💍29 : Remembered

3K 72 7
                                    

UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018

✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏

Napaka-silent reader niyo talaga, kamusta kayo dyan? Kaya niyo pa bang itago ang emosyon niyo sa mga nangyayari? Hala, sige. Kung hindi niyo na kaya i-comment niyo lang inline or sa baba. Hahahaha! Huwag po kayong mahiyang mag-comment ng saloobin niyo. Maraming salamat po!

✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏

FLYNN

What I have forgotten? Nothing. It's crystal clear. Today is her birthday. How could I forget this very memorable day of us? It's the day we first met. 

INIS NA INIS akong sumusunod sa buntot ni James habang papasok kami sa Arena. Malayo pa lang kami pero naiirita na ako sa mga hiyaw na naririnig ko. Halos takpan ko ang dalawang tenga ko sa sobrang pagkairita. Dumadagdag kasi ito sa migraine ko. Bakit ba kasi niyaya niya ako dito? Nakakainis.

Nananahimik ako buong araw sa loob ng bahay namin ng biglang dumating si James at niyaya akong manood ng swimming competition ng mga kaibigan ng girlfriend niya. Mabuti sana kung si Kate ang pupuntahan namin doon kaso hindi eh, mga kaibigan niyang hindi ko naman kilala ang susuportahan daw namin doon. 

"Bro, bilisan mo naman dyan! Huwag kang sumimangot maraming magagandang swimmers dito!" Binatukan ko siya kaagad pagkatapos niyang sabihin iyon. 

"May girlfriend kana! Huwag ka nang magloko!" sagot ko sa kanya at tumawa siya ng malakas dahil sa sinabi ko. Humawak pa siya sa tiyan niya na parang sobrang nakakatawa yung sinabi ko sa kanya.

"Ikaw! Ikaw ang hinahanapan ko! Ano ka ba? You deserve better than Alysa. Kaya hahanap tayo dito ng mas deserving sa kanya." natatawang wika niya. Inianggat ko lang ang ulo ko at umiling-iling. Ilang beses ko ba dapat sasabihin sa kanya na matagal na akong naka-move on kay Alysa? 

LUMIPAS ANG ILANG sandali bago namin nakita si Kate. Kate have lots of energy to cheer for her best friends. May hawak-hawak pa siyang flags ng Pilipinas at Australia. Ang weird naman ng girlfriend ni James. Half pinay-half australiana ba ang kaibigan niya? Kinalabit ko si James na nakaupo lang din sa tabi ko. 

"Bakit dalawang flags ang hawak ni Kate?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Medyo pasigaw pa ako dahil masyadong maingay ang lugar.

"Ah, eh kasi yung dalawang best friend niya parehong atleta. Yung isa kinatawan ng Pilipinas at yung isa naman atleta ng Australia." pasigaw din nitong sagot sa akin. Napatango nalang ako at pinagpatuloy ang panonood. 

Mayamaya pa nagsimula ng humiyaw ng mas malakas ang audience. Mas sumasakit lalo ang ulo dahil sa sigawan. Nagpaalam ako kila James na lalabas muna bibili ng tubig at snacks. 

Bumaba ako mula sa kinaroroonan ko kanina nang biglang umalingawngaw ang boses ng emcee. 

"This is what we are all waiting for! The highlight of this year's Olympics!" Mas lumakas lalo ang sigawan ng mga tao. Hindi ko na talaga kayang tumagal sa lugar na ito. Tinakpan ko na ang mga tenga ko. 

"Let's get started! Are you all ready to see the competitors of this international swimming competition? Here they are!" anunsyo ng emcee. Sumasakit man ang ulo ko sa bawat sigaw ng audience ngunit hindi ko napigilan ang sarili kong huminto sa paglalakad at sulyapan ang mga babaeng swimmers ng isa-isa silang tumungo sa kanya-kanya nilang spot. 

Napatingin ako sa pinakagitna ng mapansin ko ang kakaibang karisma niya. Sa lahat sa kanila parang siya ang pinakahanda. Walang bahid ng kaba ang mukha niya. Bigla siyang napatingin sa gawing kanan niya at nagkatinginan sila ng isa pang swimmer at hindi niya napigilan ngumiti ng malapad. 

Unfaithful (Complete & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon