CHAPTER 34

4.4K 77 6
                                    

Chapter 34 - Training or Asaran 2

This chapter is dedicated to    
_baekhyuniverse_ jonalyncubio rosebellvisaya11 rhegnbondoc jeneferpavia wieghenz sittiebacaye user622065544080 user70333377 neslyn0117

James' POV

Muling nagkapoint of view ang gwapo bwahahaha! Nandito kami ngayon inaasar si Alex at Chris dahil natalo sila. Yung dalawang talo ay nakabusangot samantalamg kami ni Ced ay nakangisi at inaasar yung dalawa.

"Kapag highblood pala si Chris butiki lang pala ang kailangan natin James noh? Kapag bigla siyang nagkasa ng baril lagyan agad natin ng butiki sa ulo HAHAHAHA" pagpaparinig ni Ced kay Chris. Walangya talaga tong lukong toh. Sinamaan naman siya ng tingin ni Chris kaya lalong lumaki ang ngisi niya.

"Oo nga Ced noh? Simula ngayon siya na ang under at tayo naman ang mamamahala bwahahaha" sinakyan ko na ang trip ni Ced.

"Tama na ang asaran James! Patay ka ikaw na ang sunod. Kapatid ni Chris ang kalaban mo patay ka" nananakot na sambit ni Seb.

"Tsh! Yang isip batang yan? Kakatakutan ko?" Mayabang kong sabi at tumayo na. Sinuot ko na ang gloves ko at pumunta na sa gitna.

Patay ka sa akin isip bata. Bwahahaha! Tignan natin kung namana ko ang skills ni Tito Kiel. Narinig ko ng pumito si Seb pero di pa nagalaw si Bata.

"Huy bata! Galaw galaw pag may time" sabi ko sa kaniya at sumugod. Tatama na sana ang kamao ko sa mukha niya pero nagulat ako ng swabe lang siyang umiwas at umupo.

"Wahh! May praying mantis sa sahig oh" sabi niya kaya napalingin ako agad. Naiwasan niya ang tira ko dahil sa mantis? Dahil sa lintek na mantis.

"Chrystal! Focus!" Sigaw ni Chris kaya dali dali itong tumayo ay nagpout. Sumugod uli ako at umiwas na naman siya kaya uminit ang ulo ko.

"Ano bata? Iwas ka lang ng iwas? Lumaban ka!" Nag iinit na ang ulo ko lintek. Bigla naman siyang ngumisi at tumingin sa akin.

"If you say so..." sabi niya habang nakangisi.

Biglang nagflashback sa utak ko yung iniasta niya sa bar noong nagouting palang kami. Kung paano niya napatumba yung lalake ng ganun kadali. Nabalik lang ako sa realidad nang may sumapak sa gwapong mukha ko.

~BLAGG!~

"ARAY!" Napasigaw ako kaya naman narinig kong nagbungisngisan ang iba.

"Huwag ka kasing mamalag malag kung ayaw mong masapak" nakangising sambit ni Bata.

"Woaahhh! Huwag nga kasi daw mamalag malag" sigaw ni Alexandra.

Taena bakit di ko naiwasan yun? Focus James. Focus! Kakaiba ang aura niya ngayon. Seryoso siya at hindi siya yung happy go lucky at isip hata na Chrystal na makikita mo sa school na magtatalon.

~BLAGG!~

Bigla nalang ako napahiga sa sakit nang sinipa niya ang dibdib ko. Shet, hindi siya sobrang lakas pero napatumba niya agad ako.

"HAHAHAHA! ANO JAMES? MAMALAG MALAG KA PA? HAHAHAHAHA" pang aasar ni Ced sa akin.

"BWAHAHAHAHA! TATLO NA KAYONG ASAR TALO! HAHAHAHA!" Sigaw niya at tinuro kaming tatlo kaya sinamaan namin siya ng tingin.

The Campus Badboy is my Fiance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon