CHAPTER 53

3.3K 78 7
                                    

Chapter 53 - New Life

Dis tiyapter is dedikeyted tu sa mga naghintay ng update ko ^__^

Rochelle's POV

Muling nagkapoint of view ang maganda!! So, long time no see? Last time I saw you, I was just 19. I'm now 21 years old. Madami nang nagbago pero isang bagay lang ang di nagbabago......

Ang kagandahan ko.

"Hoy Elle! Taena ka, anong ginawa mo sa bag ko?!" Rinig kong sigaw ni Shan. Aba, bakit nadamay ako?

"Huh?! Bakit ako ang sisishin mo? Batukan kita diyan." Sabi ko sa kaniya at inirapan siya. Inirapan naman din ako ni Shan. Bigla namang dumating si Maddie at Yza.

"Sinong nangialam ng bag ko?!" Galit na sigaw niya kaya nagulat yung dalawa. Bigla naman nanlaki ang mata ni Maddie at sumipol.

"Si Maddie! Tinatry niya kahapon ang katana skills niya tapos di sinasadyang tamaan ng katana ang bag mo kaya nasira." Sambit ni Yza kaya naman nagulat si Maddie. Pfft, ilalag ba naman siya ni Yza.

"Ano?!"

"Pakalat kalat kasi naman ang bag mo. Di ko kasalanan." Sabi ni Maddie at nagcross arms. Bigla namang bumukas ang pintuan at nakita namin si Yanyan.

"Oh? Anong nangyayare dito?" Maarteng tanong niya habang nakataas ang kilay.

"Yang dalawang yan." Sabi ko at inginuso sina Shan at Maddie. "Pinag aawayan ang maliit na bagay. How Immature" Sabi ko at umiling.

"Anong immature?!" Sabay nilang tanong sa akin. Pinandilatan ko sila ng mata kaya naman nagpeace sign sila sa akin.

"Ako pa kakalabanin niyo?" Sabi ko habang nakapameywang at nakataas ang isang kilay. Nagbukas uli ang pintuan at nandoon si Kuya.

"Yow, muling nagbabalik ang gwapo!" Sabi ni Kuya at nagpapogi sign. Mahangin talaga kahit kailan. "Yow, tomboy babes, namiss mo ba ang gwapo kong mukha?" Sabi ni kuya at kinindatan si Shan.

Yes, sila na. Corny noh? Wala namng forever. Lumapit naman si Kuya kay Shan at niyakap ito. Napairap naman ako sa kawalan. Napalingon naman sa akin si Kuya at biglang ngumisi.

"Yah, selos si Xandra. Yieeee, ako pa rin naman ang gwapo mong Kuya." Sabi niya at lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Psh, Lampo!" Sigaw ko.

"Palibhasa walang lovelife." Natatawang sambit ni Maddie.

"Nagsalita ang may lovelife." Sabi ko kaya siniringan ako ni Maddie.

Umalis muna ako sa sala at pumunta sa may kwarto ni Kuya. Hahanapin ko yung bigay ko sa kaniyang kwintas kung buhay pa. Burara kasi si Kuya eh. Pagpasok ko sa kwarto ni Kuya ay malinis ito. Mabuti namaj at naisipan niyang maglinis ng kwarto. Lininga ko ang paningin ko sa buong kwarto at may nakaagaw ng pansin ko.

Lumapit ako doon sa sulok ng kwarto at may nakita akong apat na sapatos na pambasketball. Kulay black and red. Pare-parehas ng design. Kaso iba't-ibang sizes. Ang alam kong size ng paa ni Kuya at 12. Pero bakit iba't-ibang sizes ang nandidito? Pati ngayon ko lang toh nakita. Malamang di pa niya naiisuot toh kasi kung naisuot na niya, dapat nabinyagan ko na ito. May narinig naman ako na yabag ng mga paa kaya napalingon ako. Si kuya, nakatayo at nakasandal sa may pintuan.

"Anong tinitignan mo diyan? Nanakawin mo ang lays ko noh?" Sabi ni Kuya pero tinignan ko siya ng seryoso.

"Kuya, bakit may apat kang sapatos dito?" Sabi ko at tinuro ang mga sapatos. Nagbago naman bigla ang expression ng mukha niya.

The Campus Badboy is my Fiance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon