CHAPTER 17

6.2K 121 6
                                    

Chapter 17 - Outing

Rochelle's POV

Nandito ako sa bahay namin. Hindi sa bahay namin ni Ezekiel ah, sa bahay namin ni Kuya kasama si Mom and Dad. Nakaupo ako dito sa sofa kasama si Kuya.

Tuwang tuwa nga ako dahil nakabalik na rin ako dito!! Nakakanosebleed kasama si Ezekiel puro english!!

"Kuya bakit nga pala laging nag eenglish si Ezekiel??" Taka kong tanong sa kaniya.

"Well, maalam naman siya magtagalog. Ganito kasi ang nangyari. Nung 14 na siya lumipat sila sa States tapos pag uwi niya dito tinadtad ba ga naman kami ni English! Buti na lang at gwapo ako kaya nakakaintindi ako" napakahabang sinabi ni Kuya.

Ang haba, kailangan pa talagang maging mahangin siya ngayon?? -__-

"Anong connect ng pagiging gwapo mo??" Pang babara ko.

"Ganun sadya yun" paliwanag niya.

Ganyan niya mukha niya. Hindi lang makaisip ng dahilan. Ayaw pa kasi aamin na mahangin siya!! Phew! Salamat na lang at maganda ako.

"Babies! Luto na ang aking napakasarap na brownies!" Sabi ni Mom kaya nagtakbuhan kami ni Kuya papuntang dining room.

Siguradong lalamunin lahat toh ni Kuya!! Masama kaming nakatingin sa isa't isa. Subukan mo lang ubusin toh malilintikan ka sa akin.

"Oh, kayong dalawa tawagin niyo na ang Dad niyo" Utos ni Mom.

"Oy! Kuya tawagin mo daw!" Utos ko sa kaniya.

"Ala bakit ako? Ikaw ang tumawag!" Sigaw niya sa akin. Aba! Talaga nga naman.

"Ikaw!" Sabay naming sambit habang nakaturo sa isa't isa.

Bigla namang dumating si Dad sa dining room habang may dalang mga maleta. Anong meron???

"Dad ano yan?" Tanong ni Kuya.

"Maleta" pamimilosopo ni Dad.

Hahaha! Napapala! Belat!! Nakapokerface ngayon si Kuya dahil sa pamimilospo ni Dad.

"Dad bakit po may maleta dito?" Sabi ko.

"Dinala ko kaya napunta dito" pamimilosopo ni Dad.

Sumusobra ka na Dad ah!! Napakapilosopo!

-__-++ - kaming tatlo nina Mom

^__^ - Dad

Bigla namang lumapit si Mom sa kaniya at...

~POINK!~

"Pfft!! Hahahahaha!" Tawa naming dalawa ni Kuya

"Aray naman! Hon bakit ka namatok?" Nakapout na sabi ni Daddy.

"Huwag ka ngang pilosopo diyan!" Sigaw ni Mom sa kaniya.

"Hahahah! Belat!!" Sabi naming dalawa kay Dad.

"Btw, may mga maleta dito dahil--"

"Dinala mo" pagputol naming tatlo nina Mom kay Dad.

"Hon naman eh!" Pagliligalig ni Dad.

Hahaha! Ang cute! Ano kayang itsura ni Mom and Dad nung mag gf pa lang sila??

"So, napagplanuhan namin ng Mom mo este naming magkakabarkada na magvacation!" Nakangiting sabi ni Dad.

Barkada?? Who?? Pero for sure kasama ko sina Yza at Ezekiel.

The Campus Badboy is my Fiance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon