UNFAITHFUL
loviesofteinyl | 2018Author's Note: Song for this chapter entitled "Lumalapit" by The Juans. Pakinggan niyo, lss kasi ako dyan at yan yung naging inspiration ko to continue writing this story. Hihi. Thank you. Happy reading!
BELLA
NAPATINGIN kami pareho kay Steffi. Punong-puno ng tanong ang mga mata niyang nakatitig sa aming dalawa. Humugot ako ng lakas bago lumapit sa kanya. Nang makalapit, hinawakan ko ang kamay niya at nginitian ko siya. Kumunot noo siya at halatang pinipilit niyang bigyan o hanapan ng kasagutan ang sarili niyang tanong.
"Sis, naalala mo yung kinukuwento ko sa'yong engaged kana?" nakangiti kong sinabi. Nanatiling nakatitig lang siya sa mata ko na parang naghihintay sa mga susunod kong sasabihin.
"Engaged kana. Nakatira kayo sa iisang mansyon. Nagtratrabaho kayo sa iisang hospital. Matagal mo ng nahanap yung lalaking pakakasalan mo. At yung lalaking iyon, walang iba kundi siya." pagdagdag ko pa sabay turo kay Flynn. Nakita ko kung paano pinilit ngumiti ni Flynn. Hindi maitatago sa mukha nito ang pagkabigla at pagdismaya.
Nag-aalangang sinulyapan ni Steffi si Flynn. Kahit isang salita walang lumabas sa mga labi niya. Tila parang pinuproseso pa ng utak niya ang mga impormasyon.
Pagkatapos ng operasyon tatlong taon na ang nakalipas, nagising siyang walang maalala kahit katiting man lang. Ang sabi ng doktor temporary amnesia ang meron siya, babalik din naman daw ang alaala niya sa takdang panahon ngunit hanggang ngayon kahit ni isang pangyayari mula sa nakaraan, wala pa rin siyang matandaan.
"Steffi, siya si Flynn fiancé mo." ani ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang palad niya, tinitigan ko siya sa mga mata at ngumiti ako sa kanya. Pilit kong pinaparamdam sa kanya na nagsasabi ako ng totoo. Pilit ko siyang pinapaniwala dahil nagbabaka sakali akong biglang maalala niya.
Napatulala siya kay Flynn ngunit mayamaya pa bigla siyang tumalikod at bakas sa mukha niya ang matinding pagtataka. Napayuko siya at napahawak sa noo niya na para bang pinipilit niyang makaalala. Halatang naguguluhan siya. Halatang gustong gusto niyang makahanap ng sagot sa mga tanong na bumabagabag sa isip niya.
"How? I mean... I can't remember anything. Sorry." naguguluhan niyang sinasabi sa harapan namin ni Flynn. Ang mga pilit na ngiting pinakawalan ni Flynn ay biglang nawala.
"Do you still remember me, love?" tanong sa kanya ni Flynn. Nakikita ko sa kilos at tono ng pananalita nitong konti nalang bibigay na ang pag-asang meron siya.
"Love? Is that our endearment?" naguguluhan niyang sagot sa fiancé niya. Hindi na maipinta ang mukha ni Flynn. Ang pag-asang pinanghahawakan niya ay para bang biglang bumagsak sa lupa at biglang nawala.
"Bella, I still have classes. I'm already twenty minutes late. If Justin will call you, tell him I'll wait for him at the cafeteria, okay? I will go now my students are waiting." Biglang may kung ano tumusok sa dibdib ko at sa buong katawan ko.
Napatingin ako kay Flynn at hindi ko maiwasang masaktan. Nararamdaman kong naiinis siya sa sarili niya dahil wala siyang magawa. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.
Steffi was just ten inches away from him but it feels like she's still far like a miles away. Hindi niya pa rin kayang abutin. Hindi niya pa rin maaangkin. Ako na kaibigan nila sobrang nasasaktan. Paano nalang kaya ang nararamdaman ni Flynn sa ngayon? Alam kong sobra pa ito sa mga nangyari noon. Pero nakikita ko sa mga mata ni Flynn hindi siya susuko lalo pa at nahanap na niya si Steffi.
BINABASA MO ANG
Unfaithful (Complete & Editing)
General FictionFive years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even write a simple letter saying where she is going and what is the reason why she's leaving. In other w...