UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018
NAGISING akong masakit pa rin ang ulo. Alam kong kahit anong pahinga ang gagawin ko, hindi parin mawawala ang sakit ng ulo ko. Nasa kalagitnaan ako ng trabaho nang mangyari iyon. Hindi ko inakala na dito pa ako sa hospital hihimatayin. Nakakahiya.Bumuntong hininga ako nang makita ko ang IV line na nakakabit sa kanang kamay ko. Nilibot ng paningin ko ang buong sulok ngunit tanging ang puting kurtina lang ang nakikita ko. Nasa ER ako ng hospital. Mabuti at hindi nila ako ipinasok sa isang private room. Pinilit kong umupo nang biglang bumukas ang kurtinang nakapaligid sa akin.
"Saan ka pupunta? Magpahinga ka muna dito," sambit ni Anna ngunit desidido akong umalis sa lugar na ito, marami akong pasyente sa araw na'to at hindi ko pa sila nakakamusta. Hindi pwedeng hihina-hina ako.
"Kailangan ako ng mga pasyente ko, Anna." sagot ko sa kanya habang dahan-dahang inaalis ang IV line sa kamay ko. Marahil mababa ang sodium ko kaya kinailangan nila akong lagyan ng intravenous line.
"Kailan ang balak mong bumalik sa BHI?" Natigilan ako sa seryosong tanong ni Anna. Seryoso ang mukha nito na may halong pag-aalala. Hindi ko siya sinagot sa halip yumuko lang ako.
"Tinatanong kita kaya dapat sagutin mo ako." Sa tono nang pananalita ni Anna ay alam kong napipikon na siya sa akin. Hindi ako sanay sa ugaling niyang ito.
"Pag-iisipan ko yan," sagot ko sa kanya at nakita kong inirapan niya lang ako.
"I'm a keen observer and I'm a licensed doctor. Alam ko kung may sakit ang nasa harap ko kahit hindi niya sabihin sakin. You fainted, Steffi! Mabuti nalang at nakita ka ni Stephen." Tumataas na ang boses nito kaya alam kong galit na siya sakin. Ayokong bumalik sa BHI dahil dito ang buhay ko.
Ngayon na nakabalik na ako sa buhay ni Flynn, hindi ko na siya ulit iiwan. Wala na akong lakas para iwan siya tulad ng dati. It was a right decision but it was also a selfish act that is why I don't what to do it again. What I've done before was a big mistake. My emotions manipulated me. I was consumed by fear.
"Where is Flynn? Alam niya ba?" Ayokong pag-usapan ang pagbabalik ko sa BHI. Naalala ko si Flynn kaya naitanong ko siya kay Anna.
Napaiwas siya ng tingin, "Hindi ka nakikinig sakin, nakakainis ka! Hindi niya alam, umalis siya kasama si Bella at hanggang ngayon hindi pa rin nakakabalik," sagot niya. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malulungkot sa sinabi niya.
Paano kung siya ang nakakita sa akin, sasagipin niya ba ako? Paano kung malaman na niya ang totoo, tatangapin niya pa ba ako? What if he did not rescue me? What if he did not accept me? What should I do? What if he didn't love me anymore? Will I stay?
PINAUWI ako ng head doctor namin nang malaman niya ang nangyari sa akin. Wala akong magawa kundi sundin ito kahit pa na gustong-gusto kong ipagpatuloy ang pagrounds sa mga pasyente ko. Papasok na ako sa kwarto ko nang makita ako ni Nay Aida.
"Steffi, masama ba pakiramdam mo? Namumutla ka," sabi niya habang kinakapa-kapa ang leeg ko. Nginitian ko lang siya. Hindi ko naman maitatago sa kanya na masama ang pakiramdam ko.
"Stress lang ako, Nay." Mahinahong sagot ko sa kanya.
"Inihatid ka ba dito ni Zeke?" nag-aalalang tanong niya sa akin. How I wish he accompanied me but he didn't because he was with someone else. And I even don't know where they are. I disgust myself for being a useless fiance.
"Hindi po, busy si Flynn kaya ayoko siyang maitorbo." Nakangiting sagot ko sa kanya.
Pinilit kong ipakita na okay lang dahil ayokong mag-alala pa siya ng husto. Batid kong napapansin ni Nay Aida na madalas hindi kami magkasama ni Flynn. Hindi kami magkasabay kung pumunta ng hospital. Hindi rin kami magkasabay kumain.
BINABASA MO ANG
Unfaithful (Complete & Editing)
General FictionFive years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even write a simple letter saying where she is going and what is the reason why she's leaving. In other w...