CHAPTER 43

3.8K 83 0
                                    

Chapter 43

Dedicated ang chapter na toh sa mga nagtiyagang naghintay ng update ^__^. Wahaha! Naisipan kong ngayong Monday nalang mag update kasi first day of school namin. Ito ang unang update ko as a Grade 9 student.

Btw, nakalimutan kong ialagay ang pic ni Allysa hehe. Tignan niyo nalang sa taas. Huhuhu, sorry Soyeon unnie dahil ginawa kitang kalaban sa story ko. (G) I- dle fan here! d^__^b/

Third Person's POV

Hinatid ng binata si Rochelle sa kanilang bahay at nagpaalam na sa isa't isa dahil gabi na. Pagkapasok ni Rochelle sa bahay ay agad siyang natakot. Madilim ang loob ng bahay. Siguradong tulog na ang kaniyang Kuya. Bigla naman siyamg tumakbo papunta sa light switch at binuksan ang ilaw.

'Baka may Annabelle dito Shiz' isip niya.

Matakutin kasi ang dalaga. Pumunta siya sa akniyang kwarto at takot na takot siyang pumasok sa kaniyang walk in closet. Dali dali siyang nagpalit ng damit at lumabas sa walk in closet. Napabuntong hinga nalang siya at nahiga sa kaniyang kama. Pumikit na siya at sinubukang tumulog ngunit hindi siya dalawin ng antok.

Malamang natatakot siya, minulat niya ang kaniyang mga mata at ginala ang paningin sa madilim na kwarto. Kinuha niya ang cellphone niya at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ng kaniyang kapatid.

~KLENK~

Binuksan niya ang pintuan ng kwarto ni Alex at ginising ang kaniyang kapatid.

"Kuya, natatakot ako." Sabi ni Rochelle.

Hindi pa rin gumising ang kaniyang kapatid. Pinagpapalo niya ito at pinagsusuntok pero di pa rin ito nagising. Nakaisip naman ng magandang paraan si Rochelle para gisingin si Alex kaya tinanggal niya ang kumit na nakabalot sa katawan ni Alex at kinurot ang dodo ng kaniyang kuya.

"ARAY TAENA!" Nagising agad siya at napabalikwas. Kinamot niya ang ulo niya at nakita ang kaniyang kapatid na nakatayo sa gilid ng kaniyang kama.

"Kuya natatakot ako di ako makatulog." Nakapout na sambit ni Rochelle.

"Ipikit mo lang mga mata mo makakatulog ka." Sabi ni Alex sa kapatid niya at humiga uli sa kaniyang kama.

"Nagawa ko na pero ayaw pa rin." Sabi ng dalaga at nagpapadyak.

"Anong gusto mong gawin ko?" Nakabusangot na tanong ni Alex kay Rochelle. Inaantok na ang binata. Alas dos pa lang ng madaling araw.

"Samahan mo ako sa kwarto, sa sofa ka matulog." Sabi ni Rochelle kaya nanlaki ang mata ng inaantok na binata.

"Papatulugin mo ang gwapo mong Kuya sa sofa? Ayaw ko nga." Sabi ng Kuya niya at pumikit.

"Kuya please!!! Di kita papatulugin." Sabi ni Rochelle na parang bata.

"Oo na nga! Abala." Nakangusong sambit ng binata at dinala ang kaniyang unan at kumot.

Pumunta na sila sa kwarto ni Rochelle at nahiga na ang kaniyang Kuya sa sofa at pumikit na. Humiga na si Rochelle sa kaniyang kama at sinubukan ng tumulog. Ayun nakatulog na siya. Si Alex naman ay nakatulog na din sa sofa. Maririnig mo sa buong kwarto ang harok ng dalawang magkapatid.

****

Nasa eskwelahan na sila at si Alex ay may sumpong sapagkat madakit daw ang leeg niya. Hindi daw nakatulog sa sofa ng maayos. Wala sa kanilang classroom si Allysa dahil kinausap ni Chris ang kanilang dean na palipatin ito at pumayag naman ang dean. Napalipat na siya sa Section C.

"Chris buti naman pinalipat mo si Allysa." Sabi ni James habang naglalaro sila ni Cedric ng chess. Wala kasi ngayong klase kaya pwede nila gawin ang mga gusto nila.

The Campus Badboy is my Fiance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon