CHAPTER 54

3.5K 64 16
                                    

Chapter 54 - Life in the US

Russel's POV

Yow! Wassup! Muling nagkaPOV ang gwapo! Namiss niyo ba ako? Nandito ako ngayon sa dorm namin at nakahiga ako sa maganda kong kama. Napatingin naman ako doon. Napangiti naman ako ng mapait. Yung apat na sapatos, amin dapat yun eh. Tsk, ang tanga kasi.

~KRING~KRING~

"Hello?...... Ahhh oo..... Wait, ANO?!........ Bukas?..... ahh.. sige.. Sasabihin ko sa kanila bye." Sabi ko at binaba na ang tawag.

Hayst, goodluck nalang bukas. Pumunta ako sa closet ko at kinuha ang pambabaeng wig ko. Yeah, may laban ako mamaya sa GC. Ako si magandanf Alex pfft. Hindi ko naman pwedeng gamitin ang initials ko kasi na kay Xandra na yun kaya Alex nalang.

Naglagay ako ng makapal na make up para halatang babae talaga ako. Sinuot ko na yung cover all na black. Hindi ko na sinuot ang mask ko kasi, para saan pa ang pag mamakeup kung tatakluban din? Common sense. Ang tunay na gwapo, maganda kapag naging babae. Kaya ayan, tunay akong gwapo bwahaha.

Nagdala ako ng weapons para ready. May knife and gun pockets dito sa may hita at braso ko. Pinuyod ko naman ang buhok este ang wig ko na pabun at nilagyan ng dalawang daggers ito na pacross ang style. Fact no. 2, ang tunay na gwapo magaling pumorma kahit babae man siya.
Lumabas na ako ng kwarto ko at nagpipigil naman silang lima ng tawa nang makita nila ako.

"Alam mo bakla, bagay talaga sayo maging babae." Natatawang sambit ni tomboy babes.

"Tomboy babe, bagay naman sayo maging lalake. Kaya nagay tayo." Sabi ko sa kaniya at kinindatan siya. Umiwas naman siya ng tingin. Oh see? Dahim sa charms ko napapaamo ko ang tomboy bwahaha.

"Xandra, pakialagaan ang dorm habang wala ako. Ikaw naman Maddie at Arriane, wag niyo ubusin ang cream cheese cake ko sa ref!" Sambit ko at pinandilatan sila ng mata at tumango lang sila at ngiting ngiti.

Nakita ko namang nagtungo si Maddie sa kwarto niya. Good, di niya makakain ang cake ko. Kinuha ko na ang bag ko at binuksan ang pintuan. May lalake dito sa harap ng dorm namin. Sino naman toh?

"Who the hell are you?" Tanong ko.

Boses babae ako ngayon kasi may voice changer ako. Astig nga eh. Tinaasan ko siya ng kilay at napakamot naman siya sa batok niya.

"Do you know where Rochelle Alexandra Park lives?" Tanong nung lalake.

Wait, kilala niya si Xandra? Nilingon ko naman ang girls at mukhang enjoy na enjoy sila manood sa tv ng how to train your dragon. Psh, mga isip bata.

"She lives here. What do you need?" Tanong ko sa kanoya at nakapameywang ako ngayon.

"Uhhh, I need to talk to her." Kabadong sambit ng lalake. Lumingon naman ako sa likod.

"Xandra! May naghahanap sayo!" Sigaw ko kay Xandra. Binaling ko ang paningin sa lalake at nanlalaki ang mata niya.

"M-Maalam ka magtagalog?" Utal utal na sambit niya.

"Oo."

"Nagpakahirap pa ako magenglish maalam naman pala magtagalog toh." Bulong niya.

Pumunta na si kapatid sa tabi ko at tinaasan ko siya ng kilay. Alam na niya ang meaning nun. Napabuntong hininga maman siya at hinarap ung lalake.

"Kuya, meet Lance Archer Jimena, my exclassmate." Sambit ni Xandra at nanlaki yung mata ng lalake.

"K-Kuya? Bakla ang kuya mo?" Nag init ang dugo ko dun.

Walang yang bata na toh. Sa gwapo kong toh? Bakla?!?!Tinanggal ko ang voice changer ko at hinarap ung lalake. Patayin ko kata toh! Ang kapal ng mukha niya! Lamang na lamng ang kagwapuhan ko sa kaniya tapos pag aakalaan niya akong bakla?! Ang kapal naman ng mukha niya! Nagpipigil naman ng tawa si Xandra.

The Campus Badboy is my Fiance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon