CHAPTER 47

3.5K 66 7
                                    

Chapter 47

This chapter is dedicated to rhea_mae_gregorio ReynalynFerfas BANGTWICE_FEVER rosabalisimora user75055312 lee_jung_suk_ ErlindaGacizano JunalynHey user09114149 sittiebacaye xDamnshits anniefaiz27 RhysAgliaiJavier user09765084 Paula_Angelica

Rochelle's POV

Hanggang ngayon di pa rin siya nagising. Isang linggo na ang nakalipas simula nung naaksidente siya pero feeling ko isang taon na. Walang ideya sina Kuya at ang parents namin tungkol sa mga nangyayari ngayon. Sabi nila wag muna daw namin sabihin kasi madami silang inaasikaso. Sinuot ko na ang bag ko at sumakay sa kotse ko. Dadaan muna ako sa hospital bago pumasok. Its just 6:30 in the morning kaya madami pa akong oras. Nagsimula na akong nagdrive at nagpatugtog muna ako.

I need U - BTS

Sa lahat pa naman ng kanta ito pa? Habang natugtog ang kanta ay napapaluha ako. Naging pula ang stoplight kaya tumigil muna ako. Naisip ko ung mga pinapagdaanan namin.

~flashback~

"Yow! Hubby!! Tara kumain ng kwek kwek." Sabi ko at kinaladkad siya papunta doon sa fishball stand.

Nakapoker face siya ngayon as always kasi gusto niya na umuwi. Wala siyang magagawa. Maganda kasi ang wifey niya kaya di siya makatanggi. Lumapit na ako sa fishball stand at kumuha ng dalawang stick. Binigyan ko siya ng isa at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Mamili ka. Libre ko." Sabi ko sa kaniya at kumuha na ng baso.

Kumuha ako ng  50 pesos na kwek  kwek. Diba tatlo sampu kaya may kinse na kwek kwek ang nakuha ko. Tinignan ko naman si Hubby at nakatayo pa rin siya dun, nakakunot ang noo habang nakatingin sa mga fishball na nakatuhog na sa stick. Kumuha ako ng isang stick at kinulbit siya.

"Ganito yun okay? Kumuha ka din ng isa." Sabi ko at nginuso yung fishball. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Arte ng lalakeng toh ah. Nagpout ako kaya sumunod siya. Maganda ako eh.

"Ilublob mo diyan sa sauce. Ito ang mahanghang, ito ang matamis. Mamili ka." Sabi ko at timuro yung dalawang grapon na puno ng sauce. Nilublob niyabyun sa mahanghang kaya dun ko din nilublob ang aking stick. Pagkatapos nun ay nilagay ko sa baso ang fishball na kinuha ko.

"Kainin mo yan. Di ako nakain ng may sauce." Sabi ko.

"What the hell? What is this sh*t?" Sabi niya at inexamine ang fishball na hawak niya.

"Fishballs." Sabi ko.

"What the? This are fishBALLS?!" Gulat na tanong niya sa akin.

~POINK!~

"Ouch." Sabi niyabat nagpout.

"Pfft, panget mo. Basta kainin mo nalang yan." Sabi ko sa kaniya at nilantakan ang kwek kwek ko. Sumubo siya ng isang fishball at base sa facial expression niya ay ineexamine niya ang lasa nito. Sumubo uli siya ng isa kaya napangiti ako.

The Campus Badboy is my Fiance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon