15: Mad Max

4.2K 217 22
                                    

Hi lovely reader! Heto na ang bagong chapter. I hope you will like it. :)



"No! No!"

Nagising si Olivia at napaupo sa kama. Her eyes are wide open, her breathing ragged.  Nananaginip na naman siya. Napasigaw ba siya?

Tumingin siya sa kama ni Iris. Himbing na himbing pa rin ito. Mabuti na lang at hindi ito nagising. 

She had that bad dream again. Napanaginipan niya na naman na unti-unting nalulunod ang katawan niya sa gitna ng kama. Sa panaginip niya ay hindi siya makagalaw. Sumisigaw siya ngunit walang nakakarinig sa kanya. Mabuti na lang at bigla siyang nagising.

Napatingin siya sa kanyang wristwatch. Twenty minutes after five in the morning. Pero bakit parang sumisikat na ang araw?

Muli niyang tiningnan ang kanyang wristwatch. Tama naman ang oras. Napagpasyihan niyang lumabas at pumunta ng banyo.

Tatayo na sana siya mula sa kama nang may napansin siya. She can't feel her right leg.

"Hindi! Hindi!" Natataranta niyang sabi.

Using her right arm, she reached out to touch her right leg. Lalo siyang kinabahan. She can't feel her right arm!

Napailing siya. This can't be happening again. It's pins and needles again but without feeling the pain. 

Namamanhid ang kanyang kanang hita, binti at paa pati na rin ang kanang kamay, braso at balikat. Pakiramdam niya ay nawawala ang kanang bahagi ng katawan niya.

Hindi niya alam ang gagawin. Nakalimutan niyang i-set ang alarm ng kanyang wristwatch kagabi.

"Aunt Kelly," naiiyak niyang sabi. 

Napagod kasi siya kahapon kaya't nakalimutan niyang mag-set ng alarm. Pakiramdam niya tuloy ay ang tanga-tanga niya. Sa lahat ba naman ng puwedeng kalimutan bakit ang alarm pa?

Natatakot siya kung ano ang mangyayari sa kanya ngayon. Naisip niyang gisingin si Iris.

Umiling siya. Hindi maiintindihan ni Iris ang nangyayari sa kanya.

Maybe she should go to Miss Diestro and ask for her phone para matawagan niya ang kanyang tiyahin.

Muli siyang umiling. Alam niyang hindi siya makakalakad sa kalagayan niya ngayon.

A tear escaped her eye. She feels so helpless and reckless. Napaka-iresponsable niya. Kahit sarili niya ay hindi niya kayang alagaan. Ilang beses ba siyang pinaalalahanan ng tiyahin niya? Her aunt even texted her yesterday pero hindi niya naalala.

Another tear fell down to her cheek. Hindi na niya napigilan ang sarili. Takot na takot siya.

She closed her eyes and took a deep breathe. Nangyari na ito dati. Dapat alam na niya kung anong gagawin.

Inalala niya ang mga sinabi ng tiyahin niya. Dapat niyang huminahon. She should relax.

She inhaled and exhaled. Taking deep breaths in every inhalation. Habang kumakalma siya ay naalala niya ang ginawa ng aunt Kelly niya sa kanya noon.

Gamit ang kanyang kaliwang kamay ay dahan-dahan niyang minasahe ang kanyang kanang kamay. Dahan-dahan paakyat sa kanyang braso.

When sleeping, a normal body automatically rolls over to the other side when it doesn't feel comfortable. Pero dahil hindi nakakaramdam ng sakit si Olivia, hindi kusang gumagalaw ang katawan niya. Hindi namo-monitor ng utak niya kung kailan niya kailangang mag-iba ng posisyon habang natutulog.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon