3. Bloody Knees

5.5K 242 14
                                    

Salamat sa pag-aabang. Heto na ang bagong chapter. Sana ay magustuhan ninyo. :)


"What do you think of this place?"

Nag-angat ng tingin si Olivia at tumingin sa kanyang tiyahin. Naupo ito sa tabi niya.

"I like it here. Tahimik, peaceful at mahangin. Naririnig ko rin ang mga huni ng ibon, which I really like," sagot niya.

"Oo nga, ano? Nakakatuwa naman ang mga ibon," ang sabi ng aunt Kelly niya at itinuro ang mga ibon na naglalaro sa punungkahoy na malapit sa kanila.

"I'm sure mommy and lola like this place," wala sa sarili niyang sabi at napatingin sa magkatabing libingan ng lola at mommy niya.

Anim na taon pa lamang si Olivia nang mamatay ang mommy niya and her aunt Kelly took care of her ever since. Identical twins ang mommy niya at ang kanyang tiyahin. Nang mamatay ang mommy niya ay ang aunt Kelly na niya ang nag-alaga sa kanya. Isinama siya nito sa US noong walong taon pa lamang siya.

"I'm sure," sabi nito at inakbayan siya.

Hindi nagkulang sa kanya ang tiyahin. Ibinigay nito sa kanya ang lahat ng kailangan niya. Itinuring siya nitong tunay na anak. Kahit nang mag-asawa ito ay kinupkop siya nito. Wala nang ibang pamilya si Olivia. Ang aunt Kelly niya lang ang natitira niyang kamag-anak. Kaya't mahal na mahal niya ito.

Napatitig si Olivia sa libingan ng kanyang mommy. Ilang beses niya bang pinangarap na sana nakilala niya pa ito at nakapiling ng matagal? Pero nang dahil sa kanyang aunt Kelly ay naging kontento siya. Ibinigay nito sa kanya ang lahat ng kailangan niya, physical, financial at emotional.

Habang nakatitig sa libingan ay naalala ni Olivia ang studyanteng nakita niya sa comfort room ng school nila. Alam niyang binugbog ito ng tatlong lalaking nakita niyang kasama ni Max.

Isa rin ba si Max sa bumugbog sa lalaking nakita niya? Hindi niya naman nakita si Max na lumabas ng comfort room. Pero baka nauna na itong nakaalis bago niya pa ito nakita.

Napailing ang dalaga. Hindi niya alam kung anong iisipin.

"Olivia? Okay ka lang ba?" Puna ng tiyahin niya.

"May iniisip lang ako, aunt Kelly," ang sagot niya sabay ayos sa bulaklak na nasa libingan ng lola niya.

"Bakit? May nararamdaman ka ba?" Biglang nataranta ang tiyahin niya.

"Wala po. Hindi po tungkol sa akin," nakangiti niyang sagot. "May nakita po kasi akong lalaki sa school na binugbog. I was just thinking..."

"Don't think about it, Olivia," inunahan na siya ng tiyahin niya. Tila alam na nito ang iniisip niya.

"Kasi naman po—"

" Tanong ng tiyahin niya na ikinatahimik ng dalaga. "Hindi ka superhero, Olivia."

"But aunt Kelly—"

"Just because you don't feel pain doesn't mean you don't get hurt," mabilis na sagot nito. "You're not Wolverine or a superhero from the movies that you watch. You're just a normal teenager. Alam kong gusto mong tulungan ang studyanteng nakita mo but please don't."

"Nakakaawa naman kasi, tita," sagot niya habang inaalala ang nabugbog na mukha ng lalaking nakita niya.

"Hindi ka ba naawa sa akin? Baka susunod na ako sa mommy mo dahil sa pag-aalala ko sa'yo."

Tumawa si Olivia sa narinig. May pagka-dramatic talaga itong tiyahin niya.

"Aunt Kelly naman, eh!" Sabi niya at sumandal sa balikat nito. "Sorry na po."

Love, Pixie (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon