10: Tutor

4.1K 225 12
                                    

Here's the new chapter. Enjoy! Add 'nyo rin ako sa FB! :)


"Ito po 'yong cafe na sinasabi ko!" Masayang sabi ni Olivia habang pinagbubuksan ng pintuan ang tiyahin. It's a holiday kaya't naisipan ni Olivia na i-treat ito ng lunch.

"Looks cozy," ang sabi nito nang makapasok na sila sa loob ng cafe.

May mangilan-ngilang customers na sa loob at maaamoy ang bagong roast na kape. Lumapit sila sa cashier at pumila. May isang customer sa harapan nila na umo-order na. Habang nakapila ay nagpatuloy sa pagkuwento si Olivia sa tiyahin.

"At 'yon po ang favorite spot ko," itinuro ni Olivia ang isang bakanteng mesa. Mabuti na lang at wala pang nakaupo roon.

"Ano bang masarap dito?" Tanong ng tiyahin niya habang nakatingin sa menu board.

"Natikman ko na po ang lahat ng pagkain nila dito at talagang masasarap po," natutuwang kuwento ni Olivia. "Pero since paborito ninyo ang carbonara, 'yon na lang po ang orderin natin. I swear napakasarap po. It's the best carbonara I've ever tasted!"

"Okay, ikaw ang bahala." Natatawang sabi ng tiyahin niya habang inilalabas mula sa dalang purse ang cellphone nito.

Napatingin si Olivia sa tiyahin na may binabasa sa cellphone. Naging seryoso ang mukha nito.

"Bakit po?"

"Nag-message ang uncle Warren mo," ang sabi nito na nakatingin pa rin sa cellphone. Ang tinutukoy nito ay ang asawang nasa States.

Umabante si Olivia nang makitang umalis na ang nauna sa pila. Nasa tabi lang ni Olivia ang tiyahin na seryoso pa ring nakatitig sa cellphone.

"Good morning, ma'am! Welcome to Love Cafe!"

Napangiti si Olivia kay James, ang lalaking nasa harap ng cash register. Kilala niya na ang lahat ng crew ng Love Cafe. Mula sa cashier, serve at barista, kilala na niya lahat. At kahit na ang matangkad na lalaking nakatalikod at gumagawa ng shake ay sigurado siyang kilala niya.

"Hi, James! Isang ngang—"

Napatigil sa kanyang sasabihin si Olivia nang humarap ang lalaking kanina lang ay gumagawa ng shake. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ito.

"Hi, Pixie!" ang sabi ni Max sa kanya at tinapik ang balikat ni James. "Ako na ang bahala rito. Pakibigay na lang sa customer nung avocado shake."

Pati ba naman dito sa cafe ay makikita niya ito? At isa pa, anong ginagawa nito rito? Nagtratrabaho ba siya rito?

Tumango lang si James at tumalikod na. Lumapit si Max sa cash register at ngumiti sa dalaga.

Sa halip na kausapin si Max ay hinarap ni Olivia ang tiyahin.

"Um...aunt Kelly...sa ibang restaurant na lang kaya tayo—"

"Just order what you want. Mauuna na ako doon sa favorite spot mo. Kakausapin ko muna si uncle Warren mo," ang sabi ng tiyahin at itinapat sa teynga ang hawak na cellphone at kinausap ang asawang nasa kabilang linya. "Hello? Hi love! How are you?"

Tuluyan na nitong iniwan si Olivia na gustong tumakbo papalabas ng cafe.

She took a deep breath at hinarap si Max.

"Anong ginagawa mo rito? Part-time job?" She hissed. Bakit may part-time job ito gayung may-ari nga ng school ang pamilya nito? At bakit ngayon niya lang nakita ito dito?

Tumawa si Max bago sumagot. Not his evil laugh but his amused laugh na lalong ikinais ni Olivia.

"I own this place," mayabang na sagot nito.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon