17: Congenital Insensitivity to Pain

4K 223 13
                                    

Hello, lovely reader. Here's the latest chapter. Sana ay magustuhan mo. :)


"Kailan pa?"

Napatitig si Olivia sa tiyahin. Nag-aalala ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.

"Bago po ako umalis para sa retreat," ang sabi niya sabay yuko. Hindi niya kayang tingnan na nasasaktan ang kanyang tiyahin.

"Olivia? How irresponsible of you not to tell me. Paano kung mas grabe pa ang nangyari sa'yo? Paano kung—"

"Okay na po ako ngayon, tita Kelly," sagot niya at nag-angat ng tingin. Nasalubong niya ang maluha-luhang mga mata ng tiyahin.

"Sana ay hindi na lang kita pinayagan na pumunta sa retreat. Paano kung ang buong katawan mo ang naapektuhan? Sinong tutulong sa'yo? Paano kung hindi ka nakapagsalita? Paano nila malalaman kung anong nararamdaman mo?"

"Wala naman pong ibang nangyari, aunt Kelly. I'm okay now," she reasoned with her aunt.

"Kasalanan ko ito. Sana ay hindi ko na lang pinayagan si Max na isama ka."

Mabilis na napatingin si Olivia sa tiyahin. Tama ba ang narinig niya?

"P-po?" Nanginginig niyang tanong. Anong kinalaman ni Max sa usapan nila ng tiyahin?

"He asked me to let you go to the retreat. He promised to look after you kaya't pumayag ako."

Hindi sumagot si Olivia. Kaya pala palagi itong nakatingin sa kanya noong retreat nila. Kaya pala sinusundan siya ni Max noong umagang naglakad-lakad siya sa kagubatan.

"This is all my fault," mahinang sabi ng tiyahin ni Olivia habang nagpapahid ng luha.

Nilapitan niya ang tiyahin at niyakap. Naiinis siya kay Max pero mas iisipin muna niya ang kanyang tiyahin na ngayon ay umiiyak na.

"Aunt Kelly, it's not your fault. Alam naman natin na darating ang panahon na mangyayari sa akin ang nangyari sa akin sa retreat. We can't stop it, di ba? Nagpapasalamat nga ako at pinayagan ninyo ako. Nag-enjoy po ako sa retreat," sabi niya habang pinatatahan ang tiyahin.

"Talaga?" Tanong nito. 

"Opo. I had so much fun," ang sagot niya habang pinupunasan ang mga luha nito sa pisngi. "Huwag na po kayang umiyak. Kaya ko po ang lahat. Pinalaki n'yo yata akong matapang, hindi po ba?"

Tumango ang kanyang tiyahin at hinalikan siya sa noo.

"Do you want to go to the hospital so we can have you checked out?"

Umiling si Olivia.

"Hindi na po kailangan. They will just tell us the same thing we already know. I don't want to do more tests. It will be like before," ang sabi niya as her voice trailed away. Naalala niya ang napakaraming test na ginawa ng mga doctor sa kanya dati. Ayaw niyang muling mangyari 'yon. Alam naman nila kung anong meron siya.

Niyakap siya ng tiyahin. Mahigpit. The kind that assures her that everything will be alright.

"Okay. No doctors."

Napangiti si Olivia. Nagpapasalamat siya at marunong umintindi ang tiyahin niya.

"Thank you, aunt Kelly."


***


Napatingin si Max sa malaking wall clock na nasa loob ng cafe pagkatapos ay bumalik ito sa panonood ng video nina Olivia at Summer na nagsasampalan.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon