34: Under The Rain

3.6K 213 29
                                    

Thank you so much sa lahat ng nag-comment at nag-dm sa akin. I was really touched. Thank you so much for your support. :)


"She's so bossy. I've never met anyone like her." Ang sabi ni Olivia. Inilalarawan nito ang mommy ni Max kay Iris.

"Hindi ko pa nakikita in person ang mommy ni Max pero ang alam ko may pagka-istrikta daw," sagot ni Iris at tiningnan ang hawak na cellphone. Hinintay nila sa parking lot ang sundo ni nito.

"Well, she's beautiful. Magkamukha sila ni Max," sagot niya habang inaalala ang mukha ng mommy ni Max. "Pero gaya ng sinabi ko, she's really bossy. Nagpumilit pa siyang kausapin si aunt Kelly."

"Teka, teka. Ba't ba sila pumunta sa bahay ninyo?" Nalilitong tanong ni Iris.

"Gusto niya akong tulungan sa karamdaman ko. She wants me to do chemotherapy, operation and other stuff. She was really intruding. Wala naman siyang karapatan na husgahan ang naging desisyon ko at ni aunt Kelly."

"Oh my god! Hindi kaya kinausap siya ni Max? Para kumbinsihin ka na magpatuloy sa pagpapagaling sa sakit mo?"

Humugot ng malalim na hininga si Olivia. Imposible ang sinasabi ni Iris.

"I doubt that. He was so cold when I saw him. He wasn't even there when his mom and I talked. Iniwan ni Max ang mommy niya para kausapin ako," sagot niya. Naalala niya ang sinabi ng mommy ni Max. Mahal na mahal nga ba siya ni Max?

"Alam mo naman ang mga lalaki, di ba? They act cold and unaffected kapag kaharap mo pero deep inside nasasaktan din sila. Hindi sila katulad nating mga babae. They were created to be strong kaya hindi sila basta-batas nagpapakita ng kahinaan."

Hindi nakasagot si Olivia sa narinig. Ang totoo ay gusto niyang maging parte ng buhay niya si Max pero alam niyang magiging pabigat lang siya rito. She feels fine now pero paano kung magiging malala na ang karamdaman niya?

She gave Iris a fake smile.

"Since when did you become an expert with men and their emotions?"

Tumawa si Iris sa sinabi niya. "Excuse me, marunong kaya akong magbasa."

"Ah, hindi ka rin lang pala expert, nababasa mo rin pala ang mga lalaki."

Umirap si Iris na ikinatawa ni Olivia.

"Books. I read books about guys," sagot ng kaibigan niya. "At alam ko 'yang ginagawa mo, ha? You're changing the topic. Nagkapagdesisyon ka na ba kung anong gagawin mo sa offer ng mommy ni Max?"

"I'm not changing my decision. Mag-uusap sila ni aunt Kelly bukas pero hindi na magbabago ang desisyon ko."

Hindi sumagot si Iris. Sa halip ay tinitigan nito si Olivia. Ipinagtataka naman ng huli kung bakit ganoon ang tingin sa kanya ng kaibigan.

"What?" Nalilito niyang tanong.

"Ano bang kinatatakutan mo, Olivia? Bakita ayaw mong bigyan ang sarili mo ng pagkakataong mabuhay?" Taning ni Iris. She was teary eyed.

Nagulat siya sa tanong ng kaibigan. Iniisip niya kung bakit ganoon ang nasabi nito.

"Ang daya mo," patuloy ni Iris nang hindi siya makasagot. "Ngayon nga lang ako nagkaroon ng tunay na kaibigan tapos mawawala ka rin pala."

She remained silent. She's thankful that Iris is in her life. Sa ikli ng panahon ng nagkakilala sila ay mabilis silang naging magkaibigan. They became best friends in an instant.

"Hindi mo ba puwedeng baguhin ang desisyon mo? What if God has a different plan for you?"

Naririnig ni Olivia ang panginginig sa boses ng kaibigan. Naiiyak ito. At naiiyak din siya sa pinagsasabi nito kaya't pinilit niyang magbiro.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon