Hi, lovely reader! I'm so sorry for the late update. This is raw and unedited. Katatapos ko lang isulat ito. Forgive me for the errors.
"Hindi ko rin naman alam na iyon ang ibig niyang sabihin," malakas na sabi ni Iris habang pinipigilan ang sarili na tumawa. Nakatingin ito sa matandang server na nasa harapan nila ni Olivia. Nakatingin ito sa kanila na tila ba mga alien sila na naliligaw sa canteen nila.
Si Olivia naman ay hindi mapigilan ang sarili. Humahagikhik ito sa tabi ni Iris. Nagbiro kasi ang huli tungkol sa panahon na pinagalitan ito ni Miss Diestro. Nang mapansin ni Olivia na nakatitig sa kanya ang server ay napatigil siya. Kinalma niya ang sarili. Nakakatakot kasi ang mukha ng kaharap niya. Akala siguro nito na ito ang pinagtatawanan nila.
"Isang serve po nitong sinigang at isang kanin," ang sabi ni Olivia at napatingin kay Iris na tumatawa na ngayon.
"Hmm. Sarap niyan," ang sabi ni Iris. Tumatawa pa rin. "Iyong carbonara lang po ang sa akin."
Nang sabihin ni Iris ang carbonara ay bigla niyang naaalala si Max. It has been like that these past few days. May maliliit na mga bagay na nakakapagpaalala sa kanya kay Max.
She shook her head. Pilit na inaalis sa isipan ang alaala niya sa binata.
Matapos makapag-order ay naghanap ang dalawa ng mauupuan. At nang makahanap ay inilapag nila sa ibabaw ng mesa ang mga dalang pagkain. Uupo na sana sila nang may mapansin nilang nagkagulo ang mga studyante sa loob ng canteen.
Napatingin si Olivia sa mga studyanteng nasa kabilang table. Tumatawa ang mga ito. Pati na rin ang nasa unahang mesa. Nakatawa rin ang mga ito habang napatingin sa may pintuan.
"Ano bang nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Olivia kay Iris.
"Over there," ang tanging sabi ni Iris at inginuso ang pintuan.
Mabilis na lumingon sa may pintuan si Olivia at biglang lumukso ang puso niya sa kanyang nakita.
It was Max. May hawak itong megaphone. Sa likuran nito ay nakasunod ang mga kaibigan nito. May hawak na gitara ang isa sa mga ito.
"Oh my god!" Napapalakpak na sabi ni Iris.
Nalilito namang napatingin si Olivia sa kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit pumapalakpak ito. Muli siyang napatingin kay Max. Kung hindi siya nagkakamali ay papalapit ito sa kanila. May sinasabi ito sa megaphone na hindi niya maintindihan.
"Ano bang sinasabi niya?" That was meant to be for herself ngunit napalakas ang pagtatanong niya.
"Hindi mo ba naririnig? He's singing!" Natutuwang sabi ni Iris.
Muli siyang napatingin kay Max. Saka pa lang niya narinig na kumakanta nga ito. And he's very out of tune.
"Ano bang kinakanta niya?" Tanong ni Iris.
Narinig ni Olivia ang pangalan niya habang kumakanta si Max. At kung pagbabasehan ang tugtog ng gitara ay alam niya kung ano ang kinakanta nito. She knows all the songs that has her name in it. Max is singing Olivia by One Direction.
Nanatili siyang nakatingin sa binata na papalapit pa rin sa kanila. Napapailing si Olivia habang naririnig na pinapatay ni Max ang kanta. Wala talaga ito sa tono.
She just stood there waiting for him to reach their table. Nagkakagulo pa rin ang mga studyanteng naroroon. Tumatawa ang iba. Ang iba naman ay may hawak na cellphone at nakatutok kay Max.
"Kinikilig ako para sa'yo, Olivia," parang hihimataying sabi ni Iris. Kinikilig nga ito habang nakatingin kay Max.
Hindi kumibo si Olivia. She took deep breaths. Hinahanda niya ang sarili sa paglapit ni Max. Magkahalong kaba at inip ang nararamdaman niya. Iniisip niya kung bakit ang tagal bago makarating ni Max sa upuan nila.
BINABASA MO ANG
Love, Pixie (COMPLETE)
Fiksi RemajaOlivia has a secret. A secret she has been keeping for years. Ang sabi ng mga doctor, she's one in a hundred million. She cannot feel pain. Kahit i-torture pa siya ay wala siyang mararamdaman. Olivia is determined to do everything she can to keep h...