[36]
Jaime's POV
Hindi tulad ng mga nakaraang araw, mas maaga ang gising ko ngayon. Ngayon Kasi Ang first day ng intramurals. At the same time, ngayon din ang release ng music video. What the heck! Kinakabahan ako, hindi dahil sa paglalaro ng volleyball kundi dahil sa music video. What will be the other students reaction?
Nagsuklay muna ako bago
Dumiretso sa comfort room. Naghilamos at nagmumog.While heading downstairs I can hear chuckles. Ang aga-aga Ang ingay naman Nina ate!
Medyo inaantok pa ako eh. 4:00am pa lang Kasi. 6:00am ang start ng program for Pete's sake!
Muntik na akong mahulog sa hagdanan sa nakita ko. Pucha! Bakit nandito sila?!
Yung limang lalaki, prenteng-prenteng nakaupo sa couch namin. Lahat sila nakat-shirt , nakarubber shoes, at jersey shorts. Hindi ko na tiningnan Kung anong mga team nila, punyemas Yung itsura ko!
Yung mga kasama ko sa bahay? Ayun puro maayos ang itsura. Si ate Ariella at Queen, nakaligo na, Nakapulbo na at may liptint na. Yan yung tinatawag nilang madaliang make-up. Tapos yung dalawa, nakalipstick pa! Lintek na mga toh! Ramdam Kong uminit Ang pisngi ko nung tumingin sila sa akin.
Dumiretso ako sa dining table. Naka-spaghetti strap sando ako at pajamas. Grabe! Anong hitsura ko?! Baka sa loobloob Ng mga yan mamamatay na sa kakatawa.
Tiningnan ko sina ate Queen ng masama, Buti nalaman nila ang gusto Kong iparating, kumain na kami.
Dali-dali silang tumayo at umupo sa upuan nila.
Gusto niyo kumain? Tanong ni ate Ariella dun sa Lima. Umiling Yung Lima. Siguro nakakain na sila o ayaw nila sa pagkain namin. Fried rice, fried egg, fried ham,bacon and hotdog.
Ako na ang naglead ng prayer, Alam na eh, magtuturuan tong apat dahil mga kinikilig. Tss.
In the name of the father, and of the son, and of the holy Spirit amen
Lord God Almighty, thank you for this food. Thank you for allowing us to share this meal together. Send your spirits to bless this gift, Amen.
In the name of the father, and of the son ,and of the holy Spirit Amen.
Then we started eating.
Author's P.O.V.
Habang kumakain si Jaime Hindi niya napapansin na si Jhon ay kanina pang sulyap ng sulyap sa kaniya.
"Grabe Ang ganda niya talaga" "Ang cute niya kapag bagong gising" Sabi ni Jhon sa isip niya.
Bago kumain Sina Jaime ,dibat nagdasal muna si Jaime, Ang puso ni Jhon kulang na lang ay matanggal sa katawan niya sa sobrang lakas ng tibok.
"God-fearing" Yan Lang Ang pumasok sa isip niya.
Slow talaga nung apat niyang kaibigan. Sabi sila daw ang magdidiscover kung may takot sa Diyos si Jaime tsaka Kung matalino ba.
Si Jhon din Kasi Ang naka-discover kung matalino ba si Jaime.
Flashback
~SEU~Naglalakad si Jhon papunta sa cafeteria nang makita niya si Jaime.
Kasalukuyang pinagre-recite si Jaime Ng Prof nila tungkol sa different kinds of chemicals.
Na-Stiffened si Jhon sa kinatatayuan niya dahil sa galing ni Jamie sa pagrerecite.
"Wow! Matalino siya!" Sabi ni Jhon sa isipan niya.
End of Flashback
Jaime's POV
As usual, nagbihis na si ate Ariella at ate Queen. Si ate Marie at ate Loreen nan-liligo na. While me? Nagpapakainip sa kwarto ko habang hinihintay matapos si ate Loreen maligo. Ayoko naman mag-stay sa baba, nakakahiya.
Tumingin ako sa relo, 5:00am na!
Grabe mag-iisang oras nang naliligo si ate Loreen.Lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa cr. Kinatok ko na si ate Loreen.
Tok! Tok! Tok! Tok! ATE LOREEN! ATE! Tok! Tok! Tok!
Ate tanghali na! Sigaw ko habang nakatok. Ayokong ma-late noh!Etoh na patapos na! Sigaw niya pabalik. Nakinig kong tumawa siya. Pumunta muna ako sa kwarto ko para kunin yung under garments ko.
Arghhh!!! Faster! Sigaw ko ulit. Pangalawang balik ko na to.
Sa wakas, lumabas na rin siya.
Ate ano bang ginawa mo at sobrang tagal mo?! Inis kong usal. Tinawanan Lang ako! Lintek! Nakaka-GM ang tawa niya,parang may ginawang kababalaghan.
***
After kong maligo nagbihis agad ako sa kwarto ko.
#1 cycling
#2 sports shorts (Nike)
#3 knee pads
#4 t-shirt ng blue team na may apelyido ko sa likod. (Blue Warriors)
#5 sports socks (Nike)
#6 ?!?!?!?!?!Hala! Nasaan ang rubber shoes ko!
Lula na ako sa kahahanap nung rubber shoes Kong bagong bili ni daddy. Gusto Kasi ni dad Yung binili niya nung business trip nila yung susuotin kong shoes. Dumating sila last week Kaya Ang dami Kong dresses,sandals,make-up(mom's stuff) and syempre Nike-t shirt, Nike-sweat pants, Nike-shorts, Nike-socks and Nike-shoes(dad's stuff)
Sh*t naman Jaime! Ang bilis mong makalimot! Nasa backseat Ng Porsche Yung sapatos!
Agad kong inayos ang towalyang nakapulupot sa ulo ko at nagsuot Ng tsinelas. Kinuha ko yung susi ng kotse at tumakbo palabas.
5:25am na for Pete's sake! Kailangan 6:00am nasa campus na ako.
Nadatnan ko Sina ate na nagma-makeup sa sala, sa harap nung limang lalaki.
Jaime lalaro ka?! Pasigaw na tanong ni Neil at Grey. Parang gulat na gulat sila?! Tumango na Lang ako sa kanila at tumakbo na palabas.
Binuksan ko kaagad ang backseat at kinuha Yung sapatos. Nasa paper bag pa nga. Lord Sana nakasintas na toh! Hindi ko pa kasi to nakikita.
Jaime bago?! Tanong ni Nathaniel. Isa din tong feeling close sakin, nakikisakay na lang ako.
Uhmm, oo. Sabi ko at tumalikod na, pero dahil may kakapalan ng mukha ang magkakaibigan na yon.
Model? Tanong ni Khail. Lahat sila FC maliban dun Kay Jhon.
Latest model. Sagot ko at tumakbo na sa kwarto ko.
Kailangan in 15 minutes tapos na akong mag-ayos.
Pagbukas ko ng kahon. Thanks God! Naka sintas na. Color black and white Ang kulay. Alam talaga ni dad Ang paborito Kong kulay ng sapatos.
Isinuot ko Ito kaagad. Nag-hair dry agad ako pagkatapos. Pagkatapos noon, tinirintas ko yon, kapit balat. So Wala nang buhok Ang malalaglag sa mukha ko.
~liquid powder
~lip balm
~ I'm readyReady to go! Gotcha!
HOPE YOU ENJOY READING ✌

BINABASA MO ANG
Roller Coaster Bliss
Teen FictionIt's definitely a long ride, a crazy roller coaster ride, we may go up and down, we may scream and cry, we may be excited and scared but in the end you'll not notice that the ride is already finished.