16: Wanted: Slut

4.1K 205 15
                                    

Hi, lovely reader. Here's the latest chapter. Salamat sa paghihintay. :)


Sinalubong ng nakakabinging katahimikan si Max pagpasok niya sa kanilang napakalaking bahay. Kakauwi niya lang mula sa kanilang retreat. 

He hoped na sana ay madatnan siya pag-uwi niya but that rarely happens. Sanay na siyang umuwi sa kanilang bahay na walang dinadatnan.

Pinagmasdan niya ang kabuuan ng napakalaking living area ng bahay nila habang papaakyat siya patungo sa kanyang kwarto. Everything is spotless. Mula sa nangingintab na tiled floor, mga tila kabibili lang na mga muebles at engrandeng chandelier na nakabitin sa eleganteng ceiling mural.

Their house was designed by his mom. Every furniture and decor was chosen by his mom. Nakakalungkot lang isipin na ang isang napakagandang bahay ay hindi rin pala magdudulot ng kasiyahan sa isang pamilya.

His mom runs their jewelry business in Dubai at umuuwi lang tuwing Christmas. Ang daddy niya naman ay parati ring nasa labas ng bansa doing other business at minsan sa isang buwan lang umuuwi. . At ang nakatatanda niyang kapatid na si Axle at tagapagmana ng mga negosyo nila ay nag-aaral naman sa Harvard Business School.

He thinks his parents are on the brink of separation but nobody tells him about it. He's just expecting that one day ay sasabihin ng mga magulang niya ang totoo. Until that time, mag-isa muna siya sa napakalaking bahay nila.

Max let out a sight. Sanay na siya sa tahimik na bahay. Sanay na siyang mag-isa.

Habang papaakyat ng hagdan ay may narinig siyang kaluskos na nagmumula sa kitchen. Kumunot ang kanyang noo. He's certain that he's alone. Pinauwi niya kasi ang lahat ng katulong bago siya umalis para sa retreat.

He dropped his backpack on the grand staircase and went downstairs. Habang naglalakad ay iniisip niya kung sino ang nasa kusina.

Maybe it's an intruder? Isang magnanakaw?

Nang marating ang kusina ay napatigil sa kanyang kinatatayuan si Max. Pagkatapos ay unti-unti siyang napangiti sa nakita.

"Dad?" Mahina niyang sabi habang nakatinigin sa ama nakatayo sa harap ng espresso machine. Iniisip kung nanaginip ba siya.

"God damn it!" Malakas na sigaw ng ama niya at napakamot sa ulo habang binubutinting ang espresso machine.

"Dad?" Malakas na sabi ni Max. 

Hindi siya nanaginip. There's excitement in his steps as he walked towards his dad. 

Mabilis na lumingon ang kanyang ama at napangiti nang makita siya.

"Maximillian!" Ang sigaw ni William nang makita ang anak. With his arms wide ay niyakap nito ang anak. "Where have you been?"

"Retreat," ang sagot ni Max.

"Ah! Kaya pala wala ka rito pagdating ko kanina," ang sabi ni William. Muli itong humarap sa espresso machine. "I just wanted to have coffee but this thing is giving me a hard time."

Lumapit si Max sa espresso machine at nagsimulang maghanda ng isang mug ng espresso.

"This is not for regular coffee dad. This is for espresso," ang sabi niya.

"Is that machine new? You know I don't have a clue about kitchen gadgets. Anong nangyari sa coffee maker natin?"

"Nasa storage 'yong dati nating coffee maker, dad. Hindi ko na ginagamit," sagot niya. "Ganito kasi ang ginagamit sa cafe. I love espresso kaya bumili na rin ako ng isa para dito sa bahay."

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon