21: Palace of Sin

4K 230 30
                                    

Hi, lovely reader. Heto na ang bagong chapter. Sana ay magustuhan mo. :)

"Takpan mo nga 'yang bunganga mo. Baka pasukan pa 'yan ng langaw," pagbibiro ni Olivia sa kaibigang kanina pa humihikab.

"Inaantok kasi ako," sagot ni Iris at muling humikab. Pinaglalaruan nito ang inorder na pagkain. Gusto nga nitong mag-cutting class para matulog pero pinigilan ito ni Olivia.

"Tigilan mo na kasi iyang kapapanood mo ng Kdrama kapag may klase. You can do that in the weekend," sagot ni Olivia at isinubo ang isang piraso ng potato salad.

"Boring nga kasi sa bahay, di ba? At isa pa, I just wanted to watch one episode," sabi ni Iris na humihikab na naman.

"You know that's a trap, right? Ang one episode nagiging tatlo."

"Alam ko na 'yan kaya huwag mo na akong pagsabihan," sagot ni Iris at lumikot ang mga mata. Pinagmasdan nito ang loob ng canteen. Naghanap ng pamilyar na mga mukha. Tumigil ang mga mata ni Iris sa direksyon ni Max at ng mga kaibigan nito. "How are things between you and that guy over there?"

"Sino?" Tanong ni Olivia at sinundan ang mga mata ni Iris. Bumilis ang takbo ng puso niya nang makita si Max.

"Sino pa ba kundi si Max?" Ganting tanong ni Iris at inginuso ang direksyon ni Max.

Biglang napatingin si Max sa kanila na para bang narinig nito ang sinabi ni Iris. Ngumiti ang binata at kumaway sa direksyon nila.

Olivia chuckled and waved back. Pakiramdam niya ay pulang-pula ang kanyang mga pisngi.

May ibinulong si Roman kay Max. Napakamot ng ulo ang huli. Pagkatapos ay pinagtawanan ito nina Roman, Dexter at Borris.

Habang si Iris naman ay nagpalipat-lipat ang tingin mula kay Olivia at Max.

"Uy! May sarili kayong lengwahe, ah!" Panunukso ni Iris.

Saka pa muling bumaling si Olivia sa kaibigan.

"Stop it, Iris," sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.

"Ano? Papasa na ba siya ngayong taon? Senior na ba siya next year?"

Nagkibit-balikat si Olivia. Naririnig niya ang pagtawa ni Max at parang kinikiliti siya.

"Kapag junior year pa rin 'yang si Max next year ay talagang magtataka na ako kung anong ginagawa ninyo sa mga tutorials ninyo," sabi ni Iris at inaabangan ang magiging reaksyon ng kaharap.

Inirapan ni Olivia ang kaibigan. "Wala kaming ibang ginagawa. At isa pa, it's up to Max kung babagsak ba siya o hindi. Basta ako, ginagawa ko na ang lahat para tulungan siya."

"Lahat?" Malisyosang tanong ni Iris.

Nag-angat ng tingin si Olivia at nakita ang nakangiting mukha ng kaibigan.

"Bigla yatang nawala ang antok mo," Inis na tanong ni Olivia.

"Oo nga, ano? Kailangan ko lang palang kumustahin kayo ni Max para mawala ang antok ko."

Olivia rolled her eyes. Pagkatapos ay napailing siya.

"And on that corner, look who's been giving you death stares," natatawang sabi ni Iris at inginuso pa ang direksyon ng sinasabi.

Olivia followed Iris's pout at nakita si Summer na nakatingin sa kanilang direksyon. Kasama nito ang dalawang kaibigan/alalay. They were talking with raised eyebrows while sipping their frappuccinos. Halatang siya ang pinag-uusapan ng mga ito dahil sa kanya ito nakatingin.

"Hindi pa rin ba sila nagkakabalikan ni Brett?" Tanong ni Iris.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Wala rin akong pakialam."

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon