25: Taxi

3.7K 179 18
                                    

Hi lovely readers! Here's the new chapter. Sana ay magustuhan ninyo. :)



"Alam na ba ni Max ang desisyon mo?" Tanong ni Miss Diestro habang nakatitig kay Olivia na tila ba binabasa nito ang iniisip ng dalaga.

Umiling siya. "Hindi pa po. Kaya ko po sinabi sa inyo dahil ayoko po na sa akin manggaling."

Hindi kaagad nakasagot si Miss Diestro sa sinabi niya. Napatingin ito sa ginagawang lesson plan pagkatapos ay muling tumingin kay Olivia. "I don't want to come in between you two. Alam kong nag-aaway kayo kaya't ayokong masali sa inyo. Try to fix your problems."

"Hindi mo kami nag-away, Miss Diestro. Naghiwalay na po kami," sagot niya. Ayaw niyang madamay ang guro sa nangyayari sa kanila ni Max pero mas ayaw niyang makausap si Max. Natatakot siya na baka anong gawin ni Max kapag sinabi niyang ayaw na niyang maging tutor nito.

"Naghiwalay na pala kayo, eh, mas dapat na ikaw ang magsabi sa kanya."

Sabihin niya na lang kaya ang totoo? Na hindi naman talaga naging sila ni Max. Na nagkunwari lang sila para layuan siya ni Brett.

"Hindi po kasi naging maganda ang paghihiwalay namin," ang sabi ng dalaga. Pinili niyang huwag nang sabihin dito ang totoo. Magiging kumplikado lang ang lahat.

"Kung ganoon, eh, mas ayaw kong makialam sa inyo. You're a brave girl, Olivia. Just tell him the truth."

"Please po, Miss Diestro. Nakikiusap po ako. Ayoko pong makausap si Max. Natatakot po kasi ako," pagmamakaawa niya.

Napabuntonghininga si Miss Diestro pagkatapos ay umiling ito. "Mga kabataan talaga ngayon. You're so quick to give away your feelings to others. I don't want to say this kasi ayokong makialam sa mga personal ninyong buhay. Pero isinali mo na ako sa gulo ninyo kaya't sasabihin ko na ang nasa isipan ko." Muling bumuntonghininga si Miss Diestro na tila ba naghahanda sa sermon nasasabihin kay Olivia. "Ang babata n'yo pa. The reason I assigned you to be Max's tutor is to help him pass this school year. Hindi para magligawan. Hindi para magkagustuhan."

"Hindi naman po—"

"Ngayong naghiwalay na kayo, tiyak kong ibabagsak na naman ni Max ang mga subjects niya."

Ipagtatanggol sana ni Olivia ang sarili ngunit napatigil siya nang marinig ang huling sinabi ni Miss Diestro. Napaisip siya. Bigla siyang kinabahan. Tama kaya si Miss Diestro?

"Hindi niya naman po siguro gagawin iyon, Miss Diestro."

"I've seen that boy misbehave. Alam ko na magrerebelde na naman iyon."

Hindi siya sumagot. Naisip niya na hindi niya naman hawak ang isipan ni Max. Gusto niya itong tulungang makapagtapos ng pag-aaral pero bilang isang kaibigan lang. And Max doesn't want to be just friends with her kaya't wala na siyang choice. At ngayong narinig niya ang sinabi ni Miss Diestro ay mas ayaw niyang maging girlfriend ni Max. Immature nga talaga ito.

"Hindi ko naman po responsibilidad ang pag-aaral ni Max, Miss Diestro. I'm not his parent, I'm not his babysitter. It's his choice kung babagsak siya this year. He needs to learn that he needs to be responsible for his actions."

Napatitig lang si Miss Diestro sa kanya. Pagkatapos ay ngumiti ito. "Alright. Fine. I'll tell Max about it."

Saka pa lang nakahinga ng maayos si Olivia. Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib. "Maraming salamat po, Miss Diestro."


***


"You cried in front of her?"

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon