27: Lies

3.7K 191 15
                                    

Raw and unedited. Please forgive me for the errors. Was so excited to update. Editing to follow. 



"Maybe you should go home," mahinang sabi ni Kelly sa katabi nitong si Max. Nasa labas sila ng operating room at naghihintay.

Tahimik na nakaupo ang binata. Kanina pa ito nakatitig ito sa iisang direksyon. Nakatitig lamang ito bakanteng upuan na nasa harap nito. His arms were on his thighs. Maya-maya pa ay sinusuklay ng kanang kamay nito ang magulong buhok. Pagkatapos ay napatingin na naman ito sa bakanteng upuan.

"Max?" Nilakasan ni Kelly ang boses. Saka pa lamang siya narinig ng binata.

"Tita?" Tila nagulat ito nang sumagot.

"Umuwi ka na, Max," sabi ni Kelly habang pinagmamasdan ang binata.

Umiling si Max at umayos sa pagkakaupo. "Hihintayin ko po si Olivia."

"It's okay. Ako na ang bahala kay Olivia. Go home and take a rest. May pasok ka pa bukas, di ba?"

"Okay lang po ako, tita Kelly. Gusto ko pong malaman kung ano na ang nangyari kay Olivia. Hihintayin ko po siya."

"Go home and clean up. You've got blood all over you."

Sa narinig ay saka pa lang tiningnan ni Max ang sarili. He's got dried blood on his hands, pants and shirt. Mas marami sa t-shirt niya dahil binuhat niya ang dahil binuhat niya at kinandong niya si Olivia sa loob ng sasakyan. It was Kelly who drove them to the hospital.

"You've got some on your face, too," patuloy na sabi ni Kelly.

"Pero—"

"Olivia is a tough girl, Max. Alam kong magiging okay lang siya. Ako na ang maghihintay sa resulta ng operasyon. Umuwi ka na. Maligo ka at magpahinga."

Hindi sumagot si Max. Ngayon ay nakatitig ito sa pintuan ng operating room. Tila pinapanalangin na sana ay bumukas na ito.

"Nagpapasalamat ako sa ginawa mo. Mabuti na lang at nandoon ka nag masaksak si Olivia. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko."

Napatingin si Max kay Kelly. Hindi kasi sinabi ng binata ang katotohanan na iniligtas siya ni Olivia. Brett wanted to hurt him but Olivia stood in between them. Siya sana ang nasaksak at nasa hospital ngayon kung hindi siya iniligtas ni Olivia. Hindi niya mapapatawad ang sarili sa nangyari. Kasalanan niya kung bakit nasa operating room ngayon si Olivia. Kaya't wala siyang pakialam kung puno ng dugo ang suot niya. Hihintayin niya si Olivia.

Habang nakatingin kay tita Kelly ay naisipan niyang sabihin dito ang totoo. Malalaman din naman nito ang lahat. Mas mabuti na sa kanya manggaling ang totoo.

"Tita, kasalanan ko po kung bakit nasaksak si Olivia. Iniligtas niya po ako. Kung hindi po dahil sa akin wala po sana dito sa hospital si Olivia," mahinang sabi ni Max. "At alam ko po ang totoo tungkol kay Olivia."

Kumunot ang noo ni Kelly. Hindi nito maintindihan ang sinasabi ng binata.

"Alam ko po ang kondisyon ni Olivia. She has CIP. She has congenital insensitivity to pain."

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kelly. Muli pa sana itong magsasalita ngunit biglang bumukas ang pinto ng operating room.

Sabay na napatayo ang dalawa at mabilis na lumapit sa kakalabas na doktor.

"Kayo po ba ang ina ni Olivia?" Tanong ng doktor kay Kelly.

Tumango si Kelly. Pagkatapos ay muling. "I'm her aunt. I'm her legal guardian. Kumusta na po ang pamangkin ko?"

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon