ramdam ko ang init ng palad mo." Napahinga ako ng malalim pagkatapos ko yun sabihin sa kanya. Gumuhit ang maaliwalas na ngiti sa labi niya.

"I promised you, Flynn. I'm always here for you no matter what." nakangiti niyang sinagot.

Tumango ako ng ilang beses at napakagat labi sa narinig ko. Hindi nga siya nawala sa tabi ko.

"Tsaka, saan ba ako pupunta? Iiwanan kita ulit, ganun ba?" dagdag pa niya.

Natawa ako sa sinabi niya. Kung noon nagiging seryoso ang usapan namin tungkol sa pag-alis niya, ngayon naman nauuwi nalang sa biro ang lahat. Yung masasakit na nangyari parang ibinaon na sa hukay kasabay ng paglipas ng panahon.

"Ayan ka na naman, huwag mong gawing biro ang lahat na pinagdaanan mo dahil hindi biro ang mga 'yun." sabi ko sa kanya ngunit tumawa lang siya.

"Masyado ka lang seryoso at emosyonal dyan halatang masayang-masaya kang kasama ako ngayon." seryoso ang pagkakasabi niya ngunit pilyang inirapan niya ako pagkatapos. Natatawang napailing nalang ako sa harap niya.

Mayamaya pa biglang hinawakan niya ang kamay ko. Masaya niyang hinatak ako palabas ng board room.

"Teka, saan tayo pupunta? Hindi pa tapos yung-" Hindi ko na ipinagpatuloy pa ang sasabihin ko ng makita kong wala siyang suot na singsing. Nawala ang mga ngiti ko at kumunot bigla ang noo ko. Ang kasiyahan ko ay napalitan ng kakaibang takot at pagtataka. Bakit hindi niya sinuot ang singsing? 

"Bakit hindi mo sinuot ang singsing, love?" Mahinahon kong itinanong sa kanya ngunit parang hindi niya narinig.

Napatigil kaming dalawa ng marinig naming umalingawngaw ang tunog ng ambulansya. Hindi ko na namalayang nasa labas na kami ng hospital. Parang sa isang kisap nangyari ang lahat. Napakabilis ng mga nangyayari. 

Napahigpit ang paghawak niya sa kamay ko na para bang takot na takot siya kaya kaagad ko siyang niyakap. Wala ng lumabas na mga salita sa labi ko ng mapansin kong nawala bigla ang mga ngiting binitawan niya.

"Let me go, Flynn. Huwag mong higpitan ang pagkakayakap mo sa akin. Pakawalan mo na ako." umiiyak niyang sinabi. Biglang nanigas ang buong katawan ko dahil sa pagkabigla. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dala ng takot at pagtataka. Ayokong mangyari ulit ang kahapon. Ayokong sa isang kisap biglang mawawala na naman ang lahat.

Hindi ba pwedeng bigyan ako ng pagkakataon na makasama siya habangbuhay? Nakatadhana ba kaming magsama ng pansamantala lang?

Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya ng makita kong sunud-sunod tumulo ang mga luha sa mata niya. Ayokong bumitaw kahit sinasabi niyang pakawalan ko siya. Wala akong planong bumitaw dahil ipaglalaban ko siya. Buo ang desisyon kong huwag bumitaw ngunit parang bumalik kami sa dati kaya mas lalong gumulo ang isip ko.

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon