35: Young Love

3K 171 19
                                    




"Welcome to Love Cafe. Can I have your order please?"

Ilang segundong tinitigan ni Iris si Olivia na nasa kanyang harapan. Hindi ito makapaniwala na si Olivia ang kumukuha ng order niya. Olivia is wearing a brown apron na may logo ng Love Cafe.

"Nagkabalikan lang kayo ginawa ka na niyang alipin?"

Kumunot ang noo ni Olivia pagkatapos ay napangiti ito.

"Alam mong hindi totoo yan," ang sabi ni Olivia kay Iris na ngayon ay nakataas ang kilay.

"Na hindi kayo nagkabalikan?"

Kaagad na napansin ni Olivia na napatingin sa kanya ang customer na nakapila sa likuran ni Iris.

"Hindi niya ako ginagawang alipin. Ano ka ba?" Pinandilatan ni Olivia ang kaibigan. "Umorder ka na nga."

"Ano bang ginagawa mo ngayon? Hindi ko nga alam na nagtatrabaho ka na pala dito ngayon," sabi ni Iris sabay ismid.

"Nagkasakit iyong isang trabahante ni Max kaya't pinauwi niya kanina. I just wanted to help kasi nga ang haba na ng pila sa likuran mo," sabi ni Olivia sabay tingin sa pila na malapit nang umabot sa pintuan ng cafe.

"Aww. Ang sweet mo namang girlfriend."

"Iris! Ano ba?" Muling pinadilatan ni Olivia ang kaibigan. Napansin niyang napatingin sa suot na relos ang nakapila sa likuran ni Iris.

"Fine! Oorder na ako. Isa ngang chocolate chip bubble tea." Pang-iinis ni Iris sa kaibigan.

Napailing si Olivia sa narinig. Nagtataka tuloy siya kung may nagawa ba siyang masama sa kaibigan.

"Alam mong wala milk tea dito but we have your favorite chocolate chip milk shake and red velvet cake," ang sagot ni Olivia. "That would be 308 pesos."

Isang sarkastikong ngiti ang isinagot ni Iris.

"Idagdag mo na rin itong isang bag ng potato chips kasi feel ko lang na matatagalan ako sa paghihintay sa'yo dito," ang sagot ni Iris at ibinigay kay Olivia ang bayad nito.

"Thank you for understanding. Max will bring your order to you once it's ready," ang sabi ni Olivia.

"Max. Okay." Tumatango-tango si Iris habang nagsasalita. "I'll be sitting right over there." Itinuro ni Iris ang isang bakanteng mesa malapit sa bintana pagkatapos ay tumalikod na ito.

Napangiti lamang si Olivia habang nakatingin sa papalayong kaibigan.

"Welcome to Love, Cafe! May I have your order, please," ang sabi ni Olivia sa sumunod na customer.

Habang kinukuha niya ang order ng customer ay lumabas naman mula sa kusina ng cafe si Max. May dala itong dalawang pinggan ng carbonara. He's the waiter today dahil nga nagkasakit ang isang tauhan nito sa cafe.

Bago inihatid ni Max sa table ng mga customers ang dalang pagkain ay nilapitan nito si Olivia na abala sa pagbibilang ng isusukli sa karahap.

"Are you okay?" Tanong nito sa kanya.

Ngumiti siya sa nobyo at tumango. Isang ngiti ang isinagot ni Max at umalis na ito. Nagpatuloy naman si Olivia sa pagkuha ng orders mula sa mga nakapilang customers. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya si Max na abala sa paglabas-masok sa kusina ng cafe.

Makalipas ang halos twenty minutes ay nakuha na ni Olivia ang lahat ng order ng mga customers. Napatingin siya sa kanyang relos at naghintay ng ilang segundo. Napansin niyang wala nang pumapasok sa cafe ay nagpasya siyang puntahan si Max sa kusina. Naisip niya na baka kailangan nito ng tulong.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon