28: Sixteen

3.8K 189 31
                                    

Again, this is raw and unedited. Pardon the errors. 


"Olivia, please stay. I want to talk to you."

Napatigil si Olivia sa pagliligpit sa kanyang gamit. Mabilis siyang napalingon kay Miss Diestro. May binabasa itong mga papel. Nagtataka siya kung bakit gusto siyang kausapin nito.

"Psst. Anong ginawa mo?" Ang tanong ni Iris sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. Hindi niya rin alam.

"Paano na ang lakad natin?"

"Hintayin mo na lang ako," ang sabi ni Olivia sabay tayo. Lumapit na siya kay Miss Diestro.

"Iris, you can go," ang sabi ni Miss Diestro nang makitang nasa kanyang upuan pa rin si Iris.

Silang tatlo na lang ang naiwan sa classroom. Kalalabas lang ng mga kaklase nila.

"May pupuntahan kasi kami after school, Miss Diestro," ang sagot ni Olivia. Magpapasama kasi si Iris sa mall para maghanap ng maisusuot sa nalalapit nitong kaarawan.

"It's a private matter."

"Olivia and I are friends," sagot naman ni Iris, nakapako ang mga mata nito sa hawak na cellphone.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Miss Diestro mula sa kanya at kay Iris. Iniisip pa rin ni Olivia kung anong sadya nito sa kanya.

"Tungkol po ba ito sa grades ko? Am I failing?" Nag-aalala niyang tanong. Higit isang linggo rin kasi siyang hindi nakapasok simula nang ma-ospital siya.

"No, you're grades are okay. This is about Max."

Kinabahan si Olivia. Napatigil naman sa kanyang ginagawa si Iris. Kanina ay wala itong pakialam. Ngayon ay naging interesado na ito.

"Hindi ko po alam kung nasaan si Max," ang sagot niya. Ilang beses na kasi siyang tinatanong nito kung nasaan si Max.

"I'm concerned about Max. Ilang araw na siyang absent. He has missed a lot of quizes."

Hindi sumagot si Olivia. Hindi na kasi pumapasok sa skwela si Max simula noong iniwasan niya ito.

"Maybe you should call him, Miss Diestro," ang sagot ni Olivia.

"Hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko. Kaya wala na akong ibang option kundi humingi ng tulong sa'yo."

"Po?" Gulat na tanong ni Olivia. Iniiwasan nga niya si Max. Ngayon ay magpapatulong pa si Miss Diestro. "H-hiwalay na po kami ni Max. Hindi ko alam kung paano ko kayo matutulungan."

"Maybe that's the reason why he's not coming to school. Ayusin n'yo nga ang problema ninyong dalawa."

Nagtaka si Olivia sa sinabi nito. Dati ay sinabi ni Miss Diestro na hindi ito sang-ayon sa relasyon nila ni Max. Ngayon naman ay gusto nito na magkabalikan sila?

"Miss Diestro, tama po ang sinabi n'yo sa akin dati. Bata pa po kami ni Max. Kaya hindi na po talaga kami magkakabalikan." Sabihin niya na lang kaya na hindi naman totoo ang relasyon nila ni Max?

"Don't mind what I said before. I noticed that Max became interested with his studies because of you. Kung kailangan n'yong magkabalikan para lang bumalik si Max sa school, please, gawin n'yo na. I just want Max to finish this school year."

"Um..." hindi alam ni Olivia ang sasabihin. Napatingin siya kay Iris. Blangko naman ang hitsura nito.

"Olivia, you know what's my biggest regret in life is?"

Umiling si Olivia. Hindi niya alam kung anong koneksyon ng sinasabi nito kay Max.

"I regret that my high school life was dull and boring. Wala akong ginawa kundi mag-aral. I didn't even have lots of friends," umpisa ni Miss Diestro sa kanyang kuwento. "Hindi ko naman sinasabi na pag-bo-boyfriend na lang ang atupagin ninyo. But high school should be fun. After high shool, you'll be in college which is harder than high school. Then after college, you have to find a job. Then you realized, you're too old and too busy to have fun. Have fun while you're young. Minsan lang kayo magiging sixteen. Have fun, fall in love. Make your high school memorable!"

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon