UNFAITHFUL
©loviesofteinyl | 2018
PAGKATAPOS NG pagrounds namin ni Flynn, agad na kaming nag-ensayo para sa dance contest. Nanghihina man ngunit ang pagsuko ay wala sa bokabularyo ko.
Nadatnan ko si Anna na sumasayaw sa gitna. Mabuti nalang talaga at nagrepresinta siyang tulungan ako. Paano nalang kung wala siya, tiyak hindi ko kakayanin ang sandamakmak na trabaho.
Tinitigan niya muna ako ng masakit bago niya ako nilapitan. Inirapan niya din ako bago siya magsalita.
"Kung hindi lang kita kaibigan, kanina pa kita sinabunutan. Ang tigas ng ulo mo! Hays. Risk taker ka talaga. Kainis ka," pikon nitong sinabi sa akin.
Alam kong nagtitimpi lang si Anna. Nasa tama naman siya, kailangan ko naman talaga ng pahinga kaso hindi ako pwedeng magpahinga. I have only 2 months left. Eight weeks to seize the moment. And not less than sixty days to be with him. Can you blame me kung wala sa mga options ko ang magpahinga?
"Hindi mo ako naiintindihan eh," mahinahong sagot ko sa kanya.
Nasabi ko kay Anna ang tatlong buwang palugit na ibinigay sa akin ni Flynn bago ko ibalik ang singsing.
"I understand you. Sobrang nag-aalala lang ako sa'yo," Aniya.
Bakas sa mukha nito ang labis na pag-alala. Bumuntong-hininga siya at kumunot-noo.
"Sobrang natatakot ako na bumalik ka sa dating sitwasyon mo. Ayoko nang makita kang nahihirapan nang ganoon. And I don't wanna lose you," dagdag pa niya sabay yakap sa akin.
Isa si Anna sa mga pinakatotoo kong kaibigan. Katulad nila Kate at Bella ay parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya at alam kong ganun din siya sa akin. Ayokong mag-alala siya ngunit isa siya sa mga dapat nakakaalam ng mga nangyayari.
"I am okay Anna and I can manage it, kahit pa-" napahinga ako ng malalim bago ko pinagpatuloy ang sasabihin ko.
"Kahit pa ano?" biglang tanong niya. Napatingin ako sa mga mata niya. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko sa kanya ang mga nararanasan ko sa mga nakalipas na araw.
"Girls? Ready na kami for pairing!" sabay kaming napalingon sa kinaroroonan ni Stephen. Nagkatinginan kami ni Anna at sabay na bumuntong-hininga.
"Ayoko ng pabitin Steffi alam mo yan. Sabihin mo yan sakin pagkatapos nito," sabi niya at agad ng umakyat sa itaas kung saan sila nag-eensayo.
SINUNDAN KO SI ANNA at tumabi sa kanya habang pinapaliwanag niya kung paano at kung ano ang gagawin sa pairing. Hindi ako nakapag-ensayo kahapon kaya pati ako kay kailangan ding makinig.
"Dr. Navares and Dr. Vion kayo ang pair."
"Dr. Hernandez and Dr. Cruz."
"Dr. Bella and uhm Dr. Lee..."
"Dr. de Silva and of course Dr. dela Torre kayo ang pair. Hmm?"
Nakangising napalingon sa akin si Anna pagkatapos niyang i-anunsyo iyon. Binalingan ko siya ng tingin na may ibig sabihin, halatang nananadya siya.
Gustong-gusto kong makapares si Flynn sa sayaw ngunit siya ba gusto niya akong makapapares? Kahit hindi ko na siya tanungin alam ko na ang sagot. Hindi.
I am giving him the space he wanted. I care about his feelings more than mine.
Kaya kahit mahirap wala akong magagawa kundi dumistansya sa kanya dahil iyon ang ikakasaya niya. Wala ako sa lugar para ipagkait sa kanya ang maging masaya.
I am just his runaway fiance.
BINABASA MO ANG
Unfaithful (Complete & Editing)
General FictionFive years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even write a simple letter saying where she is going and what is the reason why she's leaving. In other w...