36: Replacement

3K 166 23
                                    



"What the hell are you talking about?!" Malakas na tanong ni Iris sa kanya.

Napangiti lang si Olivia. Alam niyang magiging ganoon ang reaction ni Iris. She expected that from her.

"Pag-isipan mo nga muna bago ka mag-react."

"Alam mo ba ang pinagsasabi mo? Are you out of your mind?" Nanlaki ang mga mata ni Iris habang nakatingin kay Olivia.

"Di ba, sabi mo dati crush mo si Max?"

"Olivia!" Sigaw ni Iris. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na sila ng ibang studyante sa canteen.

"I'm just being practical, Iris," ang sagot ni Olivia sa kaibigan.

"Practical? You want me to replace you in Max's life when you die. That's crazy, not practical!" Ang sabi ni Iris sa kaibigan. She's disgusted with the idea of being Max's lover when Olivia dies.

"Magkaibigan tayo, di ba? And you're adorable. I'm sure Max will love you the way he—"

Hindi na natapos ni Olivia ang sasabihin. Biglang tumayo si Iris at iniwan siya. Walang nagawa si Olivia kundi sundan ang kaibigan.

"Iris!" Habol niya rito.

"Huwag mo akong kausapin," galit na sabi ni Iris sa kanya.

"I'm sorry if I offended you," she said while trying to catch up on her. Hindi niya inakalang magagalit ang kaibigan. Iniisip niya lang naman kasi si Max. Gusto niya lang na may mag-aalaga kay Max kapag wala na siya.

Tumigil sa paglalakad si Iris at hinarap siya nito.

"And how about Max? Alam niya ba ang plano mo? Alam ba niya na naghahanap ka ng ibang babae para sa kanya?"

Hindi nakasagot si Olivia. Hindi pa niya nasasabi kay Max ang plano niya.

"Hindi pa pero sasabihin ko rin naman sa kanya ang lahat."

"Nababaliw ka na, Olivia," ang sagot ni Iris at muling naglakad.

Sumunod naman siya sa kaibigan.

"Hindi ako nakatulog ng mahimbing kagabi. Ang dami ng iniisip ko. Hindi mo ako masisisi, Iris. Ginagawa ko lang naman ito para kay Max. Natakot ako sa sinabi mo. I don't want Max to be a mess when I die. Kaya gumawa ako ng listahan ng mga babaeng gusto kong maging kapalit ko."

Muling napatigil si Iris.

"Listahan? Anong listahan?"

Mabilis na dinukot ni Olivia mula sa bulsa ang listahang ginawa niya kagabi. Listahan iyon ng mga babaeng sa palagay niya ay bagay para kay Max. Ibinigay niya iyon kay Iris.

Umiiling si Iris habang binabasa ang pangalan ng mga babaeng nasa listahan.

"Marisa? The president of the drama club? Jane Anne? Iyong maarte nating classmate? Are you serious?"

Sasagot na sana siya ngunit naunahan siya ni Iris.

"Is this a joke, Olivia? Isali mo na rin kaya si Summer sa listahan mo."

Alam niyang hindi magugustuhan ni Iris ang mga babaeng nasa listahan niya. Hindi naman kasi tapos iyon. At isa pa, hindi ganoon karami ang mga babaeng kilala niya sa school.

"Kaya nga mas gusto kong ikaw na lang ang pumalit sa akin. I know you care about me kaya alam kong aalagaan mo si Max. Ayokong mapunta siya sa kung sino-sinong babae."

"Alam mo naman ang solusyon sa problema mo, Olivia. Stop denying it."

Nagsalubong ang mga kilay ni Olivia. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Iris.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon