1: The New Student

12.3K 424 30
                                    



Hawak-hawak ni Olivia ang kanyang toothbrush at bumibirit sa pag-awit. Sumasabay siya kanta ng Backstreet Boys na Anywhere For You habang nakatinign sa harap ng salamin.

Ramdam niya ang bawat lyrics ng kanta. Alam niyang hindi naman kagandahan ang boses niya pero hindi 'yon pumigil sa pagkanta niya. Kumpiyansa rin siya sa pagkanta dahil nasa loob naman siya ng banyo at malakas ang volume ng kanyang Bluetooth speaker. Walang ibang makakarinig sa boses niya.

Nang dumating sa chorus ay bumalik na si Olivia sa pagsisipilyo. Paborito niya ang parteng 'yon kaya't hinayaan na lamang niya si Nick Carter at ang mga kasama nito na ipagpatuloy ang kanta. Isa pa, hindi na siya nakakapagsipilyo ng maayos dahil sa pagkanta niya.

Narinig niya ang matalim na tunog ng maliit na alarm clock na nasa harap ng salamin. Tapos na ang dalawa at kalahating minuto. Oras na para tumigil sa pagsisipilyo.

Tinapik niya ang maliit na button sa ibabaw ng alarm clock. Kaagad 'yong tumigil. Nagmumog siya at binanlawan ang kanyang toothbrush. Pagkatapos ay ibinalik 'yon sa lalagyan.

Lumapit siya sa salamin at ngumiti. Tiningnan niya nang mabuti ang kanyang mga ngipin. Siniguro niyang malinis ang bawat sulok ng mga ngipin niya. Nang makontento sa nakita ay inayos niya ang kanyang maikling buhok. Natutuwa siya at medyo mahaba na ang buhok niyang naka-pixie cut. Mga ilang pulgada lang ang inihaba ng buhok niya pero masaya na siya. Hindi niya kasi akalain na ang hirap palang magpahaba ng buhok.

Isang katahimikan ang bumalot sa banyo nang matapos ang kanta. Excited si Olivia na marinig ang susunod na kanta. Isang mabilis na kanta mula sa Backstreet Boys ang pumailanlang at napasayaw ang dalaga.

Paborito niya rin ang We've Got It Goin' On. Napapasayaw siya kapag naririnig niya ang kantang 'yon. Katulad ngayon. Sumasayaw siya habang inaayos ang kuwelyo ng puting blouse.

Pagkatapos ay inayos niya ang butones ng dark blue na vest. Nakita niya ang kapirasong toothpaste na dumapo sa school seal na nasa kanang bahagi ng vest na suot. Pinapag niya 'yon.

Nang matanggal ang toothpaste ay napatingin siya sa above the knee at dark blue niyang palda. May nakita siyang maliliit na tuldok na kulay puti. Sigurado siyang toothpaste rin 'yon.

Mabilis niyang binasa ang kanyang kamay ay ipinunas 'yon sa bahagi ng palda na nalagyan ng toothpaste. Naisip niya na kailangan niyang mag-ingat sa pagsisipilyo at nang hindi madumihan ang school uniform niya. 'Yon pa naman ang dahilan kung bakit niya pinili ang Grand Hills Academy. Gustong-gusto niya ang uniform niya. 1990's kasi ang style.

Wala kasing uniform sa public high school na pinapasukan niya sa Washington kaya't heto ay excited na excited siya na isuot ang uniform sa unang araw ng pasukan.

Nang matanggal niya ang toothpaste sa uniform ay bumalik siya sa pagsasayaw. Nilakasan niya ang volume ng Bluetooth speaker at nagpatuloy sa pagsayaw.

Hindi niya tuloy narinig ang mga katok sa pintuan ng banyo. Laking gulat niya nang bumukas 'yon.

"Aunt Kelly!" Gulat niyang sabi at mabilis na pinatay ang kanyang Bluetooth speaker.

"You've got me worried, Olivia! Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo. Kanina pa kita tinatawag," nag-aalalang sabi nito sa kanya.

Dahan-dahang napangiti si Olivia. Nawala naman ang pag-aalala sa mukha ng tiyahin niya nang makita siyang nakangiti.

"I'm sorry. I got carried away with the music," ang sabi niya at lumapad ang ngiti sa mukha.

"Ikaw talagang bata ka," ang sagot nito at tumalikod na. "Aalis na tayo in five minutes."

"What?" Tarantang sabi niya habang nakasunod sa tiyahin. "I'm not ready yet."

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon