CHAPTER 41

4.2K 88 9
                                    

Chapter 41 - Back to School

This chapter is dedicated to jeneferpavia BANGTWICE_FEVER naj_azyldini-ay user75055312 RhysAgliaiJavier chazie31 JulieFroctuso TheSwimmer05  rhea_mae_gregorio ZandraNaeAmith zhengyang143341 angelleen08 rhegnbondoc

Rochelle's POV

Omo! Di pa rin ako makapaniwala na official na kami ni Ezekiel >\\\<. Kaming tatlo palang nina Kuya ang nakakaalam kasi nahihiya. Naalala ko na naman nung kami nung isang araw at tinuruan nila kaming gumamit ng baril, daggers, knives, and yung mga bomba. Basta yung may bomba na ibabato mo tapos wala kang makikita sa paligid. Tinuruan din nila kami makipaglaban na nakablind folds at kailangan daw malakas ang pakiramdam namin. Dati pang malakas pakiramdam ko, lagi ko ngang nararamdaman na ang ganda ganda ko eh.

Bumangon na ako sa kama ko at nagpunta sa banyo para gawin ang morning routines ko. Bumaba na ako sa dining room at nakita ko si Kuya na nag aalmusal na.

"Oh! Gising na ang baboy!" Sabi ni Kuya at tinuro ako. Inirapan ko nalang siya.

"Si Mom and Dad?" Tanong ko kayvKuya at umupo na sa upuan. Alangan namang sa mesa ako umupo. Common sense naman.

"Nasa Korea na uli." sabi ni Kuya kaya napaubo ako. Uminom na agad ako ng tubig at gulat na hinarap siya.

"ANO?! BAKIT DI NILA SINABI SA AKIN?!" Sigaw ko sa ka niya.

"Dahil baboy ka at tulog mantika ka, di ka nagising kaninang madalingvaraw nung ginigising ka ni Mom para magpaalam." sabi ni Kuya at may kinuha sa bulsa niya. Isang sulat.

"Ano toh?"

"Papel."

~POINK!~

"Aray! Baka magkaamnesia ang gwapo Xandra! Madaming iiyak na babae!!" Sabi ni Kuya at nagpout. Mukha siyang duck.

"Tinatanong kita ng maayos eh." sabi ko at inirapan siya. Binuksan ko na ang letter at...

Dear Xandra,

     Princess! Kapag binabasa mo na toh ibig sabihin gising ka na. Alangan namang basahin mo tog ng tulog ka pa. Tulog mantika ka kasi kaya di ka nagising. Ito namang nakagaling mong tatay ay gusto ka pa daw makitang gumraduate. Masyadong OA, kala ay mamatay na siya. Yun lang, so ingat ka diyan anak! Alagaan mo yang Kuya mo. Alagaan mo ang sarili mo. I love you anak.

-Mom

Natatawa ako habang nagbabasa ng sulat ni Mommy. Si Kuya naman ay mahaba ang leeg at sinusubukang basahin ang letter pero di ko hahayaang mangyari yun. Tinupi ko na agad ang papel at ibinulsa sa palda ko. Kinuha ko na ang bag ko at naglakad papunta sa front door. Hayst, back to school na naman. Pagkabukas ko ng pintuan may nakita akong tatlong red roses sa doormat namin. Nilimot ko toh at tinaas ang isang kilay ko.

~PEEP~PEEP~

Tunog ng busina yan wag ka. May nakita akong kulay itim na kotse na nakaparada sa may labas ng gate. Lintek na toh agang aga nang aabala. Kilala ko na kung kaninong kotse toh. Naglakad ako palabas ng gate at nagbukas ang bintana ng kotse. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

The Campus Badboy is my Fiance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon