[27]
Jhon Nicholo's POV
Nagstay pa kami nang mga 30 minutes sa bahay Nina Jaime, pagkatapos umakyat ni Jaime sa kwarto niya. Nagkwentuhan pa Kasi sila.
Nandito kami ngayon sa tambayan. Kina Khail. Kwentuhan na naman daw. Tss. Parang Hindi sila nagkukwentuhan kanina.
We're on Khail's room. Silang apat nagkukwentuhan habang nakaupo sa sahig. Ako, nakaupo sa sofa.
May gumugulo Kasi sa isip ko.
Bakit ba parang kinakabahan ako tuwing lumalapit siya?
Bakit parang laging naa-agaw niya ang atensyon ko?
Bakit parang naging interasado ako sa kaniya?
Bakit parang gusto ko pa siya Lalo makilala?
May crush na ba ako sa kaniya?
Kay Jaime?
I was shocked when someone clap his hands few inches away from my face. Nakatulala na pala ako.
Jhon tulala ka. Anong iniisip mo? Kahit kailan talaga chismoso si Grey. Best friend ko ba talaga siya?
Wala. I lied.
Ang ganda ni Jaime noh? Biglang sulpot ni Neil.
Oo naman. Sang-ayon naman nung apat.
Bakit siya napasok sa usapan? Tanong ko. Bigla na lang kasing binabanggit.
Napagusapan Kasi namin na may katangian siya kapareho Ng ideal girl mo. Sabi ni Grey. Pinaguusapan pala nila ako.
Maganda - check
Matangkad - check
Matalino - di pa Alam
May manners - check
Magaling sumayaw - di pa Alam
Magaling kumanta - di pa Alam
Hindi pabebe - check
Matapang - di pa Alam
God fearing - di pa Alam
Sabi naman Nina khail at Nathaniel. Tumango naman Sina Grey at Neil. Ako na naman ang center of attention Ng mga to. Tsk.Oo nga noh? Kaya ba parang may nararamdaman akong weird feeling?
Ako na Ang bahalang tumuklas kung matalino si Jaime. Sabi ni Grey. Lalim nung tumuklas ah.
Ako na lang Kung may takot sa Diyos si Jaime. Khail said.
Kami na lang ni Nathaniel ang bahal ni Neil para malaman Kung matapang si Jaime. Sa sayaw at kanta, bahala na. Sabi ni Neil.
Seryoso ba sila sa pinaplano nila?!
Are you guys are nuts?! Inis kong sabi.
Syempre bro, Hindi. Gusto lang namin na magkaroon ka Ng lovelife. Sabi ni Grey.
Oo nga! Gusto naming maging happy ka Kasi love na love ka namin! Neil childish part is striking again.
Matagal na din bro ang dalawang taon, MOVE ON! Khail teasing voice. Tsk.
Bro hindi ka ba nakaka-miss Ng mga kissable and sweet lips? Nathaniel with perverted mind said.
Palibhasa nagsisimula na silang maggawa ng kaniya kaniyang love life Ang mga g*gong to. Si Khail dun Kay Ariella. Si grey dun kay Loreen. Tapos Yung dalawa tinatago pa. Si Neil halatang type Yung Marie, Kaya lang Alam niyang irereject siya nito dahil nga matured na. Si Nathaniel naman parang may feelings na Kay Queen Kaya lang parang na-offend siya sa kilos ni Queen. Para Kasing lalaki Kung kumilos.
Tsss. Yan na lang nasabi ko.
Hindi ko pa pwedeng sabihing crush ko si Jaime Kasi paniguradong sasabihin nila na hindi lang crush Ang nararamdaman ko,kahit Yun lang naman talaga. Hindi sila nagpapatalo kahit Mali naman Ang pinaniniwalaan nila. So I chose not to say that I have crush on Jaime.
Sasabihin ko sa kanila sa tamang panahon, sa panahon na Hindi na lang crush Ang nararamdaman ko. Kapag Gusto ko na siya o higit pa.Gusto ko na ring kalimutan Ang nakaraan na Wala namang naidulot na magandang kinalabasan.
***
Jaime's POV
Simula nung Wednesday. Nung nag-confess na Sina Khail at Grey nang kanilang feelings kina ate Ariella at ate Loreen lagi silang nasa boarding house after class.
Medyo naiirita na Rin ako sa presence nila, Lalo na Kay Neil at Grey. Neil calls me best friend, dahilan para magselos si Grey. Mas una daw siyang nakilala ako kaya kailangan daw may tawag din siya sa akin. GBF daw means Girl Best Friend.
Yung apat sang-ayon na sang-ayon sa laging pagpunta nung apat sa bahay. Sa kwarto ko, sa kitchen or sa garden ako napunta kapag nandito yung Lima. Maganda naman ang pakikitungo ko sa kanila.
Today is time to relax. To enjoy. To be happy. To un wind. To release stress.Today we're going na sa Batangas.
Grabe Hindi na ako makapaghintay. Almost two months na akong hindi nakakauwi sa Batangas dahil nasa business trip Sina mom and dad. Ayoko namang umuwi nang walang dadatnan. Boring Yun.
Nandito kami ngayon sa labas Ng gate ng boarding house, hinihintay si manong Jose. Nagpasundo Kasi ako. Van na yung pinadala ko. Dadaan na lang namin Sina Ara at Mia sa may 7-eleven.
Hey! Selfie! Sigaw ni ate Ariella sabay taas Ng selfie-stick sa ere.
No choice but to smile. A true smile. There's no reason not to smile. I'm so excited. Ngiti nga ako ng ngiti. Tss. Pano ko ba to pipigilan? Baka mapagka-malan akong baliw nito eh.
After few minutes dumating na si manong Jose. Nilagay ni manong Jose Ang mga backpack sa likod. Ako, sling bag lang ang dala ko. May mga damit naman ako sa Batangas.
Sa front seat ako umupo. Sa second row ay Sina ate Marie , ate Queen at ate Loreen. Sa third row ay si ate Ariella. Sa tabi niya uupo Sina Ara at mia mamaya.
Ma'am Jaime saan pong 7-eleven? Tanong ni mang Jose.
Sa 7-eleven po sa may SEU. Sagot ko.
Tumango naman si manong Jose.
Inilabas ko Ang iPhone ko.
Guys, smile! Sabi ko at itinaas sa ere ang cellphone ko. Pang Instagram lang.
After few minutes nasa 7-eleven na kami. Nandoon na din Sina Ara at Mia. Agad silang kumaway nang binuksan ni ate Loreen ang pinto ng van.
Nag surf muna ako sa Facebook.
May nakita akong status.
Weekends without them. :(
Post ni Grey. Ishi-nare naman nung apat niyang kaibigan.
Bakit them? Diba dapat her lang? Si ate Loreen. Pero ishi-nare nung apat niyang kaibigan. Weird.
Friends ko na silang Lima sa fb. Nagsent sila Ng friend request sa akin nung Thursday. In accept ko naman.
Hindi ako nag-like nor nag-comment sa post na iyon.
Nagkabit na lang ako ng earphones at nakinig ng music. Sinuot ko na din Yung available neck pillow.
Hindi ko na namalayan na unti unti na akong nakakatulog.
Zzzzzzzzz...... Zzzzzzzzz......
***
HOPE YOU ENJOY READING ✌
BINABASA MO ANG
Roller Coaster Bliss
Teen FictionIt's definitely a long ride, a crazy roller coaster ride, we may go up and down, we may scream and cry, we may be excited and scared but in the end you'll not notice that the ride is already finished.