11: Surprise

4.1K 200 10
                                    

Hi! Heto na ang bagong chapter. I hope you like it. :)


"No more bullying? Seryoso ka ba, Max?" Hindi makapaniwalang tanong ni Roman kay Max.

Hindi ito masisisi ni Max. Sa ilang taon nila sa high school ay ngayon lang siya narinig ng mga ito na nagsabing itigil na ang kanilang pambubully.

"Yeah, Max. Excited pa naman sana ako," ang sabi ni Dexter.

Natapos na ang tatlong linggong suspension nina Roman, Dexter at Boris. Alam ni Max na excited na ang mga ito na makahiganti kay Olivia.

"It has to stop for now," simple niyang sagot sa mga ito.

"Huwag mong sabihin na ganoon na lang 'yon. Kailangang magbayad ng Olivia na 'yan sa ginawa niya sa amin," ang sabi ni Borris habang nakatingin sa table kung saan kumakain ng lunch si Olivia kasama si Brett.

"May nadiskobre ka na ba tungkol kay Olivia? May super powers ba siya?" Ang tanong ni Roman.

"Wala pa."

"Hindi pa ba sapat ang tatlong linggo, Max?" Naiinip na sabi ni Borris.

"Wala ba kayong naintindihan sa planong sinabi ko sa inyo?" Tanong ni Max sa mga kaibigan. Nakatitig din siya sa table nina Olivia at Brett.

Nagkibit-balikat si Roman. Tahimik naman si Dexter.

"Magiging tutor mo si Olivia. Pagkatapos?" Ang tanong ni Borris. Sa tatlo ay ito ang gustong makapag-higanti sa dalaga.

"Tutuklasin ko kung anong tinatago niya," sagot ni Max. "She's confident that she has me in the palm of her hands when in fact, it's the other way around."

"Sigurado ka ba sa ginagawa mo, Max?" Tanong ni Borris. Nagdududa ito sa plano ng binata.

"Oo, sigurado ako sa ginagawa ko. Ano bang nangyayari sa'yo?" medyo naiiritang tanong niya. Nalilito siya sa ikinikilos ni Borris.

"Wala. Iniisip ko lang na baka nagkakagusto ka na rin kay 'Pixie' gaya ni Brett."

Tumawa ng malakas si Max sa narinig.

"Nagbibiro ka ba? Ba't ako magkakagusto sa kanya. Come on, look at her. She looks like a little boy," sagot ni Max kay Borris. Itinuro niya si Olivia. Nawala ang ngiti sa mukha niya nang makitang tila sweet na sweet na nag-uusap sina Olivia at Brett. "Sandali, sa tingin 'nyo may gusto si Brett kay Olivia?"

Sabay na napatingin ang tatlo sa direksyon nina Olivia at Brett.

Nagkibit-balikat si Roman.

"Hindi ko alam pero marami ang nagsasabi na talagang hiwalay na sina Brett at Summer," sagot ni Borris at muling napatingin kay Max.

"Sa palagay ko, he's really into her," ang sabi naman ni Dexter, nakatitig pa rin sa direksyon nina Olivia at Brett.

Napakunot naman ang noo ni Max. Nalilito siya habang nakatitig pa rin sa dalawa. "Ano bang nakikita niya sa babaeng 'yan?"

"She's different," sagot ni Dexter.

"She's kinda cute. If you look past the pixie hair, she has this sweet and innocent facial features," ang sagot ni Roman.

Nagulat naman sina Dexter at Borris sa sinabi nito. Napatitig ang mga ito kay Roman.

"Ano?" Sabay na tanong ng dalawa.

Samantalang si Max ay nakatitig lang kay Olivia. Hindi niya makita sa mukha ni Olivia ang sinasabi ni Roman.

"Parang ikaw yata itong may gusto kay Olivia," natatawang sagot ni Borris.

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon