UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018BUMAGSAK ANG BALIKAT ko ng wala akong makitang dress na tugma sa theme ng Foundation Day na gaganapin bukas. Bumuntong-hininga akong umupo sa gilid ng kama at nag-isip kung bibili ako ng bago o susuotin ko nalang ang tanging dress na nakita ko sa loob ng cabinet ko. I'll admit, I have no money left.
Nagastos ko ng husto sa loob ng limang taon ang pinama ni daddy sa akin bago siya namatay. Kahit doktor na ako ngayon, masasabi kong kulang pa rin ang sweldong nakukuha ko. Nagsisimula pa lang ako. I am just a resident doctor at mababa pa ang sweldo ko. Ni wala pa akong mga permanenteng pasyente.
Kailangan ko ng dress na babagay sa theme ng Foundation Day. Napasandal ako sa pader ng maalala kong ngayon lang ulit ako makakapunta sa isang formal event. Sa loob ng limang taon naging ordinaryong tao lang ako. Ni hindi ko nagawang masmasyal sa labas ng apat na sulok na nakapaligid sa BHI.
Ang magpahangin sa hardin nito katapat ng chapel ang tanging naging libangan ko doon. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Mga kaibigang nagturo sa akin kung paano maging matatag sa kabila ng lahat. Sa kasamaang palad, iyong iba namatay na.
NAGTUNGO AKO sa mall malapit lang sa mansyon. Napadaan ako sa isang watch store. Hindi ko napigilang mapangiti ng maalala kong mahilig si Flynn mangolekta ng mga mamahaling relo. Nakangiti akong pumasok sa store at tumingin-tingin. Lahat ay maganda sa paningin ko.
"Good day, ma'am! Para po ba kay sino iyong relong hinahanap niyo?" nakangiting bati ng sales lady sa akin. Naptulala ako sandali bago ko siya sinagot.
"For my fiance, saan ba dito ang bestseller niyo?" nakangiting sagot ko naman sa kanya. Wala kang pera pambili niyan Steffi. Pero sigurado akong mapapasaya ko si Flynn kung bibilhan ko siya nito.
Matagal na panahon akong nawala at bumalik ako para pahirapan siya. Kung tutuusin wala na akong karapatan pa sa buhay niya. Ni wala akong karapatan na umuwi sa mansyon kahit pamana pa iyon ng mga magulang namin.
"Ma'am ito po ang bestseller namin," saad nito habang hawak-hawak ang isang swarovski watch.
Gumuhit sa mga labi ko ang napakagandang ngiti. Dahan-dahan ko itong hinawakan. It's an elegant watch beaded with swarovski crystals.
"I'll take it," biglang sabi ng isang babae sa tabi ko sabay turo ng relong hinahawakan ko. Bigla ko siyang tinitigan at kumunot-noo ako ng makita ko siya.
"Bella? A-anong ginagawa mo dito?" Ani ko. Hindi ko pa rin maiwasang mabigla.
"Bibilhan ko ng birthday gift si Flynn at ang relong iyan ang napili ko. Ikaw, bakit nandito ka?" sagot nito.
Ni hindi ko man lang naalala na sa makalawa na pala ang kaarawan niya. Stupid. Stupid fiance. Masyadong marami akong inalala at muntik ko ng makalimutan na nalalapit na pala ang kaarawan niya.
"How much is this watch worth?" narinig kong tanong niya sa sales lady. Yumuko ang sales lady at nag-aalangang sinagot si Bella.
"36,000 po, ma'am."
"Okay, I'll take it." sagot agad ni Bella.
Napaangat ang ulo ko ng marinig ko ang sagot niya. "You can't take it, ako ang unang nakakita niyan." sabi ko sa kanya. Hindi niya pwedeng kunin ang relong napili kong ibigay kay Flynn.
"May pera ka bang pambili niyan?" biglang tanong niya sa akin. Napalunok ako ng marinig ko iyon. Wala akong pera. Hindi ko kayang bilhin sa ngayon ang relong ito.
Napatingin ako sa relong hawak-hawak ko. Nawala ang malapad na ngiting gumuhit sa mga labi ko. Biglang kinuha ni Bella ang relo sa kamay ko at wala akong nagawa kund. i sinundan ko nalang ng tingin si Bella habang binabayaran niya ang relo.
BINABASA MO ANG
Unfaithful (Complete & Editing)
General FictionFive years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even write a simple letter saying where she is going and what is the reason why she's leaving. In other w...