7: Invincible

3.9K 179 6
                                    

Here's the new chapter. I hope you like it! 


"I have to go," ang sabi ni Olivia. Kumakain sila ng lunch ni Iris nang marinig ang pag-alarm ng kanyang wristwatch.

"Sandali. Matagal ko na talagang gustong itanong 'to," pigil ni Iris sa kanya. "Napapansin ko umaalis ka kapag nag-a-alarm 'yang wristwatch mo. Inorasan mo ba ang pagpunta mo sa banyo?"

Pilit na ngumiti si Olivia. She knows that Iris will eventually ask her about it pero hindi siya naging handa. Ilang beses na nga ba niyang naisip na gumawa ng rason pero palagi niyang nakakalimutan.

"Um..oo. May pag ka OC kasi ako," pagsisinungaling niya.

"Ows? 'Di nga? OC? As in obsessive-compulsive behavior?" Hindi makapaniwalang tanong ni Iris.

"Oo. Huwag ka nang maraming tanong," itinawa na lamang ni Olivia ang kanyang sagot para hindi na siya kulitin ni Iris. Tumayo na siya mula sa upuan. Baka ano pang maisip na itanong nito sa kanya. "Babalik din ako."

Habang naglalakad patungo sa comfort room ay iniisip ni Olivia kung paano niya ipapaliwanag kay Iris ang totoo. Paano niya sasabihin kay Iris na inoorasan niya ang sarili na pumunta ng banyo dahil kung hindi ay baka maihi siya sa kanyang salawal?

She considers Iris her friend. Kung iisipin si Iris lang ang tangi niyang kaibigan sa school. Pero hindi pa rin siya handang sabihin dito ang totoo. At isa pa, mahigpit na bilin ng aunt Kelly niya na dapat ay walang ibang makakaalam sa sekreto niya.

She took a breath. Nakaramdam siya ng lungkot habang naglalakad. Kailangan niya lang magtiis. Matatapos din ang lahat sa loob ng isang taon.

Malapit na siya sa banyo nang mapansin niya ang mga studyanteng nagkakagulo. May iilan na tumatakbo mula sa likuran niya. Binilisan niya ang paglakad. Sa unahan ay nakita niya na nagsisiksikan ang mga studyante habang may pinapalibutan.

Gusto niyang makita ang tinitingnan ng mga ito ngunit sa dami ng studyante ay wala siyang makita. Wala siyang nagawa kundi makigsiksikan din hanggang sa makita niya ang pinakakaguluhan ng mg studyante.

Naitakip niya sa kanyang bibig ang kanyang kamay nang makita si Lorenzo na ginugulpi ng mga kaibigan ni Max.

"No!" Malakas niyang sigaw nang sinipa ng isa si Lorenzo. Hindi niya alam kung si Roman, Dexter o Borris ang sumipa rito. Basta ang alam niya isa sa mga kaibigan ni Max. 

Hinanap ng mga mata niya si Max ngunit hindi niya ito makita. Hinanap niya si Brett pero hindi niya rin ito makita. Hindi kaya't nagsusuntukan din ang dalawa?

Hindi siya makapaniwala na walang ginagawa ang mga studyanteng naroon. Nakatingin lamang ang mga ito habang nakahiga sa lupa at pinagsisisipa ng tatlong bully si Lorenzo.

Nag-isip si Olivia. Mabilis niyang kinuha sa bulsa ng uniform ang kanyang cellphone at nirecord ang pangyayari. Pinagtitinginan siya ng mga studyanteng katabi niya pero wala siyang pakialam. Kailangang may ebedensya siya sa panggugulpi ng mga ito.

Maya-maya ay tumigil na ang tatlo sa panggugulpi kay Lorenzo. Tumalikod ang mga ito at nag-usap. Si Lorenzo naman ay pilit bumabangon pero hinang-hina ito. Dumudugo ang bibig nito at maraming sugat sa mukha. Wala naman ni isa sa mga studyante ang nakaisip na tumulong dito.

Napansin ni Olivia na may hawak na tabla isa sa tatlong bully. Saan naman nanggaling 'yon? Bigla siyang kinabahan. Itinigil niya ang pagre-record at ibinalik sa bulsa ang kanyang cellphone.

Muling lumapit kay Lorenzo ang lalaking may hawak na tabla. Nang itinaas nito ang kamay ay mabilis na kumilos si Olivia. Tumakbo siya at niyakap ang nakahigang si Lorenzo.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon