12: Catfight

4.2K 207 16
                                    

Hello! How are you? Hope you're having a good weekend. Here's the next chapter. :)


"Huwag mong kalimutang magpasalamat kay Max sa carbonara ibinigay niya, okay?"

Olivia rolled her eyes. Ang akala niya ay makakalimutan na ng tiyahin niya ang carbonara ni Max. Inaamin niyang masarap nga ang carbonara pero alam niyang nagkukunwari lang ito na mabait. 

"Olivia? Narinig mo ba ako?" Muling tanong ng tiyahin habang nagmamaneho.

"Opo," mabilis niyang sagot. Iniisip niya na siguro ay dapat na niyang sabihin ang totoo sa aunt Kelly niya. Na iba ang ipinakikita ni Max kapag kasama niya ang tiyahin at iba naman kung nasa school siya.

"Nandito na tayo," maya-maya ay sabi ng tiyahin niya at inihinto ang menamanehong sasakyan sa harap ng school niya. "Don't forget to tell Max."

"Opo," naiinis niyang sagot.

Bubuksan na sana ng dalaga ang pinto nang kusa itong bumukas. Bigla siyang napatingin sa labas at nakita si Max. He just opened the door for her. What??

"Actually, you can tell him yourself," ang sabi niya sa tiyahi nang makita ang nakangiting binata.

"What?" Nalilitong tanong nito sa kanya.

Bago pa nakasagot si Olivia ay sumilip na si Max at binati ang tiyahin.

"Hi, Tita Kelly!" Nakangiting sabi nito.

Wala namang nagawa si Olivia kundi manatili sa upuan niya.

"Salamat nga pala sa carbonara. Ang sarap talaga. Olivia and I enjoyed it," ang sabi ng aunt Kelly niya at napatingin sa kanya. "Hindi ba, Olivia?"

"Yes, aunt Kelly. It was so delicious. Thank you, Max," ang sabi ni Olivia at pinandilatan si Max.

"My pleasure," nakangiting sagot ng binata.

"Pasok na po ako, aunt Kelly. Ingat po sa pag-drive," ang sabi ni Olivia at itinulak si Max para makalabas siya mula sa sasakyan.

"Have fun."

She closed the door and waved goodbye. Pagkatapos ay hinarap ang nakangiti pa ring si Max.

"Kailangan mo talagang gawin 'yon?" Naiinis niyang sabi at naglakad papasok sa gate. Sumunod naman sa kanya ang binata.

"I just saw you getting out kaya't pinagbuksan na kita," nakangiti pa ring sabi nito.

Lalong nairita si Olivia sa narinig. Hindi pa rin siya makapaniwala sa ginagawa ni Max. She still thinks that he's up to something.

"Kung puwede tigilan mo na ang acting mo."

"Acting?"

"Alam kong nagkukunwari ka lang na mabait sa harap ng tiyahin ko. Kaya stop acting," ang sabi ni Olivia.

Tumawa lang si Max habang naglalakad sa tabi niya. Napailing naman si Olivia. Gusto niya talagang malaman ang iniisip ng binata.

Tumunog ang cellphone ni Olivia kaya't mabilis niyang itong inilabas mula sa bulsa ng suot na uniform. Iniisip niya na baka may nakalimutan ang aunt Kelly niya ngunit laking gulat niya nang makita na naka-display sa screen ang pangalan ni Brett. Akala niya ay tuluyan na siyang mamalasin pero hindi pala.

"Morning, beautiful!"

Napangiti siya. Pakiramdam niya ay nakalutang siya. Hindi niya tuloy napansin na nakikibasa pala si Max sa tabi niya.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon