Hi, lovely reader. Salamat sa pag-aabang. Heto na ang bagong chapter. Sana ay magustuhan mo. :)
"You have an infectious laugh," natatawang sabi ni Brett kay Olivia.
Napatigil sa pagtawa ang dalaga. Naramdaman niyang umiinit ang pisngi niya.
"Ba't ka tumigil?" Nagtatakang tanong ni Brett.
She smiled. Nahihiya siya dahil alam niyang nag-ba-blush siya. Ito naman kasing si Brett. Hindi niya alam na palabiro pala ito. Nasa canteen sila at ikinukwento ni Brett ang stepbrother nitong si Lorenzo.
"Salamat at napatawa mo ako," ang sagot ni Olivia at napatingin sa pagkain. "I never thought you're funny."
Napatitig sa kanya si Brett. Kinabahan si Olivia. Ba't kasi ang gwapo nito? At ngayong nakatitig ito sa kanya ay lalo siyang kinabahan. He's looking at her like she's the only girl in the world.
"I'm not funny. Ikinuwento ko lang naman sa'yo ang tunkol sa amin ni Lorenzo and you started to laugh," sagot ni Brett at muling kumain.
Ikinuwento ni Brett na palagi silang nag-aaway ni Lorenzo. Napangasawa ng ama ni Brett ang ina ni Lorenzo. May nakababatang kapatid na babae si Lorenzo na nasa ibang school nag-aaral. Ang sabi ni Brett, hindi raw sila magkasundo ni Lorenzo sa simula. Ayaw kasi ni Lorenzo sa ama niya. Pero nang binu-bully na si Lorenzo ni Max at ng mga kaibigan nito ay unti-unti silang nagkasundo. Brett has become Lorenzo's unofficial defender.
"Si Lorenzo...talaga bang...is he...?" Hindi mahanap ni Olivia ang tamang sasabihin. Gusto niyang malaman kung totoo nga bang bakla nga si Lorenzo.
"Gay?" Si Brett na ang tumapos sa sasabihin niya sana. Napatawa ang binata. "No, he's not. May pagkamahinhin lang siyang kumilos pero hindi siya bakla."
"Ba't siya binu-bully ni Max?" Curious niyang tanong. Akala niya ay 'yon ang dahilan kung bakit ito binu-bully ni Max at ng mga kaibigan nito.
Nagkibit balikat si Brett.
"Walang nakakaalam. Pero ganyan naman talaga si Max. He does things without any reason. Ginagawa niya lang dahil gusto niya," sagot nito.
"Magkakilala ba kayo ni Max?" Na-curious siya ulit.
"Hindi masyado pero magka-klase kami ni Lorenzo at Max last year sa junior high. Ganyan na talaga si Max dati pa," sagot ni Brett. Napatitig ito kay Olivia pakatapos ay napangiti. "Sandali. Bakit ibang tao ang pina-uusapan natin? I would like to know more about you."
At napatalon ng wala sa oras ang puso ni Olivia. Again, she blushed.
"You're blushing," nakangiting sabi ni Brett sa kanya.
Umiling si Olivia at tinakpan ang mga pisngi.
"N-no, I'm not," kinakabahan niyang sagot. Iniiwasan ang mga tingin ni Brett.
"Okay. You're not blushing. Namumula lang ang mga pisngi mo," tumatawang sabi ni Brett. "Pero hindi ibig sabihin niyan hindi ka na magkukuwento tungkol sa buhay mo."
"Ano bang gusto mong malaman? My life is boring," nahihiya niyang sabi.
"No, you're not boring. You're the most interesting girl I've ever met," ang sabi ni Brett. Nakatitig pa rin ito sa kanya.
Lalo namang kinilig si Olivia sa narinig. Lalong uminit ang mga pisngi niya.
"Kasing-pula na ba ako ng hipon?" Wala sa sarili niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Love, Pixie (COMPLETE)
Teen FictionOlivia has a secret. A secret she has been keeping for years. Ang sabi ng mga doctor, she's one in a hundred million. She cannot feel pain. Kahit i-torture pa siya ay wala siyang mararamdaman. Olivia is determined to do everything she can to keep h...