32: Never Ever

3K 194 26
                                    

Raw and unedited. I did try to edit it but I can't stop crying. I honestly hated writing this chapter. I was crying while writing this. :(



"Open your books to page 68 and—"

Kaagad na nag-angat ng tingin si Olivia nang mapansing napatigil sa pagsasalita si Miss Diestro. Kahit si Iris at ang ibang kaklase nila ay nakatingin din dito.

Napatingin si Olivia sa bukas na pintuan ng classroom nila at nakita ang dahilan kung bakit nagambala ang kanyang guro.

It was Max. A completely disheveled Max. Magulo ang buhok nito. His uniform unbuttoned showing his white undershirt. Isang backpack ang nakasabit sa kanang balikat nito. Hawak naman ng kanang kamay ng binata ang blue jacket nito.

"Good morning, Max," sarkastikong bati ni Miss Diestro habang nakatingin sa wall clock na nakasabit sa ibabaw ng white board.

"Go on, Miss Diestro. Don't let me stop you," ang sagot naman ng binata. Napansin kasi nito ang pagtigil ni Miss Diestro sa pagsasalita.

"Thank you for joining us. You look like a mess, by the way."

Tumawa ang ibang kaklase ni Max. Hindi naman ito pinansin ng binata.

"Hot mess!" Kinikilig na bulong ni Iris kay Olivia.

Hindi sumagot ang dalaga. Kinakabahan siya habang nakatingin kay Max.

Max walked straight. Hindi nito binibigyan ng pansin ang mga tumatawang kaklase. Hindi rin ito nakatingin kay Olivia.

He walked passed her. He was supposed to sit at the chair on Olivia's right ngunit dumiretso ito sa bakanteng upuan sa pinakalikurang bahagi ng classroom nila.

Hindi maiwasan ni Olivia na mapalingon. Sinundan niya ng tingin si Max. Pakiramdam niya ay dinudurog ang puso niya habang nakikitang nakaupo si Max sa malayo.

He's clearly avoiding her. And it's all her fault.

Nang magtama ang kanilang mga mata ay mabilis na umiwas si Olivia. Muli niyang ipinako ang tingin kay Miss Diestro na kanina pa pala nakatingin sa kanilang dalawa. Pagkatapos ay lumapit na ito sa white board at nag-umpisang magsulat.

Napahugot ng malalim na hininga si Olivia. Max has been absent for a few days. Mabuti na lang at pumasok ito ngayon kahit na late pa ito.

She wants to turn around and look at him pero pinigilan niya ang sarili. Ngayong alam na ni Max ang lahat, kailangan na niyang mag-move on. He's clearly trying to move on by avoiding her.

"Make sure to copy everything on the board," sabi ni Miss Diestro.

Napatingin si Olivia sa white board. Kokopyahin na sana niya ang isinulat ni Miss Diestro nang muli itong magsalita.

"That includes you, Mr. Del Valle," ang sabi nito habang nakatingin kay Max. "You know how I hate it when somebody sleeps in my class."

Napatawa ang ibang kaklase nila. Ang iba ay napalingon kay Max. Habang si Olivia ay pinipilit ang sarili na huwag tumingin sa binata.

Halata namang kulang ito sa tulog kung pagbabasehan ang hitsura nito. Alam ni Olivia na siya ang dahilan pero ang iniisip niya ay kung ano ba ang ginagawa ni Max kung bakit kulang ito sa tulog.

Was he up all night thinking about her? Was he out drinking with his friends? Or out hanging out with random girls?

An image of Max with another girl flashed in her mind. Napapikit si Olivia sa sakit na nararamdaman.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon