💍20 : Steffi vs. Bella

2.9K 64 9
                                    

UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018

STEFFI

"Yes, sa Seoul. May problema ba tayo?" naguguluhang tanong ni Dr. Ramirez.

Palipat-lipat ang tingin nilang lahat sa amin ni Flynn. Halata sa mga matang nakatingin sa amin ang pagtataka. Hindi ako nakapagsalita dahil ramdam ko ang hiya ni Flynn at baka kapag nagsalita ako ay baka hindi niya ito magugustuhan.

Napatingin siya sa kawalan at halatang nag-iisip ng magandang isasagot kay Dr. Ramirez.

"Seoul is a beautiful place, excited lang akong bisitahin ulit ang lugar na yan," nakangiti niyang sagot habang kinakamot ang ulo niya.

Napatango ako sa sinabi niya kaya tinitigan nila akong lahat na para bang naghihintay sila ng paliwanag galing sa akin.

"I've been there and I really enjoyed my stay. It was a nice place." paliwanag ko pa hindi ko mapigilang malungkot pagkatapos kong sinabi iyon.

Napasandal ako sa kinauupuan ko at napatingin sa ilalim ng mesa ng biglang maalala ko ang isang napakagandang alaala.

I will never forget that day. That moment. That time. It was so memorable for us. How I wish I could turn back time and stop the clock. I want to stay at that moment when we were still happy, full of dreams and planning for a perfect family.

"Automatically, Dr. de Silva will be one of the official delegates. Isa nalang ang kulang at dahil gusto kong magagaling ang delegates na pupunta doon, titingnan ko ang bawat kakayahan ninyo. Magkakaroon tayo ng review mamaya, kung sino ang mananalo siya ang makakasama ni Dr. de Silva sa summit." nakangiting sinabi ni Dr. Ramirez sabay inom ng wine at pilyong kinakatok-katok ang wooden table.

PAGKATAPOS NG MEETING ay agad na kaming umalis sa opisina ni Dr. Ramirez. Bakas sa mga mukha ng ibang doktor ang saya.

Magandang oportunidad at karangalan na din kapag napasama sa isang international summit. Agad nang nagsi-rounds sina Stephen at James dahil punuan ngayon ang ER at marami silang unstable patients.

Pumasok ako sa call room at nadatnan ko si Bella na nakaupo at nagbabasa ng libro. Napatigil siya sa pagbabasa ng makita niya ako. Kahit hindi na kami katulad ng dati ni Bella, hindi naman nagbago ang tingin ko sa kanya. Siya pa rin ang best friend ko.

Bumuntong-hininga ako bago ako tuluyang lumapit sa kanya. Binaling niya ulit ang atensyon sa librong binabasa niya.

"How are you?" simpleng tanong ko sa kanya sabay upo sa tabi niya. Hindi ko maiwasang mapangiti.

I miss the way we used to talk everyday and laugh about everything. And how I was able to tell her everything that was on my mind. I miss our shallow and deep conversations. I really miss my best friend. My sister.

Nagtataka na naiinis niya akong tiningnan. Siguro nagtataka siya kung bakit nag-aalala pa rin ako sa kanya sa kabila ng lahat.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil parang walang pinagbago kahit nagbago na ang lahat. She is still childish, more childish than Anna.

"Why are you here? Don't you have a patient? Kung gusto mong guluhin ako sa pagrereview ko makakaalis ka na," naiirita nitong sagot sa akin. Ni hindi niya man lang sinagot ang mismong tanong ko.

"I'm not here to distract you. I just want to start a little conversation with you-" paliwanag ko pa sa kanya ngunit parang hindi siya nakikinig.

"Stop that. I don't want to talk to you." malamig nitong sagot.

Hindi ko mapigilang malungkot sa sinabi niya ngunit desperada akong malaman kung okay lang siya at kung okay na ba ang mommy niya.

"How was tita Myrna? Nakapagpaopera na ba siya?" tanong ko ulit. Bigla niyang tiniklop ang librong binabasa niya at kumunot-noong naiinis niya akong tinitigan.

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon