UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏
I'll advice na pakinggan niyo yung song entitled "Dating Tayo by TJ Monterde w/ spoken poetry" na makikita sa multimedia para mas madama ang chapter na ito. Thank you! 💕
✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏
"I"M SORRY, STEFFI but it's too late-" malungkot na sabi ng doktor. Hindi ko na pinatapos pa ang dapat niyang sabihin."No! Hindi ako naniniwala sa'yo! It can't be!" umiiyak kong sigaw sa kanya.
Mag-isa akong pumunta sa clinic niya para malaman kung ano ang naging diagnosis niya.
Mag-dadalawang buwan na kasing nanghihina ang katawan ko at dumidilim ang mga mata ko. Biglang nahihilo ako at sumusuka, hindi ko ito mapigilan kahit pa nasa loob ako ng university.
Dali-dali kong kinuha ang bag ko at agad akong tumayo sa harap niya. "Magpapa-second opinion ako." Sabi ko sa kanya sabay punas ng mga luhang kanina pa umaagos mula sa mga mata ko.
"Wala akong magagawa. Pero iha, kailangan mong magpagamot kaagad," sagot niya sa akin. Umiling ako sa sinabi niya.
Hindi ko kaya. Hindi ko kayang tanggapin na ganito ang mangyayari sa akin. Hindi ko siya sinagot dahil agad akong lumabas sa clinic niya. Napahinto ako sa hagdan ng umalingawngaw sa isip ko ang sinabi niya.
"I'm sorry, Steffi but it's too late."
Tears raced down my cheeks. I could hold the heartbreak no longer and I fell to the floor in a disheveled heap as my grief poured out in a flood of uncontrollable tears. My body wracked with an onslaught of sobs and tears.
"Why are you giving this to me?" umiiyak na sabi ko kasabay ng pagpatak ng mga luha na patuloy na umaagos. Paano na ang kasal namin ni Flynn? Paano kami mamumuhay ng normal kung ganito ako?
Maybe, tita Amy was right. I have to leave him. I suddenly feel the unberable pain in my chest as I remember what she said.
Kailangan kong magkapagdesisyon agad bago pa mahuli ang lahat. Mayamaya pa narinig kong tumunog ang phone ko sa loob ng bag ko kaya dahan-dahan ko itong kinuha.
"Love? Where are you? Guess what I'm preparing right now," masiglang sabi ni Flynn sa kabilang linya.
Hindi ko siya kayang sagutin. Hindi ko siya kayang kausapin. Hindi kaya ng mga bibig kong bumitaw ng kahit anong salita.
"Nag-try akong magluto para sa'yo." I can imagine his lovely smile while saying those words.
"Love, may problema ba? Are you crying?" Mahahalata sa tono ng pananalita niya ang pag-alala. Inilayo ko sa tenga ko ang phone na hawak ko at huminga ako ng malalim.
"T-talaga? N-nagluto ka para sa akin?" It seems like there is a lump in my throat that gets moved everytime I tried to speak.
Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya at hindi ko maiwasang mapangiti. Umiiyak na ngumingiti ako dahil hindi ko mapigilan, sa tawa niya palang ay gumagaan na ang loob ko.
"Yes, sana pasok sa maarte mong taste buds. Nasaan ka ba ngayon? Gabi na, sundiin na kita." Napangiti ako sa narinig ko sa kanya. Tumayo ako habang pinupunasan ang pisngi ko.
Ayokong makita niya akong umiiyak. Kakamatay pa lang ni tito Marlon at sigurado akong hindi magiging maganda ang kalalabasan kung sasabihin ko kaagad sa kanya.
BINABASA MO ANG
Unfaithful (Complete & Editing)
General FictionFive years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even write a simple letter saying where she is going and what is the reason why she's leaving. In other w...