24: End

3.6K 172 19
                                    

Hello, lovely reader. Here's the latest chapter. Pasensiya na at medyo natagalan. 


"It's confirmed. Nagkabalikan na nga sina Summer at Brett."

Mula sa pagkakatitig sa kanyang pagkain ay nag-angat ng tingin si Olivia. There's sadness in her eyes. Nag-aalala siya. Marami siyang iniisip. Ngunit nang marinig niya ang sinabi ni Iris ay nabuhayan siya ng loob.

"Talaga?" Tanong niya sa kaibigan. Ilang araw na niya kasing iniisip kung paano sasabihin kay Max na itigil na ang pakukunwari nila. Napapansin niya rin kasi na nagkakamabutihan na naman sina Summer at Brett.

"Oo, totoo. Sinabi sa akin ni Lorenzo. Mukhang seryoso na nga rin ang dalawa, eh. Isasama raw ng pamilya ni Summer si Brett sa susunod nilang family outing."

Tuluyan ng nakahinga ng maayos si Olivia. "Mabuti naman."

Bago sumagot ay tinitigan siya ng kaibigan. Nakakunot ang noo nito na tila ba nalilito.

"May nangyari ba?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Nagkibitbalikat si Iris. "Napansin ko kasi na parang pasan mo ang mundo nitong mga nakalipas na mga araw habang si Max naman ay parang nanalo ng kalahating milyong piso."

"Wala. May iniisip lang ako," sagot niya.

"Tungkol ba sa inyo ni Max?"

Umiling siya.

"Hindi." Ayaw niyang sabihin ang totoo kay Iris. Nahihiya siya sa kaibigan. Nahihiya siyang sabihin dito na natatakot na siya sa pagkukunwari nila ni Max. Saka na niya sasabihin ang lahat kung maaayos na niya ang sitwasyon nila ng binata.

"Ngayong nagkabalikan na sina Summer at Brett, ano na ang plano mo? Ang plano ninyo ni Max?"

"Ano pa ba, eh di, ititigil na namin ang pagkukunwari," sagot niya. Iniisip niya kung nasaan na ba si Max. Kailangan na niya itong makausap.

"Mabuti naman kung ganoon. Naiilang na kasi ako sa inyong dalawa. I hate being the third wheel. Tapos nakaka-inggit pa kayo. Idagdag pa ang super realistic na acting ni Max. Hindi ko alam na ang galing palang umarte ng lalaking 'yon."

Isang pilit na ngiti ang isinagot ni Olivia. Siya man ay naiilang sa mga ikinikilos ni Max. Tuwing magkakasama silang dalawa ay tila ba sanay na sanay na si Max. The way he holds her hands, drape his arm around her or stare at her. It's like they've been a couple for a few months and not weeks.

"Hindi mo ba mami-miss si Max kapag 'naghiwalay' na kayo?" Nag-umpisa na naman si Iris.

"Papaano ko ba mami-miss 'yon, eh, magkaklase nga tayo, di ba?"

"At saka may tutorials pa kayo," dagdag ni Iris at napatawa. "Nasaan na ba 'yong pretend boyfriend mo?"

Sasagot na sana si Olivia nang mapako ang tingin niya sa paparating na si Max. Kasabay nito ang mga kaibigan.

Her heart immediately stopped. And then it started beating like crazy. Simula nang marinig niya ang sinabi ni Max sa kanya noong isang araw ay lalong tumitindi ang nararamdaman niya sa binata.

"Hey, babe!" Ang sabi ni Max nang makalapit ito sa kanya. Pagkatapos ay hinalikan siya nito sa noo.

And just like that ay pinagtinginan na sila ng mga studyanteng kumakain sa canteen. Si Iris man ay nakatingin sa kanila. Nakangiti ito na tila ba kinikilig.

"I'm just gonna hang out with the boys if that's okay with you."

Lalong kinilig si Iris sa narinig. Parang hihimatayin ito.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon