4. Knight in Shining Armor

4.8K 239 10
                                    

Hi, lovely reader! Sorry sa late update. Heto na ang latest chapter. Salamat sa paghihintay! 


"Ano ba kasing nangyari sa'yo?"

Napatingin lang si Olivia kay Iris. Naglalakad sila sa tahimik na hallway patungo sa school clinic.

"Nadapa ka ba? At 'yang kamay mo, ba't naka-benda?" Sunod-sunod na tanong nito nang hindi siya sumagot.

"It's a long story," mahina niyang sagot. Hindi niya alam kung saan magsisimula.

"Kahit gaano pa 'yan kahaba makikinig ako," sabi ni Iris.

Isang pilit na ngiti ang isinagot niya. Ayaw niyang ikuwento dito ang nangyari sa kamay niya dahil nasisiguro niyang marami itong itatanong kapag nalaman nito ang totoo.

"Nadapa ako sa pagmamadali ko kanina," ang tangi niyang sagot.

"Ba't ka kasi nagmamadali? Ayan tuloy at nasugatan 'yang mga tuhod mo," ang sabi ni Iris at napatingin sa dumudugong tuhod ni Olivia. "Ang sakit siguro 'nyan ano? Ang dami ng dugo, o."

Hindi kaagad nakasagot si Olivia. Naalala niya ang sinabi ng aunt Kelly niya. Dapat walang ibang makakaalam na hindi siya nakakaramdam ng sakit.

"Ang sakit nga, eh," pagsisinungaling niya.

"Kung sa akin nangyari 'yan, sigurado akong hindi ako makakapaglakad ng maayos. Ang sakit-sakit kaya—"

Biglang napatigil sa pagsasalita si Iris. Napako ang tingin nito sa unahan. Mabilis namang sinundan ni Olvia ang mga mata nito. Bigla siyang kinabahan nang makita kung sino ang papalapit.

Si Max. Nakangiti ito habang naglalakad papalapit sa kanila. Nakatingin ito sa kanya.

"Hey, Pixie," ang sabi ni Max nang makalapit ito sa kanila.

Gustong sabihin ni Olivia dito na hindi 'Pixie' ang pangalan niya pero nanatili siyang tahimik. Alam niyang sinadya ni Max ang ginawa nito sa kanya kanina.

Inakala niyang titigil ito sa nang makalapit sa kanila ngunit nagpatuloy ito sa paglalakad. Napapikit si Olivia. Nakahinga siya ng malalim nang nilampasan sila nito.

"Oh my god! Pinansin ka ni Max!" kinikilig na sabi ni Iris.

Hindi sumagot si Olivia. Kung alam lang nito ang ginawa ni Max sa kanya ay tiyak niyang mabibigla ito.

"Wait!"

Sabay na napatigil ang dalawa nang muling marinig ang boses ni Max. Napangiti si Iris habang muling kinabahan si Olivia. Nag-aalala siya kung ano na naman ang sasabihin nito.

"Wala bang pasok? Bakit nasa labas kayo?" tanong nito sa kanila. Ngumiti ito nang humarap ang dalawa.

"Um... Kasi..." hindi makapagsalita si Iris habang kinikilig na nakatingin kay Max.

Napailing si Olivia habang nakatingin kay Iris. Hindi siya makapaniwala sa ikinikilos nito.

"Pupunta kami sa clinic," ang sagot niya at itinuro ang mga tuhod niya.

Sinundan naman ni Max ang nakaturong daliri ni Olivia. Nagulat pa ito nang makita ang dumudugong tuhod ng dalaga.

"Nadapa ka ba? You should be careful," ang sabi nito na nakangiti pa rin. Pagkatapos ay kinindatan si Olivia.

Napailing ang dalaga. Kung makapagsalita ito ay parang wala itong alam sa nangyari sa kanya. He's clearly the devil in disguise.

Ngumiti ito pagkalatapos ay nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa classroom nila. Kahit naiinis ay pinigilan ni Olivia ang sarili. Hindi siya magpapa-apekto kay Max kaya't pinili niyang ngumiti.

"Siguro may crush sa'yo si Max," kinikilig na sabi ni Iris habang patuloy silang naglalakad patungo sa clinic.

Gusto namang matawa ni Olivia. Imposibleng crush siya ni Max. Pagkatapos ng ginawa nitong pagharang sa kanya kanina? Imposible talaga.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon