29: Just For Tonight

3.8K 158 12
                                    

Katatapos ko lang isulat ang chapter na 'to. Raw and unedited. You can point out my errors if you want. That will be easier for me to edit. :) I hope you like it.



"So, this doesn't hurt?"

"No," tumatawa si Oliva habang kinakagat ni Max ang kanyang kanang braso. Nasa isang fastfood restaurant sila at kumakain.

"How about this?" Tanong ni Max at muling kinagat ang braso ni Olivia.

Lalo lang tumawa si Olivia.

"Hindi nga sabi. Kahit magkasugat-sugat pa 'yang braso ko dahil sa kagat mo wala pa rin akong mararamdaman. Nasaksak nga ako pero wala akong naramdaman, di ba?" Pagpapaalala ni Olivia sa ginawa ni Brett sa kanya almost a month ago.

"But this one," mahinang sabi ni Max. Bumaba ang labi ng binata mula sa braso patungo sa kamay ni Olivia. He planted a big kiss on her hand. "Did you feel that?"

Kinikilig si Olivia sa ginagawa ni Max. Napakagat-labi tuloy siya.

"Of course, sugar. Nararamdaman ko ang mga halik mo," kinikilig niyang sagot.

Napangiti si Max sa narinig. Wala pa kasi silang official na tawagan. "Sugar, huh?"

Pagkatapos halikan ni Max ang kamay ng dalaga ay inilapit nito ang mukha sa mukha ng dalaga. He was about to kiss her lips nang dumating si Iris at padabog na naupo sa harapan nila.

"Lovebirds!" Sigaw ni Iris. Mabilis namang nilayuan ni Max si Olivia.

"Iris," nahihiyang sabi ni Olivia sa kaibigan.

"Is everything okay?" Tanong ni Max.

Iris rolled her eyes. "Alam n'yo nakikita ko kayo doon habang pumipila ako para um-order. Sobrang nakakainggit kayo. You're biting and kissing each other.

"W-what?" Nahihiyang tanong ni Olivia habang napailing lang ang nakangiting si Max.

"My point is, puwede ko bang kagatin si Borris?" Tanong ni Iris habang nakatingin kay Max. "Wala na bang mas manyak pa sa kaibigan mo? I really want to bite his head off."

Malakas na napatawa si Max.

"Mabuti naman at natutuwa ka, Max," sarkastikong sagot ni Iris.

"He's the only one who likes you, Iris. Ayaw ni Dexter at Roman sa'yo. That's why you can't bite him," sagot ni Max sabay tawa.

"Kung ganun, puwede bang kayo na lang ni Borris ang magkatabi mamaya sa loob ng sinehan? Or better yet, can you ask him to go home?" Ngayon ay nakatingin si Iris kay Olivia.

"Iris, it's Max's idea to bring Borris along. Ayaw ka naming maging third wheel," sagot ni Olivia sa kaibigan.

"We have planned to watch this movie long before naging kayo ni Max."

"Alam ko pero gusto rin namang manood ni Max kaya naisip namin na mag double date na lang tayo."

"Borris wants to watch the movie, too," nakangiting sagot ni Max. Halatang iniisi si Iris.

"Come on, Iris. It's gonna be fun. Mabait naman si Borris, ah."

"And you know that, how?" Nakataas ang isang kilay ni Iris habang nakatingin sa kaibigan.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Max sa magkaibigan. Ayaw niyang mag-away ang mga ito.

"Speaking of Borris, do you know where he is?" Tanong ni Max.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon