CHAPTER 46

3.3K 76 13
                                    

Chapter 46 - The Accident.

This chapter is dedicated to ReynalynFerfas Bhaimaila22 lee_jung_suk_ BANGTWICE_FEVER JulieFroctuso ellypot_22 ErlindaGacizano user89440699 user186552660410 lalainejo03 ZandraNaeAmith LJPena5 user99573669 user05308866 rhea_mae_gregorio user53714066 user05164234 Adiaron24 zhengyang143341 elkin0228 k1a5y3e elijajungkook97 xDamnshits user78509711

Third Person's POV

Napaluha naman agad si Rochelle at nagpunta na agad sila ng hospital kahit malalim na ang gabi. Naiyak si Rochelle at Chrystal sa van at pinpatahan naman ito ng kanilang mga kaibigan. Nag aalala sina Shan at Yanyan at lalo na sina James at Ced. Bihira lang maaksidente si Chris kaya naman nag aalala ang dalawang binata. Wala pa naman ang kanilang nga magulang para tumulong. Nagpark na sila sa parking lot ng hospital at tinakbo nila ang costumer's service ng hospital.

"Christopher Ezekiel Hyun po." Nag aalalang sambit ni James.

"Room 118 po sir. Third floor." Sabi ng nurse kaya sumakay na agad sila sa elevator.

Napaisip naman si James at Ced at bagkatinginan sila sa isa't isa. Napatango naman sila sa isa't isa na parang isa lang ang iniisip.

"Chrystal paano mo nalaman na naaksidente si Chris?" Sabay na tanong nung dalawa.

"May nagtext kang sa akin, ganito oh." Naiiyak niyang tugon.

From: 09*********

Naaksidente si Chris. Be careful. Nasa hospital siya, sa ******* hospital.

-ZOOBHZ

(Author: If you know who texted Chrystal, just message me privately okay? Don't spoil the others.)

Napakunot naman ang noo ng dalawa. Wala silang alam sa mga codes. Tanging si Chris lang ang nakakaalam kung paano magbasa ng ganun. Nagbukas na ang pintuan ng elevator ang nagmadali silang lumabas at hinanap ang room ni Chris. Nakita na nila ang pintuan nito at pinasok nila ang kwarto nito. Nandoon ang binata, nakahiga. Madaming galos, at may puting benda sa ulo. May mansta pa mg dugo ang benda nito sa ulo. Napaluha naman ang dalawang magbestfriend at lumapit agad sa kama ng binata.

~KLENK~

Napalingon naman agad ang anim dahil nagbukas ang pintuan at nandoon sina Celine at Seb.

"Oh my god! What happened to him?" Sabi ni Celine at napatakip ang kamay sa bibig. Bigla namang may pumasok na doctor sa loob ng kwarto.

"Sino po dito ang kamag anak ng pasyente?" Tanong ng doctor kaya lumapit sa kaniya si Chrystal.

The Campus Badboy is my Fiance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon